Update na ituuuuuuuu \m/
---
"Janella, nakatulala ka na jan.." nabalik ako sa realidad, pagkatingin ko sa harapan ko.. nanjan na talaga siya, matagal na pala akong nakatulala kanina pa. "Oy-- Janella! Ayos ka lang?" tanong ni jhomar, ngumiti ako ng sobrang laki. "O-oo naman! Buti naka abot ka!" sabi ko. "Shempre, Gusto ko nang makasama yung pinaka mamahal kong asawa, Miss na miss na kita eh!" bigla niya akong kinurot sa pisngi.
*Plak*
Napatingin ako sa kanan ko. "Ah.. Sorry.." sabi ni shuichi, dahang-dahan niyang pinulot yung nabasag na pinggan, lumapit si jhomar sakaniya. "Bro, ayos ka lang?" tanong niya, pumulot rin siya ng basag na plato. "Ako na.." inis na sinabi ni shuichi. "Tulungan lang kit--" hindi pa natapos ang sinasabi ni jhomar at sumabat na si shuichi. "AKO NA!" sigaw niya, kinuha niya dali-dali ang mga basag na plato at pumasok na sa loob, napatulala na lamang si jhomar.
Lumapit ako kay jhomar. "Pasensiya ka na.. kay kuya shuichi, masungit lang yan ngayon." sabi ko, tumayo na si jhomar. "Ah, ganon ba?" mahinang sagot niya, napakamot na lamang siya sa buhok niya. "Akyat na muna ako janella, pagod ako eh." sabi niya, napa-oo nalang ako at umakyat na siya sa kwarto namin.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko sila cloud at si shuichi, ang una kong napansin ay yung nagdudugo yung kamay ni shuichi, lumapit kagad ako sakanila. "Anong nangyari jan?!" sabi ko. "Nasugatan ako sa pagdampot ko ng basag na pinggan." paliwanag niya. "Sige, Aalis na ako.. pupuntahan ko pa yung family ko." sabi ni cloud at umalis na siya.
Kinuha ko kagad yung first-aid sa cabinet at kinuha ko yung betadine at yung band-aid. Kinuha ko ang cotton at betadine. "Bakit mo namang ginanon si jhomar kanina.." tanong ko habang dahang-dahan kong dinadampi yung cotton na may betadine sa sugat niya. "Eh kaya ko naman yun, tutulungan niya pa ako!" pasigaw niyang sinabi. "Tinutulungan ka lang naman ng tao, sana naman maapreciate mo.." sabi ko. "MAAPPRECIATE? HINDI KO KAYANG IAPPRECIATE, NA KAHIT ANONG BAGAY NA GAGAWIN NG TAO NA YAN!!" pasigaw na niyang sinabi, nakaramdam na ako ng inis. "TINUTULUNGAN KA LANG NAMAN NG TAO!" sumigaw na ako,Napatingin saakin si shuichi ng masama at parang may gusto siyang sabihin..tinahan ko na yung pag-gagamot ko
"Bahala ka na nga lang jan.." umalis na si shuichi at napa hinga na ako ng malalim. "Ano bang problema non?!" napahawak na nalang ako sa ulo ko.
---
SHUICHI'S POV
Umalis na ako at umakyat na ako sa kwarto ko. "Bakit ba palagi nalang niya kinakampihan yung lalake na yun!" Hindi ko na kinaya.. Gustong-gusto ko nang sabihin sakaniya, pero.. kapag nakikita ko na nagiging pipi na ako. Hindi ko kayang magsinungaleng kay janella.. nasisikipan na ako, nakokonsensiya na rin ako.. paano kung malaman na niya diba? at malaman niya na alam na namin.. Hindi ko na alam! magkakagulo gulo kaming magkapatid..
Kasama na ako sa gulo na ito dahil alam ko na niloloko lamang ni jhomar si janella. duwag akong sabihin kay janella ang totoo, hindi naman sa DUWAG talaga kumabaga TAKOT. Kung sasabihin ko sakaniya ngayon, may proweba ba? maniniwala ba siya? halatang halata na hindi siya maniniwala dahil MAS KAKAMPI siya kay jhomar.
I really can't do this anymore, and to think na nakikitang mong sumasaya at umiibig yung kapatid mo sa isang taong hinayupak na manloloko. I can't.. I really can't
Tinext ko na si cloud
Clou..I can't do this anymore. Nasasaktan na ako para sa kapatid ko, don't worry hindi ko parin sasabihin.Aalis na muna ako.. I just want to breathe freely by my own, nasasakal na ako sa problemang ito.
Hindi ko na pinansin kung sasagot pa si cloud, basta na sabi ko na. Kailangan ko ng bakasyon, naiistress na ako sa mga problema.
---
CLOUD'S POV
Nagulat nalang ako at may nagtext saakin, si shuichi? He wants space..
Hindi lang naman siya ang nahihighblood sa sitwasyon ngayon, pati rin ako. gusto ko lang ng tamang timing para masabi ko kay janella ang totoo.. tamang timing nalamang.. tamang timing..
Nagtext ako kay cloud
Sige, magingat ka kumag. pahinga ka.
Kakayanin ko to.. Magagantihan ko na rin si jhomar, masisira na yung plano niya.
---
JHOMAR'S POV
Pagpasok ko sa kwarto ko, naamoy ko nanaman yung amoy ng kwarto.. amoy janella. nakakamiss rin pala yung gantong amoy. napaka sarap ng amoy, nakakamiss na amoy.. "A-anong bang pinagsasabi mo.." mahinang sinabi ko, tinignan ko yung picture namin nung kasal, lumapit ako sa malapit na shelves at tinignan ko iyon, hinawakan ko yung picture at pinunasan ko.
naalala ko yung nasa bag ko na album, kinuha ko kagad yung album sa bag ko at nilagay ko sa tabi ng picture namin.
Ang ganda niyang ngumiti..
Biglang tumibok na mabilis yung puso ko.. Ano to? ano tong nararamdaman ko.. Nahuhulog na ba ako?
~
Oh my LOL.

BINABASA MO ANG
High School Bride
Roman d'amourHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...