I have to move on, carry on janella.. wag mo munang isipin, kailangan mong magaral. Malapit na nga pala yung 3rd periodical namin, kailangan munang mag focus sa pagaaral... kailangan. tumayo na ako at pumunta sa desk ko, nakita ko yung mga pictures namin nila jhomar.. pinagtatabi ko muna iyon at nilagay sa isang folder. Kinuha ko na yung books ko at nag simula na akong magaral.
pagkatapos ng ilang minuto pa, walang pumapasok sa isipan ko.. ang naalala ko lang talaga si jhomar, inuntog ko yung mukha ko sa lamesa. "Ang tanga mo janella.." sabi ko
---
kinaumagahan, hindi ko nakita na umuwi si jhomar nung kagabi. siguro kasama niya nanaman yung kaibigan niya, kinuha ko yung towel ko at papunta na dapat ako sa cr.. pero biglang may nag ring. hinanap hanap ko kung saan nanggagaling iyon, lumapit ako sa drawer ni jhomar. binuksan ko at tumutunog yung cellphone niya, ito nanaman yung tumatawag.. sasagutin ko na dapat pero nawala.
Binalewala ko nalang at pumasok na ako sa cr. maya-maya pa at nakalabas na ako sa cr. basang basa ang buhok at naka uniform na.
kinuha ko yung mga libro sa desk ko at nilagay sa bag ko. "Nakakainis.." sabi ko sa sarili ko, hindi nakapagreview ng marami.. Hindi parin maalis sa isipan ko nung nangyari kahapon, bakit ba kasi ako nag react... ang tanga ko.
lumipas ng ilang minuto, lumabas na rin ako ng bahay.. wala ako sa mood na magpahatid sa driver papuntang school, naglakad nalamang ako.. may halong lungkot at kaba ngayon, hindi ko alam kung bakit kaba.. siguro dahil hindi pa umuuwi si jhomar..
kinuha ko yung geometry kong aklat at nagrereview ako habang naglalakad, hindi ko na maintindihan anong binabasa ko pero tinatry ko talagang intindihin ng maayos.
"The formula for the circumference C of a circle with radius r is: C = 2(pi)r ...where "pi" (above) is of course the number approximately equal to 22 / 7 or 3.14159. They gave me the value of r and asked me for the value of C, so I'll just "plug-n-chug": C = 2(pi)(3) = 6pi,Then, after re-checking the original exercise for the required units (so my answer will be complete): the circumference is 6pi cm."
Biglang..
"Janella!"
napatalikod ako at may kumakaway papunta saakin. "Oh, Hi Cloud." sabi ko, lumapit na siya saakin at naglakad kami papunta sa school. "Himala, magisa ka parin ngayon.." sabi niya.
"Hindi pa umuuwi si jhomar.. nagalit siguro sa sinabi ko kahapon." sabi ko.
"Nagaway pa kayo? pagkatapos 'nun?" gulat na sinabi ni cloud.
"Sabi niya na.. may gana pa raw akong gumala kasama ka." sabi ko.
"Nako, hayaan mo 'yun. pakisabi di bagay sakaniya magselos!" sabi ni cloud, at ngumiti siya.
"Cloud.. seryoso, galit na galit siya. gusto ko siyang kausapin para matapos na 'to" sabi ko.
"Siguro naman papasok yung lalake na yon diba? makakausap mo yun sa school." sabi ni cloud.
hindi ko namalayan na nasa school na pala kami, pumasok na ako classroom ko at nadatnan ko si marzia. "Good morning!" sabi niya, ngumiti nalang ako at pumunta ako sa desk ko, lumapit siya kagad saakin. "Ayy Ngiti-zoned lang ampheg mo today? anyare?" tanong niya saakin. "Nagaway kami ni jhomar.." sabi ko at binaba ko yung bag ko, may biglang pumasok sa pintuan.
BINABASA MO ANG
High School Bride
Roman d'amourHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...