So yun na nga.. nalaman ko na sila shuichi,shuji & sora kapatid ko pala sila..
ngayon kumakain kami sa lamesa
“Pfew! Sa wakas alam na rin niya yung totoo! Pagod na rin ako magkunwari na ako ay isang FUJIMOTO! Sa wakas villanueva ulit ako!” sabi ni shuji habang kumakain ng pancakes. “masarap ba yung feeling shuji?” tanong ni shuichi, sumigaw si shuji “OO NAMAN!” Si jhomar at ako tahimik lang, mukhang masaya kasi sila baka masira ko pa yung momentum nilang dalawa, pero I’m glad nalaman ko na rin yung totoo..
“by the way..kailan pupunta dito si sora?” tanong ko sakanilang dalawa, nakatingin si shuji sa pagkain niya.. si shuichi naman nakatingin saakin. “I don’t know.. palagi siyang busy eh..” sabi ni shuichi.. nalungkot sila bigla ITO ANG SINASABI KO EH! PANIRA AKO NG MOMENT! </3
kumain nalang ako ng pancakes ko.. nako naman nakakainis naman to’
panira talaga ako ng moment.. tumayo ako sa upuan ko at dumiretsyo ako sa bathroom dala dala yung towel at yung uniform ko, maliligo na ako..
habang nasa shower ako, iniisip ko kung anong meron saakin bakit panira ako ng moment! Dinibdib ko talaga yung pangyayari.. biglang may kumatok sa pintuan
“Janella.. Buksan mo to” sigaw ni jhomar, wait what!?
“A-anong meron jhomar?” pinatay ko yung shower at kinuha ko yung towel. “DALIAN MO! BUKSAN MO YUNG PINTUAN!!” mukhang seryoso tong jhomar na to..dali dali kong sinuot yung panty at bra ko at sinuot ko na rin yung uniform ko. “Janella! ano ba? Ang tagal mo! buksan mo tong pintuan!” sigaw ni jhomar
“Putek! Saglit!” sigaw ko naman sakaniya, maya-maya at binuksan ko na yung pintuan
“Ano ba kasi yun!?” pinunas ko yung buhok ko. Hinawakan ako ni jhomar sa braso, ang sakit! He glared at me..
“Ang tagal mo.. maliligo rin ako!” sabi saakin ni jhomar, ugh.. sinagi niya ako palabas ng bathroom, ano bang problema ni jhomar ngayon!? Ang sakit nun.. tinignan ko yung braso ko, ang higpit ng paghahawak niya saakin.. galit ba yun saakin!? Kinuha ko yung bag ko at inalagay ko na yung mga notebooks ko at yung books sa loob, ang tagal pa ni jhomar sa bathroom baka mga 7:30 pa yun
bumaba na ako at nakita ko sila shuichi at shuji nanonood, nakabihis na rin sila
pumunta ako sa kitchen at uminom ako ng tubig
“Ah ~ bebe-chan nanjan ka na pala! Tara na?” sabi ni shuji
“teka hindi ba natin hihintayin si jhomar?” tanong ko sakanila. “Hindi na! siguro mamaya-maya pa yun!” sagot ni shuji saakin. Nakangiti lang saakin si shuichi.. sumunod nalang ako sakanila at dumiretsyo kami sa labas, nandun na yung driver pero— “maglalakad nalang kami kuya..” sabi ni shuichi
“ah okay po ..” sabi ng driver, there’s something odd about jhomar.. yung kanina galit na galit siya..
hindi ko maintindihan, nag simula na kami mag lakad papunta sa school..nakakapagod PRAMIS!
tinignan ko silang dalawa.. THEY FEEL FRESH PA! eh ako? WASTED!
pag pasok ko sa school, dumiretsyo na si shuji sa classroom niya. Si shuichi naman sumusunod saakin
pagpasok ko sa classroom, may nahulog na blackboard eraser sa ulo ko. “Janella!” sabi ni shuichi at pinunas niya yung buhok ko
“lahat ng malalandi bawal dito!” sigaw ng isang classmate kong babae,sinagi nila ako at naumpog ako sa pader. Napaupo ako sa sobrang lakas ng sagi saakin.“hahah oo nga eh! Ang gara nga ni DP sa g2b!”binuksan niya yung pintuan at pumasok.. boses yun ni marzia, pumasok sila sa classroom. Nakatingin ako sakanila..
“JANELLA! WHAT’S WRONG!” sigaw ni marzia, binitawan niya yung bag niya at hinawakan niya ako
“Oy! Ayos ka lang? MIKH! SI JANELLA!” sumigaw nanaman si marzia at dali-daling may pumasok sa pintuan. “HA!? BAKIT!?” sigaw ni mikh, binitawan niya yung bag niya at hinawakan niya rin ako, pinunas-punas niya yung buhok ko.
“damn those bitches!” sabi ni marzia, habang inaayos niya ako. “No.. marzia I’m okay..” sabi ko sakaniya at ngumiti nalang ako, tumayo ako at kinuha ko yung bag ko. Pumunta ako sa upuan ko at nilagay ko dun yung bag ko, nakita ko sa desk ko may nakasulat na “WHORE,BITCH,MANGGAW,YUCK! MALANDI!”
nakita nila marzia yung nakasulat sa desk ko. “BITCH! Sinong may gumawa nito!?” sabi ni marzia
“MARZIA! Tingnan mo yung upuan ko at yung sayo!” sigaw ni mikh
May nakasulat din na BITCH WHORE TOMBOY yung kila mikh at marzia
pinagtitinginan kami ng mga iba naming classmates at nag-ring na.. lumabas yung iba naming classmates. Magcu-cutting siguro..“Kagagawan to ng FANS ni jhomar..” sabi ni shuichi, napatingin kaming tatlo kay shuichi..
“I know her.. yung kaninang sumagi sayo, I know for a fact na may gusto siya kay jhomar. And she knows na kasal kayo ni jhomar..” sabi ni shuichi, nanlaki yung mata ko.. so meaning KALAT na sa SCHOOL!?“well this isnt the first time na tinawag akong whore..” sabi ni marzia, nag agree din si mikh. “natawag na rin akong tomboy..”
sumakip yung dibdib ko, hindi ko kinaya yung mga sinabi nila..matagal na pala silang sinasabihan. How immature naman ng girl, saying these things because of jhomar. Hindi naman niya makukuha si jhomar sa ganito! Maslalo pa atang lalayo si jhomar.
Biglang bumukas yung pintuan. “what’s wrong here?” si jhomar..
Hindi ako kumibo. “I just heard the girls there na may nagaaway daw dito” sabi ni jhomar
“ah .. kasi.. “ sabi ni marzia at tumingin si marzia at mikh saakin. “Janella? anong nangyayari dito?” tanong ni jhomar, nilapitan ako ni jhomar at hinawakan niya ako sa balikat. Sinagi ko siya
“jhomar.. kasi.. yung fans mo sinabihan si janella na isang bitch..pati kami nasabihan rin” sabi ni marzia
nakatingin lang ako sa baba, hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko.
kinuha ko yung pintura sa locker dun sa classroom at pininturahan ko yung desk nila mikh at marzia
“ayaw ko kayong masama sa gulo na to!” sabi ko sakanila habang lumuluha ako.
hindi ko kakayanin na masali sila sa isang gulo na ako lang naman ang may dahilan.
kaibigan ko sila.. I will treasure them.
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomantikHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...