HSB : 23.5

328 3 0
                                    

I'msoboredguys.helpme. i'mdyingsaboredom.

--

"Janella.." ginising ako ni jhomar, nasa kama nga pala kami. minulat ko mata ko nakita ko sa bintana parang madilim pa, baka madaling araw. bumangon ako at tinignan ko yung orasan, 5:30am palang pala. naalala ko na katabi ko pala yung walang hiya. "Bakit..jhomar.." walang kaemosyon emosyon ang nararamdaman ko kapag kausap ko siya. "Wala ka ba sa mood, kurba?" tanong ni jhomar. "Alangan, ginising mo ako ng madaling araw, natutulog pa yung tao." sabi ko. 


"May gusto lang naman ako tanungin.. hindi kasi ako makatulog." sabi ni jhomar. napatanong ako sa sarili ko."Ano naman yun, jhomar..tsaka please wag mo na nga akong tawagin ng kurba." sabi ko."Ha? ahh.. sige kung yun yung gusto mo janella.Sabi ni jhomar.

"Mahal moba talaga ako janella?" tanong kagad ni jhomar, nagulat ako sa tanong niya, nandiri ako bigla. "Oo naman.." sagot ko kagad. haay kailangang magsinungaleng sa hayop na to. napatingin kagad ako sa ibang direction hindi sa mata niya. "Ahh ganun ba janella..hihihi. mahal rin kita!" sabi niya. "Yun lang ba? yung tanong mo?" sabi ko. "Oo yun lang. sige na tulog na tayo janella." sabi niya. 

"Dito ka sa tabi ko oh! hihi!" dagdag niya. "Nevermind, magaayos na muna ako o magaaral." sabi ko, bumangon ako sa kama at binuksan ko yung ilaw, tinignan ko yung bag ko at kinuha ko yung books ko. "Oy.. janella! sunget mo ata ngayon! di ka na namamansin katulad ng dati oh. HOY ASAWA KO!" sabi niya. 

"Di sana ako magkakaganto kung di mo lang ako niloko, ikaw rin yung may kasalanan.." bulong ko sa sarili ko. "Ha? ano yun janella?" tanong niya. "Wala. sabi ko matulog ka na." sabi ko. "Oh sige." sabi niya.

natulog na nga yung kumag at nagkukunwari akong nagaaral. di ko kakayanin yung gagawin ko sakaniya, sisikmurain ata ako. di ko kayang paibigin yang lalake na yan. mahirap na.. gusto ko nalang muna lumayo layo na sakaniya. gusto ko nalang siya mawala sa buhay ko. ayoko nasa tabi ko yung kinaiinisan ko kahit na magandang ganti yun pero.. nakakainis di ko kaya. 

---

Maaga akong nakaalis sa bahay, plano ko talagang umalis sa bahay ng maaga baka mamaya sabay pa kamini jhomar. i don't wanna see him and i dont wanna talk to me.

after a while sa paglalakad, nakarating na rin ako ng school. 6:20am palang. wala pang masyadong students, dumiretso kagad ako sa classroom ko at nakalock pa, pumunta ako sa office para kunin yung susi, nandun yung janitor. he kinda reminds me of tito. yung tatay ni jhomar.. teka nasaan na kaya yun, di na yun bumalik. ang alam ko kasi nawawala siya eh, hinahanap palang siya. bumalik na ako sa classroom at sinusian ko na yung pintuan, pumasok na ako.

Napaka dungis ng classroom, ni isang cleaners siguro hindi naglinis kahapon! nawala lang ako ng ilang araw ganito na yung classroom. kinuha ko yung dustpan at yung walis para magwalis, ang daming nakakalat at ang daming mga chalk dust sa baba ng blackboard. naiinis na talaga ako sa klase na to.. yung mga upuan hindi nakaalign!  okay sabihin niyo nang PERFECTIONIST ako pero kung tignan mo naman kasi tong classroom parang tapunan ng basura! 

Biglang may pumasok sa classroom, napatingin ako bigla.  "Janella?!" sabi niya.


"Oh heeey.. christian! musta na?" sabi ko. "AH ito. ayos naman. ikaw ayos ka na? bumagsak ka ay." sabi niya habang binaba niya yung bag. "Ayos lang naman ako.." sabi ko. "Ahh. janella. about nung.. last na sinabi ko.. tanong ko lang.." sabi niya. "Ano christian?" tanong ko. 

"Forget what i said.. wala lang un.." sabi niya.

"Ahh okay.."

pagkatapos nun, napaka awkward na namin. tagal na rin naming hindi nagkakausap.. kaya medyo awkward.. naiisip ko nanaman yung problema ko. nabwibwiset ako.. hindi ko na kayang pansinin yun. 

"Hm.. kamusta nga pala kayo ni jhomar.." tanong niya. 

"Ayos naman.. bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Wala lang.. by the way, may pakikilala sana ako sayo.. nahihiya lang siya eh.. girlfriend ko. " sabi niya.

"Bakit monaman yan sinasabi saakin ngayon haha. sige pakilala mo ako kapag may time ha?" sabi ko.

"Sige. may announcing mamaya, tungkol sa vacation sa baguio." sabi niya.

"Ah sige.. ako bahala." sabi ko naman.

"Lalabas muna ako.. hahanapin ko lang yung ibang sc. sige.. liniswell." sabi niya.

"AH sige.. bye." sabi ko.

it's weird na biglang nagbago siya.. dati ang alam ko gusto niya ako.. nagiiba rin pala siya. buti nakahanap na siya..

--

Christian's POV

awkward at may halong sakit ang naramdaman ko nung nakipagusap ako kay janella.. wala naman akong gf eh.. nasaktan lang ako sa sinabi niya na okay lang sila ni jhomar, akala ko pa man din nagkakalabuan na sila dahil kung ano naman kaya ako bumalik rito. wala parin pala. it's best na muna na lumayo ako.. nasasaktan ako at dapat ko magmove on na ako.. mag mumukha lang akong tanga yun yung sinabi ng aking tatay.. wala naman na talaga akong pagasa sakaniya.

High School BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon