A/N
Hello readers! Continuation po ito ng mga nangyari sa pagitan nina Tom at Xander. Hindi kasi ako naka-move on sa last chapter.
Dedicated 'tong chapter na 'to kay Msbrokenharted na patuloy sa pag-vote sa story ko. Salamat ng marami! Talaga bang broken hearted ka po? Chismosa lang ako 'di ba?! Hahaha! Ok lang 'yan! Sarap maging single! Enjoy lang natin! hehe!
Enjoy reading po sa chapter 14!
----> si Tom po sa media.
----------
TOM POV"Please Tom... Please Sir Tom... Dito ka lang... 'Wag mo akong iiwan... Hindi ko kakayanin... Mahal na mahal kita. Dito ka lang.." wika ni Sir Xander habang hawak n'ya ako sa magkabilang pisngi at nagsimula na ring bumagsak ang mga luha sa mga mata nito.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pagkabigla.
"Please Sir Tom? Dito ka lang....." dagdag pa niya.
Ngayon ko lamang nakita na ganito kahina ang kilala kong boss ko. Lagi itong confident sa lahat ng kanyang bawat galaw.
Hindi ko pa rin magawang makapag-react sa mga nangyayari. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang magkalapit ang aming mga mukha.
"'Wag kang umalis sa tabi ko.. Ayokong may magbago.. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin na hindi tayo nag-uusap... Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan na makita kang umiiyak.. Hindi ko sinasadya... 'wag kang umalis..." paulit-ulit nitong pakiusap sa pagitan ng pag-iyak.
"S-sir.." tangi kong sambit.
"Alam ko naman mali ako Tom.. Pero hindi ko naman akalain na aabot sa ganito... Hindi mo lang alam kung paano mo binago ang mundo ko.. Marami kang binago sa pagkatao ko.. Hindi bago sa akin ang magmahal.. Pero sa kagaya mo, hindi ko alam kung paano sisimulan.. Tom... sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon.. Isa lang.. Isa lang ang hinihingi ko.. Isang pagkakataon lang... Pakiusap.. Mahal kita Tom.. Mahal kita..." mahabang litanya nito.
Dito na ako nagkaroon ng lakas ng loob na gumalaw. Inangat ko ang mga kamay ko at ipinatong sa mga kamay n'yang nakahawak sa mga pisngi ko.
Ibayong saya ang nararamdaman ko nang sabihin ni Sir Xander ang mga salitang 'yon. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang mga salitang dapat kong sabihin.
Muling naglandas ang mga luha sa aking mga mata. Ngunit kung noong una ay luha ito ng kalungkutan, ngayon ay luha na ito ng nag-uumapaw na kasiyahan.
Tumango-tango lamang ako habang nakangiti bilang sagot sa kanyang pakiusap. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito at kasunod noon ay ngumiti ito ng ngiting ngayon ko lamang muling nasilayan.
Niyakap ako nito bigla at nagsalita ng mahina.
"Salamat Tom.. Salamat.." wika nito.
Napangiti ako at ginantihan ang kanyang mga yakap.
Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdman ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon kami magkakaayos. Tila nagliwanag ang mundo ko sa mga pangyayari.
Ilang sandali ay nagbitaw kami sa aming mahigpit na pagkakayakap. Agad n'yang inabot ang aking mga mukha at pinunasan ang aking mga luha.
"'Wag ka nang umiyak, ang pangit mo 'pag umiiyak." wika n'yang natatawa pa.
Inabot ko rin ang kanyang mga pisngi at pinunasan din ang kanyang mga luha.
"Ikaw kaya 'yun Sir Xander. Tingnan mo nga sa salamin, mas pangit ka umiyak." ganti ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...