"WE are taking her away from you, jhomar. Will you please stop?" Sabi ni shuichi"Niloko mo siya.. Ayaw na namin sayo." Shuji
Naglakad na kami palayo at nung dumaan ako sa harapan ni jhomar, hinawakan niya yung kamay ko.
"Janella, please wag mo tong gawin saakin. Mahal na mahal kita. Wag mo akong iwanan. Please.." Niyakap niya ako sa likod. Tumaas yung balahibo ko at di ko maintindihan pero naawa ako at gusto ko rin siya yakapin pero ang sakit na sobra...
"Please... Jhomar, tama na. Pagod na ako. Sinabi ko na yung gusto na gawin mo.. Please. Tantanan mo na ako."
"No.. I want you. Di ko kayang mawala ka janella.."
"Nagawa mo na jhomar.. Nakaya mo na. Goodbye."
Tinaggal ko yung yakap niya saakin at lumabas na ako ng bahay, sumunod sila shuichi at napatakip nalang ako ng mukha. Mahal na mahal ko si jhomar, bumabalik lahat. Di ko na kayaaang sakit na sobra. Bigla ako nakaramdam ng yakap, yumakap rin ako sakaniya.
"Kaya mo yan janella.. Nandito ako."
"Thank you cloud.."
Naglakad na ako kasama ko si cloud palabas ng mansion, pinasok na namin lahat ng bagahe at pumasok na sa kotse. Tahimik ang lahat doon sa kotse habang ako nakasimangot parin hanggang ngayon, seryoso na lahat. Nakaramdam ata si marzia kaya di na muna nagsalita.
---
Matapos ng konting byahe nandito na kami sa bahay nila shuichi, pinasok nila yung bagahe ko sa isang guest room na magiging kwarto ko. Dito muna makikitulog si marzia dahil alam niyang kinakailangan ko ng support ng babae at hindi puro lalake. Nandito kami sa sala at nagpapatugtog ng mga kung anu-ano.
"Kuya gusto kong makita si mama gusto ko siyang makita."
"Bumabalik na ba yung ala-ala mo janella? It will be alot easier kapag naalala mo."
"I just remember one thing na palagi tayong naglalaro.. And tita mama was there. Dad was there.."
"Exactly."
"Anong exactly? Doon? Can you explain?"
"Sa monday aalis tayo we are going to States to see mom." Shuichi
"Wait what? Paano yung studies ko!? Nagreview pa man din ako!"
"Pwede mo nang itake exams mo tomorrow and babantayan ka ng mga teachers, madali lang yun." Shuichi
"Okay.. Mag rereview muna ako.." Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko sinarado ko at humiga sa kama.
Sobra na tong nangyayare saakin, di ko na kaya.. Pagod na pagod na ako. I just want to see mom para gumaan man lang yung nararamdaman ko, i cant do it anymore... Suko na ako.
---
Kinabukasan, gumising ako ng maaga at pumunta na ako sa school. Sarado 'to for students pero except ako kasi mageexam ako. After ilang hours.. Natapos na ako. At chineck na kagad ng teachers, 98 99 100 lahat nakuha ko sa exam. Pagkatapos noon, pumunta ako sa city para makapagkape sa starbucks dahil exhausted na ako sa exam. Nakakapagod mag exam sabay sabay pa lahat. Pero pasado parin ako kaya maayos naman na. Na planuhan kong mag shopping man lang para makawala ng stress ko sa buhay, pumunta ako sa mall pag katingin ko sa loob, nakita ko palabas ng mall si stephanie -- with someone else?! Ang clingy niya pa!
![](https://img.wattpad.com/cover/6687775-288-k994534.jpg)
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...