Ma..Pa..Ikakasal na po ako ngayon..Magingat ka anak, Marami ka pang gagaanan ..Bata ka pa..
Sana anak, Makasama kami sa kasal niyo..Mahal na mahal ka namin anak..
“Ma!” gumising ako, naramdaman ko na iba ata tong pillow !?! Tinignan ko si, ahh si jhomar .. Natutulog.. Tinignan ko yung wall clock, 5:00am palang.. Bumangon ako sa hita ni jhomar, kinamot ko yung ulo ko..Then I Remembered..
KASAL NA NGA PALA NAMIN NGAYON!??! TEKA-TEKA-TEKA 6:30 PA ATA PUPUNTA DITO YUNG MGA MAGAAYOS SAAMIN!?
“Ang ingay naman..” tinignan ko si jhomar..“Janella~ Good Morningg~” Oh gawd..Niyakap ako ni jhomar “Babe~ Ikakasal na tayoo~”
“ Ekkkkkk!!” Tinulak ko si jhomar palayo..“Haha! Na tetense si bride ko “ Kinamot ni jhomar yung ulo niya at humikab..“Tae ka! Nandidiri ako lalo sayo ay!”
“Ha!? Haha teka nga muna—ngayon na nga ba yun?”
“Yung ano?” tumayo ako tsaka inaayos yung sarili ko
“Yung kasal natin?” Pfft— Sinuntok ko si jhomar “OO! NGAYON YUN!! KAYA BUMANGON KA NA KASI ILANG MINUTO NALANG PUPUNTA NA DITO YUNG MAGAAYOS SAATIN! Okkkkkay!?”
“Aray naman! Oo na!” Tumayo si jhomar..“Mag reready na ako sige buh bye!” Palakad na ako palabas ng..“Babe kain muna tayo~ sabay tayo dali na~” Niyakap ako sa likod ni jhomar “ Ano ka ba!?”
“Tara na muna! ngayon lang ay!“
“Umaayos ka muna! Aba naman!”
Umaayos na si jhomar, tsaka hinawakan niya yung kamay ko
“tara na? :) “Naglalakad kami papunta sa kusina, May nakahanda na ng pagkain..“wow..”
May lumapit saamin, “Mrs & Mr Del mundo,Kain na po kayo mamaya-maya po pupunta na dito yung magaayos sainyo” I feel something na hindi ko maintindihan , Inakbayan ako ni jhomar
“oo naman! Salamat ha!” sabay ngiti
“Master, Ang weird niyo po ngayon dati ang sungit-sungit niyo po saamin pero ngayon ang saya saya niyo.. iba talaga pag ikakasal na no?”
“I Agree “ sabi ng isang maid
“MAY PROBLEMA KAYO ATA SAAKIN?”
“Haha..” hinawakan ko nalang yung kamay ni jhomar, pilit kong tinatago yung tawa ko pero hindi talaga eh.. haha!
Pagkatapos ng scenario na yun, Umupo kami at kumain na, Umalis na rin yung mga maids
“Babe!” nakatapat yung kutsara sa bibig ko
“wag mo nga akong tawaging babe!” nakanganga na ako..“Ha? Edi ano nalang?” Sinubuan ako ni jhomar..“ Hm—Tae pwede?” Sinubuan nanaman ako ni jhomar
“Medyo ano naman yun! Ibahin mo!”
“Aba..Kailangan pa ba yun! Pwede naman sa pangalan diba?”
“Ako naman subuan mo rin ako! Eh! Aba naman meron bang couple na walang tawagan?” Sinubuan ko si jhomar..“Hala ka? Meaning naiinggit ka! Edi kay stephanie nalang!”
“Meron na kami nun!”
“Napaka—Alam ba to’ ni stephanie?”
“Oo ..” Sinubuan ako ni jhomar , Natapon yung kanin sa kutsara sa buhok ko..“Ano ba naman yan! Ahh!” Sinubuan ko si jhomar, Sinadya ko na mahulog sa damit niya. “Opps! Sorry!”
“Argh! Janella! bwiset!” Kinuha niya yung natirang kanin sa plato, tinapon niya sa mukha ko.“Argh! Pfft—tae ka!” Kinuha ko yung natirang kanin, tinapon ko si buhok niya.“Ah! Wag yung maganda kong buhok! ARGHHH!!”
“HAHAHA!” nagbatuhan kami ng kanin.“Anong nangyayari dito!?” Nandito yung papa ni jhomar
“Ah—Pa.. Good morning po, Nagkakasiyahan lang po kami ni janella..”
“Sana naman anak wag yung kanin ha? Pulutin niyo yan at mag ayos na kayo, mamaya maya pupunta na dito yung magaayos sainyo ha!”
“Opo papa..”
“Sorry po papa..”
Lumapit saakin yung papa ni jhomar “wag ka nang magsorry iha—okay lang yun ha?” Umalis na yung papa niya. “Ang bata pala ng papa mo no? ang tangkad pa..
“Ah.. oo..”
“Tara ligpitin na natin to “
“AH! Maam! Kami nalang po jan!” pumunta yung maid saamin
“Ah salamat..” sabay ngiti
Naglakad ako papunta sa kwarto ko, naligo na ako..“Argh! Ayaw matanggal yung kanin sa buhok ko!” Kinuskos ko lalo yung buhok ko. Ayun natanggal..“pfew—“
Pagkalabas ko ng C.R , nandun na yung wedding planner
“Maam nandito na po yung magaayos sainyo..umupo nalang po kayo dito..”
Ilang oras akong inayusan at nakita ko na rin yung wedding gown ko..tube lang siya na hugis rose yung baba, sobrang habang ng tail niya sa likod..Mahaba rin yung vow niya..plus may corona pa.
I feel like a princess..
“And Done!” Tinignan ko yung sarili ko sa mirror, wow.. ako ba talaga to? Ang ganda ko naman!
“Success! Nice work! Make up artist!” Sabi ng wedding planner..“Thankyou..Bride! “ tumingin saakin yung make up artist..“Good luck..” Yung make-up artist , isa siyang lalake.. pero ang ganda ng make up niya.
“Oh tara na? nauna yung groom sa church..” sabi ng wedding planner
Palabas na ako ng bahay, may kotse dun na naghihintay
“tara na po ma’am?” Sumakay ako sa kotse kasama ko yung wedding planner at yung dalawang maid
“pfew—kinakabahan ako..”
“okay lang yan!”
Pag dating namin sa church, tumitibok yung puso ko..ang daming tao sa loob ng church, nandun yung relatives ko at yung relatives niya. May unting classmates ko rin pero yung biglang nawala yung attention ko sa iba nung nakita ko si cloud at stephanie..
“So bride maya ka muna aalis, aayusin ko lang yung sa church, sasabihan ka rin naman ng dalawang maid mo kung aalis ka na ha? Maghintay ka nalang” Umalis na yung wedding planner sa kotse, pumunta sa loob ng church
Inaayos niya yung mga flower girls at iba pa, napapikit ako sa sobrang kaba..Yung pari pumasok na rin sa church. Pumunta palabas yung wedding planner, kaway ng kaway saamin
“Maam tara na po.”
Ito na.. Wedding ceremony.. Ma..Pa.. Ito na talaga..
Ang kasal namin ni Mr. Jhomar Carlo Del Mundo
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...