Tatapusin ko na to. AJA!! Sorry sa delay.---
Janella's POV
4am na, ginising ako ni shuji para makapagayos na. tumayo na ako at nagsimula na ako magayos ng mukha. Nakita ko yung sarili ko sa salamin, naalala ko nanaman — ayoko nang maalala pa. Nagflaflash back lahat. Di ko nanaman mapigilan, lumuluha nanaman ako. Hinawakan ko yung noo ko, ano ba nanaman 'to janella. Di ka ba napapagod?
Biglang may tumapik sa likod ko, napatingin ako sa salamin at nakita ko si shuji.
" alam ko ano yung pinagdadaanan mo ja-chan.. iiyak mo lang yan. Kapag di mo yan nilabas at tinago mo lang yan, sasabog ka at di mo makakaya. Nandito kami ng pamilya mo, sabihin mo saamin yung nararamdaman mo wag kang mahiya na ilabas yung weak side mo, ja-chan. Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan kami kasi mahal ka namin at ayaw namin na nagkakaganyan ka."
Di ko na kinaya, umiyak na talaga ako humagulgol na ako.
Ayoko nang magpanggap na kaya ko pa, kaya kong magisa — di ko na talaga kaya sukong suko na ako.
---
Shuji's POV
Alam na alam kong nasasaktan siya, simula nagkahiwalay sila.. She truly loves him. Nung dumaan ako sa kwarto niya, i heard her cry, hindi sa pangkaraniwan na janella.. She's hurt sobra. I want to help her.. Naalala ko yung sinabi ni mama, lahat ng tao may rason para gawin ang isang bagay. Sa pamilya naman ako lang ata naniniwala ng ganoon tsaka si mama.
Pagkatapos ng pagiyak ni janella, naging okay na siya at nakahinga ng maayos. Papunta na kami sa Airport. Nagdadalawang isip ako kung — nevermind. Wag muna ako gumawa ng move.. Baka masermonan nanaman ako ni shuichi.
Pumunta muna saglit si janella sa may mga stores rito at bumili ng kahit ano. Hinayaan namin siya kasi alam namin na gusto niyang sumaya kahit sa shopping man lang.
---
Cloud's POV
Exam day. Wala si janella, shuichi & shuji.
Nagtaka yung buong klase, lalo na yung mga chismosa. Si marzia nanahimik nalamang at sila mikh walang ginawa kasi wala rin silang alam sa pagpunta nila sa states. Pumunta na rito yung teacher namin na magbabantay. Nagsimula na mag exam pero wala ako sa concentration ko, inaalala ko si janella. Ano na kaya kalagayan niya ngayon.. I can't concentrate ugh.
Pagkatapos ng exam day, umikot muna ako sa school. Nakita ko si jhomar.. Nagiisa.
Currently, hindi lang sila janella, ang napaguusapan rito sa school.. Pati yung pagchcheat ni jhomar kay janella with stephanie na may asawa na.
"Karma nga naman di mo madidiktahan kung kailan mananakit." Sabi ko nung dumaan ako sa gilid ni jhomar.
"Ako ba pinaparinggan mo ha cloud?!" Sabi ni jhomar
"And if my answer to your question is yes.. Anong gagawin mo?" Sagot ko.
"Bastard!! Gago ka ah!!"
Bigla niyang hinila yung shirt ko at hinarapan sakaniya, bumebwelo siya para suntukin ako. Mas nauna ko siyang sinuntok ko siya sa mukha niya bigla niya akong sinipa sa tyan, tumaob ako pero tumayo uli para suntukin siya. Nagsusuntukan na kami at halos duguan na yung itsura namin.
"Gago ka ba ha! Ikaw tong nanloloko kay janella!! Nagagalit ka saakin!!"
"Kung di ka ba bobo ha! Sino tong umagaw sakaniya ha?! Sino tong palihim na bestfriend KO minamahal yung girlfriend at asawa ko!!!!"
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...