“Mrs del mundo~ gising na~” may bumubulong saakin..“ugh—gising na agad? Kakatulog ko palang eh.. maya na munaa” sabay yakap sa hotdog pillow
“janella~ gising na..” may bumulong nanaman saakin..“Ayaw ko paaaaa—“ sabi ko.
“UGH! YOU LAZY PIECE OF SHIT! BUMANGON KA NA JAN!! mag 1-1:39pm NA! NAKU NAMAN!!” sigaw niya saakin, napabumangon tuloy ako.“ahh.. umagang umaga ang ingay mo jhomar..!!” kinamot ko yung ulo ko sabay hikab
“anong umaga!? Hapon na oh! May pupuntahan pa tayo!” sabi ni jhomar, kinuha niya yung suklay sa mesa, “talikod!” tumalikod nalang ako..“mag ready kana at pupunta tayo sa aquarium mamaya..” sabi niya habang sinusuklay yung buhok ko.“aquarium? OMG!!totoo ba yan!?” sabi ko na may halong sigaw
“oo! Kaya mag ready ka na ha?”Nag smile nalang ako habang kayakap ko yung pillow at patuloy parin sinusuklay ni jhomar sa buhok ko..Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko yung aquarium! Mga ocean park! Mga ganun! Im inlove with the ocean! Yung mga isda~ I really love them!! Si papa kasi dati mahilig pumunta sa ocean park, kasama ako at si mama.. kaya ayun ! nahawa ako tsaka dun nalang naman kami nakakapagbonding sa ocean park.. every Sunday.. busy sila mama at papa sa mga business eh, kaya ayun..
“janella—yung tub may maligamgam na tubig na, maligo kana” sabi ni jhomar
tumayo siya at kinuha yung box sa ilalim ng bed.. “Ito soutin mo to’ mamaya..” sabi ni jhomar
“ah okay.. teka—jhomar parang ang bait mo ata ngayon?” tanong ko sakaniya
“Kasama kita eh..Oh sige maligo kana! Ihahanda ko pa yung tanghalian mo” sabi niya habang nakangiti..Omg.. siya? Magluluto? Totoo ba to??
Lumabas na siya ng kwarto, at ako nagmadali sa pag ligo para makita ko si jhomar paano magluto
“ano ba tong dress na to? Ah…” Baby blue dress with ribbon sa likod, hmm.. kanino kaya to galing..tinignan ko yung box baka may sulat, laking gulat ko..
To : Janella Rose V. Del Mundo
Hi babe ko! Sana magustuhan mo yung wedding gift ko para sayo!
I love you so much babe ko! <-- Binura pero nakikita mo parin yung words na nandun..
From : Jhomar Carlo Del Mundo
Kay jhomar.. napatulala nalang ako sa kawalan. Tumitibog yung puso ko, Nag flash back saakin yung mga pinagsasabi nila michael , erica at ni cloud..
O.O
He must really love her.. – cloud
Pero nakakatuwa kasi ngayon ko lang siya nakitang lumuha sa isang babae – erica
Mamaya sasabihin ko yung sagot dun sa tanong mo – jhomar
NAKU! Bat naman nasama yun! O///O
He..
Tumayo ako tapos bumaba dahan dahan sa hagdanan, tinignan ko siya sa kusina
“Little piece of shit! Hindi ko maintindihan tong cook book na to! Argh! Ano ba tong omelette na to!” hawak hawak ni jhomar yung cook book at hawak-hawak niya yung itlog.. si jhomar.. gumagawa ng mga ganto’ para saakin..
“ah!!” tinignan ni jhomar yung orasan “Baka tapos na maligo si janella! naku naman! BRAIN! UMAYOS KA!” iritang-irita na siya.. haha mukha niya bata. Binabasa niya yung cook book,seryoso siyang nagbabasa,lumapit ako sakaniya. “So.. kelan matatapos yung lunch ko? Haha”
“WAAAH!” nagulat siya bigla at natapon yung bowl na may itlog sa loob, at nahulog sa ulo niya *crack* *crack* nasira yung mga itlog ..
“D-Don’t ever do that again!! You scared the hell out of me!” tumayo siya at inayos yung mga nabasag na itlog. “haha sorry na!” sabi ko sabay nag smile ako sakaniya,tumahimik nalang si jhomar, habang nagbabasa ulit ng cook book
“haha ganto kasi yun!” kinuha ko yung bowl at binasag ko yung mga itlog tapos kumuha ako ng inidor at hinalo-halo ko.. *binibeat ko –* Tapos nilagay ko sa pan, kumuha ako ng bigas at inilinis ito, at mineasure ko yung tubig sa lalagyanan ng rice at nilagay ko sa rice cooker.
Umupo si jhomar sa tabing upuan ng kitchen at tinitignan ako
*ting!* tinignan ko yung rice at kinuha ko na, tapos gumawa ako ng rilakkuma na rice ball tapos nung natapos na rin yung omelette, ginagawa ko yung parang natutulog na rilakkuma, ginagwa ko yung omelette na parang kumot si rilakkuma—then done!
“jhomar oh~” binigay ko sakaniya yung plato. “sorry sa sobrang cuteness ng pagkain natin ngayon—“ Nilagay niya yung plato sa mesa at niyakap niya ako. “thank you—“ pawisan si jhomar, pero ang bango parin niya.. He must really work hard for making me tanghalian..
Habang kumakain kami
“hm janella! ang sarap ng luto mo!” kain siya ng kain
“uy! Baka mabulunan ka! Easy lang!” ngumiti nalang ako sakaniya, ngumiti din siya saakin.“..hm kahit ngumiti ako sayo’ may atraso ka parin saakin lalake!” napatigil si jhomar
“a-ano naman yun??”
“sinabihan mo ako ng PROSTITUTE! Nakakainis ka kamo! Nakakasakit ka na ng damdamin!” Finally nag OPEN na rin ako..
“I didn’t mean it naman—kala ko kasi naglolokohan lang tayo! Sorry na?” sabi niya
“tae mo! kumain ka jan!” nag pout nalang ako habang sumusubo ng kanin. “janella may kanin ka dito oh” tinuro niya yung left cheek niya. “saan?” bura ako ng bura, “ito oh!” lumapit siya saakin at dinilaan niya yung right cheek ko
“teka!? Kala ko ba left ? O_O “
“wala naman talagang rice eh, gusto lang naman kitang dilaan ang cute mo kasi mag pout” napangiti siya saakin at binulong niya saakin “ Sorry Gift ko sayo yung pagpunta natin sa Aquarium mamaya..” ngumiti siya at kumain siya ulit
“napaka- pervert mo.. “ napatingin nalang ako sa baba at nagpout, feeling ko nag bl-blush ako
ngumiti nalang siya bigla.
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...
