“ha dito yung DATE ?“ napatingin ako sa sign
( D A C – AMUSEMENT PARK )
“oo! Tara dali! Libre naman tayo dito! Akin kaya to’ haha..“ dafuq-- “whuaaat?!” Pumasok na kami sa loob,wow ang daming rides! “Ja! Palit muna tayo ng damit! Basang basa na tayo eh! Tara”
“ikaw bahala..” napatingin ako sa kamay ko.. naghoholding hands parin kami hanggang ngayon.. pumunta kami sa isang store na puro merchandize ng mga damit. “Bagay siguro to’ sayo Ja!” Binigay niya saakin yung Over-sized Tshirt na may tatak na D A C .“Palit ka na ja! Doon yung Dressing room!” Pumasok na ako sa dressing room, Sinuot ko yung damit tinggal ko na rin muna yung skirt ko, swerte may maong shorts ako ngayon, Ughh—basang basa yung School Uniform ko, hala hindi pa nga pala ako nagpapaalam! Meh—hayaan na muna! Nasa Amusement park ako ngayon! Magpapakasaya muna ako. Paglabas ko ng dressing room
“Oy okay lang?” napatingin siya saakin sabay ngiti. “bagay nga! Haha~ and cute mo! Wait ka lang jan! ako naman yung magpapalit” umupo ako sa tabi, tinignan ko yung mga tao sa labas, iniisip ko yung arranged marriage, ikakasal na ako sa taong ayaw ko at hindi ko mahal.. may dumaan nakilala ko..Huh? teka.. SI MICO BA YUN AT SI JHOMAR!?
Why are there here!? Oh my god.. Teka may kasama si jhomar na babae, wow ang ganda niya! gf niya ata yun.. sabay hindi naman nauubusan ng chicks tong mokong na to’ Todo tingin ako sakanila
“anong tinitignan mo jan?”
“Whoa! Ahh—eh wala haha!” tumingin siya sa bintana “ganun ba?” Tinayo niya ako “tara na nga! Rollercoaster muna tayo dali!”
“Rollercoaster? T-takot ako dun ay!” hinatak niya ako palabas. “ang duwag mo masyado! Tara na nga!” Yung ngiti naman niya imbang imba! Papatayin niya ata ako sa takot! Teka nga muna – did he mention earlier na PAY BACK ko to!? Omyg “AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” Ang bilis ng coaster! Shemaay! “ WHAA!!!! “ sa sobrang takot ko hinawakan ko yung kamay niya ng sobrang higpit! Umiiyak na ako sa sobrang bilis! Hilong hilo na ako! Tinignan niya ako “Ja! Say cheeze!” nilabas niya yung video cam niya dali-dali “dali na!!”
“Cheee—Whaaaaaaa!!!” tawa siya ng tawa , Nirecord pa talaga,pagkababa ng ride “ Gawd.. Ang h-haggard ko! Nagkagulogulo yung buhok ko” tinitignan niya yung video kanina “Nyahahahah! Tingnan mo yung itsura mo! Ang Mokong mo dito!”
Tinignan ko “Ugh! Burahin mo yan!!”
“Hoy! Payback mo to ja!” nag pout nalang ako “ok…” wala na din ako magagawa BooHoo :’(
umunta kami sa food court. “anong gusto mo Ja?” tinignan ko yung menu. “erm..yung burger with fried nalang..” kinuha niya yung wallet niya “magbigay ka pa ng iba! Want take out?” binuksan niya yung wallet niya. Ohmygosh .. Gold Credit card teh’! Mayaman! “Ah! Hindi wag na! ako nalang magbabayad! P40 lang naman yung burger ay!”
“wala akong barya eh haha “ Umupo na kami, Kumain na rin kami ng gabihan. “uy ja! Anong ride yung sunod?” tinignan ko yung Map “dito tayo sunod sa may bolabola “
“yung nasa loob ka ng bola? Tapos paikotikot ka? Hahaha “
“OO yun nga! Haha” naging bata kami.. “Tara na! Dalian mo!”
Hinawakan niya yung kamay ko, tumakbo kami papunta sa bola-bola. “Ate..Kuya.. isa nalang po yung available na bola.. kasya naman po kayo eh! Pang COUPLE din naman po to “
“sige kuya okay na yan!” Nyek!? “wag ka na ngang maarte! Makapaglaro lang tayo dali! Pasok na!” pumasok na ako sa bola at pumasok na rin siya. “Hoy wag kang uutot ka!” ikot kami ng ikot sa bola “haha hindi rin no! haha *pooot* “ Sinampal ko siya. “Naku naman! Kakasabi ko lang PSH—ang baho! Shemay! KUYA PABUKAS NA YUNG BOLA ANG BAHO!”
“hahaha! Feel the air Janella! Feeeeeeel “ UGHHHH I CANT BREATH!! Nakalabas na kami ng bola “Ugh! Fressssh air!” napaupo ako sa sahig. “hahaha anong sunod? Oh—Tubig for you” binigay niya yung malamig na tubig. “salamat..dun naman tayo sa isa!”
“TARA NA!!!” Makalipas ng ilang oras ng kakaride. “Uy 1 o’clock na ah! Hindi pa ba to mag cl-close?”
“Haha! Tao ka ba? D A C to’ 3am to magsasara! Tapos 6 o’clock mag oopen!” inakbayan niya ako “tara! Since madaling araw na dun tayo sa ferris wheel!” Naglakad kami papunta sa ferris wheel, pagsakay namin nakita ko yung katabi namin cubile, nandun sila jhomar at yung kasama niya GIRL kanina. “Oh—si jhomar yun ah!” Nagtago ako sa ilalim.“Oy ja,bat ka nagtatago?” MAGISIP KA NG EXCUSEEE! “N-Nadapa kaya ako!” tinayo niya ako “haha! Mag ingat ka ha?”
Pagupo namin, umandar na yung ferris wheel “ilang minutes ba tayo dito?”
“mga 20 minutes! Haha”
Silence..
“alam mo janella.. ang saya ng araw ko ngayon! Salamat sayo..” ngumiti siya saakin, napapaluha ata siya..he is smiling but his eyes is so different.. “teka—ano ba yung pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap hindi naman kita kakilala!”
“HA? DI MO ALAM!? HALA KA!”
“ikaw ba naman kasi hinatak mo agad ako tapos ayun may date agad!”
“hahah! Oh ito na Miss Janella!”
"Hi! Ako si Cloud Arvin Garcia , 3rd year student like you, gwapo at heartthrob ng campus!"
“Wow ang ganda ng bio! Gwapo at heart-throb ng campus! Kilala mo naman ako diba?” Ngumiti siya saakin “ Janella Rose Villanueva,The strictest Vice-leader ng 3rd year! “
“tae hindi ah!”
“Masaya ka palang kasama no? haha” tumingin nalang ako sa bintana tinitignan ko yung city lights..ang ganda.. then suddenly yung cubicle nila jhomar ang nakita ko, tingin agad ako kay cloud “bakit?”
“topic naman ohhhh? Kinamot ni cloud yung ulo niya. “bago ka lang ba sa campus?”
“Nung December lang ako nagtransfer” hm.. that's why..hindi ko siya nakikilala eh. “eh bakit hindi kita nakikita masyado?”
“nag cu-cutting ako hehe!” Loko pala tong cloud na to’ ngumiti siya saakin.. somehow I think his smiles are fake..tumigin ako sa bintana nakikita ko sila jhomar, nagtatawanan sila.. tapos naboring agad nyek haha! “Janella tara dito. Picture nga tayo Isa lang!” sumunod nalang ako sakaniya
*Click*
“anong gagawin mo jan sa picture?” Pindot siya ng pindot sa Cp niya. “tingnan mo nalang yung reaction ni jhomar dali!” tinignan ko si jhomar.. tinignan niya yung cp niya, tinapon siya sa babae yung cp “woah!?” tumingin dito si jhomar, halatang halata na naiinis siya, nagsisigaw dun! naghahalimaw yung halimaw!! Sarap tawanan! “Ano ba yung sinabi mo? Haha!” Tawa kami ng tawa ni cloud pinatingin niya yung cp niya
To : Jhomar
BRO! Panget ng kasama mo! Masokay pa to saakin! Si JANELLA ROSE VILLANUEVA NA
MAGIGING MRS.DEL MUNDO SOMEDAY! Pahiram muna tong fiancé mo ha? Mamaya mag hohotel kami SAMA KA? Hahaha! See you later Dude
( I N S E R T P I C T U R E H E R E )
“H-hotel!? Bakit alam mo yung tungkol sa kasal!?” Kinurot niya ako sa pisngi “Oo naman! Sinabi kaya saakin ni jhomar!”
“ah eh! Sabi ko .. HAY! BWISET! Hindi na dapat sasabihin sa iba eh!” anak ng butete naman oh! sinabi pala ni jhoamr! “naku ano ka ba? Lalabas at lalabas din yan! Sa contract pa nga lang tsaka sa WEDDING eh”
“Naku bahala na! humanda yan saakin!” tinignan ko ng masama si jhomar
“bagay kamo kayo ni jhomar!” napatingin ako kay cloud “NEVER “
“so meaning walang feelings? Pwede ba yun? Ikakasal walang feelings haha!”
“ARRANGED MARRIAGE NGA DIBA!!?!” Ngumiti si cloud
“Ikaw bahala ;) “
BINABASA MO ANG
High School Bride
Lãng mạnHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...