Yeah, masama na si cloud! WHUWHUHWUH! X'D
Hey guys! It's been a while haha, wala eh nagbakasyon muna ako sa paguupdate nitong HSB. Nagbreak muna ako kasi dati palagi nalang ako nag uupdate, pero parang masyado daw ata yung bakasyon ko HAHAHHAHA, ang daming nagtatampo saakin! XD Oh ito na! naawa na ako sainyo :)
~Labyou guys!
(Cherriuki Alvem)
—
Ilang araw na ang lumipas..haay, christmas eve na. wala parin si jhomar, hindi siya nag rereply sa kahit anong text ko, anong nangyari sakaniya. I really miss him.
Nakaupo ako ngayon sa higaan ko, kakagising ko palang..hawak hawak ko na yung cellphone ko, tinitignan ko kung may message na saakin si jhomar, pero nabigo nanaman ako. Papaiyak na ako sa sobrang lungkot.. nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
"Ja-cha—" naputol yung pagsigaw niya, dahang-dahan dumaloy yung luha ko sa pisngi ko.
"Janella.. Ayos ka lang.." tanong ni shuji.
lumapit siya saakin at kinonfort niya ako.
"It's okay.. Shh.." mahina niyang sabi saakin, patuloy na dumaloy yung luha sa pisngi ko, pinunas niya ito. May pumasok rin sa kwarto ko.
"Anong nangyayari rito?" tanong ni tita, lumapit siya saamin.
"Si janella kasi, sinumpa nanaman." Hinampas ko si shuji.
"Tange.." pinunasan ko yung mata ko at ngumiti ng saglit.
"Wala po ito tita, may naalala lang po.."
umupo ako ng maayos, biglang humiga si shuji sa hita ko.
"Maniwala ka jan Ma!" sigaw ni shuji, napatingin ako kay shuji.
"Ma?" tanong ko.
"AH..EH.. wala.. Majinboo ka ko." Sabi ni shuji, tumawa bigla si tita.
"Ano ba yung pinagsasabi mo jan shuji, ihanda mo na nga lang ng breakfast si ja-chan ok?" utos niya, tumayo na kagad si shuji at lumabas na ng kwarto.
"Ano ba talaga yung problema ja-chan? Gusto mo pagusapan natin?" sabi ni tita, napahinga ako ng malalim.
"Kasi tita.. Ang gusto ko lang naman, makasama siya sa christmas.." sabi ko.
"First time mong makarelasyon ng ganto right? And you want to know how it feels, kapag kasama mo siya sa araw ng pasko, tama ba ako?" sabi ni tita, ngumiti ako ng saglit at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko dahan-dahan tumutulo na yung luha ko, umiyak na ako ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...