HSB : 21.4

541 7 2
                                        

UPDATE.

---

RIng~Ring~Ring 

"Oo na, oo na gigising na ako..arg.." umangat na ako sa higaan at masyadong madilim pa. tinignan ko yung alarm ko, 4:30? sinong nagalarm nito.. napakaaga pa. wala na nagising na yung konsensiya ko. nagising na lamang ako at pumunta na ako kagad sa cr. naligo na at lahat.

pagkalabas ko nagising na rin si jhomar at nag ayos na, for extra time ko, nagbasa ako ng mga latest na ilelesson. "Study nanaman?" sabay tawa ni jhomar habang sinosout niya yung polo niya. "Hay, School nanaman wala akong magagawa, mag aral lang ng magaral." sabi ko. Tumahimik yung paligid at nakatulala na lamang ako.. nalungkot nalang ako bigla at nagkataka kung bakit nawala si shuichi.. wala naman akong nagawa diba? teka-- may nasabi ako sakaniya..

"TINUTULUNGAN KA LANG NAMAN NG TAO!!" 

Nakakasakit ba yun, nainis lang ako sakaniya.. nagwalk out na siya nun eh. Saan naman yun pupunta. sinarado ko na yung aklat ko.. nawalan na ako ng gana.

Haay shuichi, anong nangyayare sa'yo..

---

Shuichi's POV

"Sora, Dyan muna ako sa bahay mo." sabi ko through the phone, nasa saksakyan parin ako ngayon. "Sige, Nandon naman yung katulong ko." sabi ni sora. "Katulong? Sino?" tanong ko.

Ding~Dong~

"Anong kailangan mo?" sabi niya, Sunget nito. "Kapatid ako ni sora, makikitira muna ako rito." sabi ko, dali-dali niyang binuksan yung gate at kinuha na ng driver yung bagahe ko. "AH! sorry sir, kasi may mga lalakeng sumusulpot rito, kaya nagiging masunget na ho ako." sabi niya. "Buti nakahanap si sora ng ganyang care taker ng bahay, ayos ka ate." sabi ko, pinasok na ng driver yung bagahe ko sa loob ng bahay. 

"Ate, anong pangalan niyo?" tanong ko. "Blair, Blair Colette De Monaco ho." sabi niya. "Teka-teka! Ikaw yung shota ni--" napaisip ako kagad. "Si-- Charleston Rayport right? Mylo?" sabi ko. "Ah eh, hindi na ho. nagkagulo lahat eh." sabi niya. "Oh, sorry about that.." sabi ko.

"Sus, ano ka ba! okay lang yun. Ah..anong pangalan mo?" sabi ni blair. "Shuichi." sabi ko, ngumiti ako. "Sige, magpapahinga muna ako." pahabol ko. "Shuichi, Magpapaalam lang ho ako, aalis po ako ngayon." sabi niya. "Sige, pakisarado nalang yung gate." sabi ko.

Tinignan ko yung paligid, well furnished ang bahay ni sora.. napakalaki para sa isang tao, okay to para saakin. binuksan ko yung isang kwarto na may nakasulat na guest room, doon muna ako. Hm, ano kayang nagaganap doon sa bahay nila jhomar.

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto at umupo sa sofa. kinuha ko yung cellphone ko at dinaiall ko yung cellphone number ni shuji. Ring..Ring..Ring..

"Yes bakit kuya?" sabi niya. "Kamusta na jan? anong kaganapan jan?" tanong ko. "Ayon, sa wakas nakita ko na yung ngiting janella ulit. Hindi ka ba papasok mamaya?" sabi ni shuji. "Hindi muna, gusto ko mag pahinga." sabi ko. "Sige kuya, magingat ka jan sa bakasyon mo. aalis na kami, sige ingat!" sabi niya at binabaan na niya ako. 

"She's smiling huh. fvcking hell, nagpakalayo na nga ako..jusko, kasalanan ko rin to." sabi ko, binuksan ko yung tv at nanood muna ako sa star movies. 

"WHY THE FVCK YOU LIED TO ME BROTHER! WHY!" nilipat ko ng ibang channel. 

"PAGOD NA PAGOD NA AKO KUYA! DADAGDAG KA PA!" nilipat ko ulit yung channel.

"BAKIT HINDI MO ITO SINABI SAAKIN KAGAD!" sigaw ng babae sa tv. nilipat ko nanaman yung channel. 

Bakit ba pati tv nakikisalo na rin sa problema. Pinatay ko na lamang yung tv at humiga na ako sa kama.  Patawarin sana ako ni janella, kapag nalaman na niya to' 

---

Janella's POV

-School

Pagpasok ko sa classroom, pinaguusapan na ako. "Uy, si janella oh." sabi ng isa. "Siguro buntis siya kaya nagpakasal." Yep alam na nila. alam na ng buong school. "JANELLLLLA!" biglang may sumigaw sa likod ko, pagkaharap ko. "Mik--" hindi ko natapos at yumakap ng mahigpit saakin si mikh. "I MISSED YOUUUUU, Kamusta ka na?" sabi ni mikh. "Ayos lang, ito masaya." sabi ko habang nakangiti. "Soo, bumalik na si asawa mo?" sabi ni mikh, i nodded at pumasok na lamang kami sa classroom. nandoon na rin si marzia. 

"Pinaguusapan ka nila na buntis ka raw, HAHAHAHAH." sabi ni mikh, umupo na ako at binaba ko yung bag ko. "Sobra naman ata yun.." tumawa ako. "Hey, is it true na buntis ka?" tanong ng random classmate ko. "No, I am not pregnant." sabi ko at inayos ko nalamang yung sarili ko. 

Umalis na siya at pumunta siya sa mga kaibigan niya. "Sabi ko sainyo eh, Hindi siya buntis!" sabi niya. "Baka arranged marriage! Parang doon sa binabasa kong shoujo manga! OMG!" sabi ng isa. "Omg, kakakilig nun!" sabi ng isa.

Tok-Tok-Tok

"Excuse kay Ms. Janella." sabi ng lalake. "Pinapatawag ka po ng Pres."

---

"Any questions?"

"Sir, Kailan po ba yung fieldtrip na pinlano last year?" tanong ko, Kakatapos lang yung meeting. "After the 3rd periodical exam." sabi niya. "Guys, I thought na darating na siya?" sabi ng isang kasamahan. "I know he's on his way na raw." sabi ng isa. "Unting buwan lang pala no, akala ko hindi na siya babalik." sabi ng isa.

"Sino yung pinaguusapan niyo?" tanong ko biglang bumukas yung pintuan. 

"Welcome back, Mr. Christian Van Santos.."

napatingin ako sa likod. 

"How are you....Janella."

Napalunok ako at pinawisan ng di oras, He's back

---

Kiwkiw! ;p 

High School BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon