chapter 1 -sweet & salty caramel

68.3K 1.3K 162
                                    

A/N

Hello there guys! First time kong magsulat ng story sa buong buhay ko.. So kung may mga makikita man kayong alien sa paningin o pagbasa, pagpasensyahan na.. Anyway, sa mga magbibigay ng time dito para magbasa, salamat ng marami!! Original story ko ito and sana magustuhan n'yo.. 

--------

"Haaayy.. Ang hirap naman humanap ng trabaho! Ang init pa naman na ngayon!"

Saglit akong naupo sa mahabang upuan na naririto sa malaking garden. Naririto ako garden na nasa labas ng isang mall dito sa Alabang. Kailangan ko munang magpahinga dahil sa pagod ng paghahanap ng bagong trabaho.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng garden at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Nagkalat ang puno at iba't-ibang uri ng halaman na may mayayabong na bulaklak.

Hindi ko rin maiwasang mamangha sa may kahabaang manmade river na nasa harap ko. Nakakadagdag pa sa ganda nito ang water fountain na nasa gitna.

Napapikit ako para damhin ang preskong hangin na dumadampi sa balat ko. Ito ang kailangan ko sa ngayon dahil simula pa kaninang umaga ay naging abala na ako sa paghahanap ng panibagong mapapasukan.

Axyll Tom Perez. 

'Yan ang pangalan ko. Simple lang naman ako sa paningin ko pero madalas na napapansin ng ibang tao. 

May katamtamang taas na 5'8" at may katamtamang pangangatawan. Hindi man ako batak sa gym dahil wala akong pambayad sa pag-e-enroll doon, masasabi kong maipagmamalaki ko pa rin ito.

Maputi at singkit ang mga mata, bagay na mas napapansin sa akin lalo na ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pero ang mas nakakapansin sa akin ay ang dimple na nasa kanang pisngi ko. Sabi nila, iyon daw ang nagdadala sa kabuuan ng aking mukha lalo na kung ngingiti ako. 

May mga bagay din naman na wala sa akin bukod sa pera. 'Yun ay ang lovelife at isang ama.

Pinili kong 'wag muna pasukin ang pakikipag-relasyon dahil una, gastos lang yan 'pag babae at gastos lang din ulit kung sa lalaki.

Natawa ako sa aking iniisip. Iilan nga lang ba ang nakakaalam na sa parehong kasarian ako nagkakaroon ng interes? Pamilya at ang malalapit ko lamang na kaibigan. Hindi ko naman ito ikinakahiya, ngunit kung wala naman ang nagtatanong, mas gugustuhin ko na lamang na isipin nilang tuwid ako.

Ang totoo ay ayaw ko lang na nagiging paksa ako ng usapan na hindi naman sana malaking kaso kung malawak lamang ang pang-unawa ng nakararami. Ang mas nakakasama pa ng loob ay kung pati ang pamilya at mga kaibigan ko ay nadadamay sa usapin ng kasarian ko.

Tungkol naman sa ama ko, hindi na namin ito kasama dahil naglaho na lamang ito na parang bula. Umalis ito isang araw para magtrabaho sa ibang bansa ngunit makalipas ang ilang taon ay wala na itong paramdam. Dahil sa nangyari ay napilitan si Mama na buhayin kaming magkapatid at sinimulang magtrabaho sa isang factory.

May kaya naman kami dati noong kasama pa namin si Papa. Sa bahay lang si Mama noon para alagaan kaming magkapatid dahil hindi naman s'ya makatulong sa business ng aking ama. Hindi kasi gaya ni Papa, hindi nakapagtapos si Mama ng pag-aaral kaya wala rin itong ideya sa itanayong business ni Papa.

Pero kung sa pagkakaroon ng butihing ina, masasabi kong maipagmamalaki ko ang Mama ko. Masasabi ko rin na kami na siguro ng kapatid ko ang pinakamaswerte dahil may ina kaming walang kasing ganda at bait.

Ang nakakalungkot lang, dahil sa wala na kaming natatanggap mula kay Papa at wala na rin kaming balita sa kanya, kinailangan ni Mama na pumasok sa isang pabrika ng mga tela. Iyon lang ang tangi naming inaasahan para mabuhay na tatlo. Pero nitong huli, kinailangan na ni Mama ang huminto dahil ang trabahong iyon din ang nagbigay sa kanya ng isang sakit.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon