After that incident (If you know what I mean)
Nagayos na sila at umalis na rin kami sa hospital,nakakainis naman naloko ako! Sinundo kami ng driver namin, wow kala si kuya on time! Kaming dalawa ni jhomar nasa likod. Ang tahimik nnamin hindi ko alam kung anong sasabihin eh! Naconfess ko na sakaniya.. or in other words ANG AWKWARD namin ngayon.. or ako lang yung nakakafeel..
“ano ulit sinabi mo saakin nung huli?” tanong niya habang nakatingin sa bintana at nakangiti hanggang tenga. Uulitin ko? Ayy bawal! Limited!
“wala akong sinabi!” sabi ko sakaniya, nagpout nalang ako.
“sige na~ ulitin mo ulit yung sinabi mo kanina..” nagpacute saakin si jhomar at hinawakan niya yung kamay ko. “wala akong sinabi ah..” sabi ko sakaniya pero nakangiti ako.
“Sige na~” paulit-ulit niya itong sinasabi saakin, hindi ko nalang to’ pinansin. Nakarating na kami sa bahay at nauna akong lumabas sa kotse. Pumasok ako sa bahay at nakita ko si tito nandun.. nakangiti siya ngayon. “Pa? bakit ka nakangiti?” tanong ko sakaniya
“Well.. I already completed my album..” sabi ni tito, lumapit ako sakaniya. “Ano po bang album?” tinignan ko yung nasa table. Puro colored paper lang ang nakikita ko, nakasara yung album.
“tingnan mo iha..” sabi ni tito
Pagkabukas ko ng album, unang-una kong nakita yung wedding picture namin ni jhomar at may nakasulat sa baba na “JHO-KUN <3 JA-CHAN” tumawa nalang ako kasi ja-chan yung tawag saakin. Binuklat ko yung isang page at nakita ko yung pictures namin sa aquarium.. Totoo nga yung sinabi ni michael.. ang cute nga namin dito..
binuklat ko ulit at nakita ko yung iba’t ibang moments naming dalawa, yung last picture.. yung naghalikan kami kanina sa hospital..TEKA BAKIT NANDITO TO’!?
“PA! Bakit? Paano?” sigaw ko kay tito, tumawa si tito at inexplain niya saakin
binabayaran daw niya si michael para magpicture saamin, at makakakuha na daw siya ng bagong kotse. And yes he succeed..
“Iha sa’yo na yan, ingatan mo ha?” bilin saakin ni tito. Ngumiti ako kay tito at nag promise ako na iingatan ko tong album na to’
Umakyat ako papunta kwarto namin, nilagay ko yung album malapit sa picture namin ni jhomar. Biglang may yumakap saakin sa likod. “Sige na..” bulong niya saakin, ito nanaman tong langhiyang jhomar na to’ ayaw tumigil!
“tama na nga!” sigaw ko sakaniya, nakayakap parin siya saakin nakita ko yung singsing niya nakasout sa daliri niya, that reminds me.. nasaan na yung singsing ko.
“hm? Bakit janella?” nakatulala lang ako dun na parang tanga, naalala ko na tinapon ko yun sa garden. Pero paano ko pa yun makikita.. patay ako kay jhomar nito..
“Yu-yung singsing ko kasi..” pabulong ko sinabi..tinaggal niya yung pagyakap niya saakin at hinarap niya ako sakaniya, may kinuha siya sa pulsa niya
“Don’t you dare to throw this again..” sabi niya habang sinusout niya yung singsing sa daliri ko. Niyakap ko siya bigla, at niyakap niya rin ako.
“Ja-chan.. I love you..” sabi niya saakin
“Jho-kun.. I love you too..” sabi ko naman sakaniya
“Sh*t! wag mo akong pakiligin ng di oras!” tinignan niya ako, tinignan ko rin siya. “Kanina ka pa nagsi-sige eh! Tapos gaganyan-ganyan ka loko ka ba?” sagot ko sakaniya. “Aba-aba.. si Mrs.Del mundo marunong nang sumagot sa asawa niya?” sabi niya habang naka hawak siya sa bewang ko
“Bakit dati pa naman ako sumasagot sa’yo ah?” sagot ko sakaniya. “Nananalo ka ba?” payabang niyang sinabi saakin. “Oo naman!” sigaw ko.. “Sinong nag paraya ngayon?” tanong niya saakin habang nakangiti saakin. “A-ako..” sabi ko pabulong
“sinong nanalo ngayon?” sabi niya habang ngumingiti..”ikaw..” napalipbite tuloy ako, eh siya naman talaga yung nanalo eh.
“kaya mahal kita eh..” pahabol niyang sinabi saakin at hinalikan niya ako sa cheeks, ang bango ni jhomar naamoy ko ulit yung amoy niya~
“I love you ulit Ja-chan” sabi niya saakin. “I love you too Jho-kun” sagot ko sakaniya. At dahan-dahan dumampi yung labi namin sa isa’t isa..
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomansaHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...