"Ah Buset!" sigaw ko, binaba ko na yung bag ko sa kama at humiga ako. "Buntis raw ako, kainis." dagdag ko, hm.. nasaan kaya si jhomar, umuwi na ako ng gabi pero wala parin siya..
Toktoktok.
"Ja-chan! may bisita ka!" sigaw ni shuji, binuksan niya yung pintuan. "Sino?" tumayo ako sa kama, at inayos ko yung uniform ko. "Haha, Surprise nalang!" sabi ni shuji, lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si erica nakikipagusap sa "BISITA" ko. pagbaba ko sa hagdanan, nakita ko ang lalakeng naka red polo.
"Janella! Kamusta na?" sabi niya. "Cloud! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, umupo ako sa tabi niya. "Hopeless romantic parin." tumawa siya bigla. "Bakit ka nga pala umalis kagad nung new year?" bigla kong tinanong sakaniya. "Ah, Eh.. May pupuntahan pa kasi ako noon." sabi niya. "Eh bakit parang.. Galit ka non?" tanong ko. "Inubos nila mama yung pagkain eh." sabi niya. "Weh, Maniwala." sabi ko. "Oo nga! ayaw mo maniwala!" sabi niya at bigla niya akong hinawakan sa balikat ko. "Oy- Oy- Oy! walang hawak hawak!" sabi ko at tinggal ko yung kamay niya. "HAHAH! EH ikaw kamusta ka!" tanong niya, bigla niya ginulo yung buhok ko. "Hahah! ano ba! oo ayos lang ako!" sabi ko habang inaayos ko yung buhok ko.
"Hindi kita nakita kanina sa school. tindi kanina yung mga issue no?" sabi niya. "Whole day nasa SC lang ako, pero pinaguusapan lang pala nila yung tungkol saakin kaya lumabas na ko." explain ko sakaniya. "Hahaha, Totoo ba yun?" tanong niya. "Yung ano?"
bigla niya akong kiniliti sa tyan. "WHOA! ANO BA!!!" tawa ako ng tawa hanggang sa mahiga na ako sa upuan kakakiliti niya saakin, para siyang ahas na nakapalupot saakin at kinikiliti niya ako. "Kung totoo bang buntis ka talaga!" sigaw niya at bigla niyang nilakasan yung kiliti. "Jusko po! waah!" sigaw ko, sinisipa ko na siya pero wala parin. "HAHAHAH! Ano buntis ka talaga?! Buntis?!" sabi niya. "Hindi! Kyah~ Hindi ho~ HaHAHAHAH! tama na! Sasabog na yung tyan ko!" sabi ko. "Hindi! hindi ako titigil hangga't hindi ka sasabog para makita ko yung nasa loob ng tyan mo!" sabi niya, niyakap niya yung isang kamay niya sa leeg ko at kiniliti niya ako gamit ng isang kamay niya habang yung paa niya nakapalupot sa legs ko.. nakahiga na kami sa upuan. biglang nahulog kami at napunta sa sahig. "P-Plea-Kyah! Please t-tama na! ayaw ko na ayaw ko naaa.." sabi ko. "Ayaw ko hahahhah!"
"Ehem..."
Pagtingin ko sa gilid ko, nakita ko si jhomar natayo at nakahawak sa bewang. "What's the meaning of this.." galit na tanong nito. halatang halata na galit siya. "Jhomar!" umupo kami ng maayos at inaayos namin yung sarili namin. tumayo ako. "Buti naka uwi ka na.." sabi ko, yayakapin ko sana siya bigla niyang sinagi yung kamay ko. "Don't you dare change the topic!" sigaw niya biglang tumayo si cloud at hinawakan yung kamay ko na sinagi ni jhomar, gulat na gulat ako sa nangyari. "Hey dude! nagkikilitian lang kami! nako kaba!" sabi ni cloud. "Kinakausap ko si janella, hindi ikaw! wag kang makisalo rito!" sigaw ni jhomar. "Gago ka pala eh! pwede naman natin tong pagusapan na masinsinan ha, hindi yung sasaktan mo si janella!" sigaw rin ni cloud. "Ano bang pakelam mo! Asawa ko si janella, pwede kong gawin kahit ano sakaniya!" sabi ni cloud. naiwan nalamang akong tahimik, masakit parin yung kamay ko.. "kahit na pagmamay-ari mo siya, hindi mo siya dapat gaguhin! tanga ka ba ha! BABAE YAN! NIRERESPETO yan HINDI SINASAKTAN!" sigaw ni cloud.
jhomar already reached his limit.. "Fine! Fine! whatever! bahala na kayo jan, magpapahinga na ako!" sabi ni jhomar at umakyat na siya pataas at sinarado niyang patabog yung pintuan ng kwarto. "Janella, ayos ka lang?" sabi ni cloud. "Oo.. ayos lang ako." sabi ko, tumingin ako sa taas. "Anong bang meron doon sa tao na yon, hindi mo alam kung ano yung daloy ng mood niya ay! wala siyang kwenta." sabi niya. "Bad mood siguro. hayaan mo na." sabi ko. "Hindi siya bad mood, sadyang nature niya iyon.ngayon ganyan yan mamaya magiging sweet yan sayo.." explain niya. "wai-wait.. Naging sweet siya sayo?" tanong ko. "Oo-- ah-- wait--Hindi--Ano ba? Basta FRIENDLY! yun yung tamang term sa kaibigang lalake niya." sabi niya. "Ah, akala ko kung ano na eh." sabi ko.

BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...