A/N
Hello readers! Medyo badtrip ang wattpad ngayon sa new update ah.. Ang hirap mag-insert ng photo at video sa media! Kainis! Force stop lagi! Phone pa naman ang gamit ko para lang sa update! Nakakagalit!
Anyway, may gusto ba mag-request d'yan ng BS? Comment lang po, kasi nakaisip na ako ng draft. Gusto ko lang po malaman kung may interested.. Salamat!
----> si Xander sa media.
----------
TOM POV
Gumising ako isang umaga na mataas na ang sikat ng araw. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nagtaka sa aking paligid. Nagulat akong wala ako sa sariling kwarto.
Inilibot ko ang aking mga mata habang inaalala ang mga nangyari bago ako makarating sa lugar na ito.
"Oo nga pala..." sambit ko sa aking sarili nang maalala ang mga pangyayari kahapon.
Tiningnan ko ang aking katawan at may kaunting bakas pa ito sanhi ng allergy ko.
Tumingin ako sa aking tabi at hindi ko nakita ang taong inaasahan nang mga sandaling iyon.
"Saan kaya s'ya natulog?" tanong ko sa aking sarili.
Nakita ko rin sa orasan na alas onse na rin pala ng umaga kaya dali-dali na rin akong tumayo mula sa kama at inayos na rin iyon. Epekto siguro ng gamot kaya mahaba ang naging tulog ko. Hindi na rin mabigat ang aking pakiramdan katulad kahapon.
Naisipan ko na lamang na maligo muna para hanapin si Sir Xander. Marahil ay nasa kitchen n'ya iyon at nagluluto nanaman.
Natapos akong maligo at mag-ayos. Mabuti na lamang talaga at may mga gamit na ako dito sa bahay ni Sir Xander. Nakakatuwa nga dahil ang mga damit na binili ni Sir Xander para sa akin ay maayos nang nakalagay sa cabinet kasama ang mga damit n'ya. Sa CR ay ganun din, magkasama na sa iisang lalagyan ang toothbrush naming dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa dahil sa mga bagay na iyon.
Lumabas na ako sa kwartong iyon ngunit nang lumabas ako ay nagulat akong muli.
Tanging kadiliman ang sumalubong sa akin. Patay ang mga ilaw at wala akong makita kahit na iisang liwanag. Tahimik rin ang buong bahay. Naisip kong baka umalis si Sir Xander nang mga oras na iyon ngunit nagbakasakali pa rin akong naroon lamang s'ya.
"Master???" tawag ko sa kanya.
Wala naman sumagot kaya tinawag ko itong muli.
"Master??" hanap ko sa kanya.
Nagulat na lamang ako dahil biglang nagliwanag ang isang parte ng bahay ni Sir Xander. Tiningnan ko iyon at nakita kong may projector na nakatutok sa isang white screen.
Tinitigan ko iyon at hinihintay ang mga susunod na mangyayari.
Nagsimulang mag-play ang video mula sa projector na iyon.
5....
4....
3....
2....
1....
'Yan ang nakikita ko mula sa palabas. Tila ba manonood ako ng sine ng mga oras na iyon dahil sa nakita kong bilang. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga susunod pang ipapalabas mula roon.
"Tae, baka mamaya may lumabas na lang na multo d'yan..." kinakabahan kong sambit.
Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng hindi maganda dahil madilim ang buong paligid at tanging ang white screen lamang ang nagbibigay ng liwanag.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...