chapter 18 - bavarian deluxe

19.9K 704 107
                                    

A/N

eto na po ang continuation ng chapter 17.. enjoy guys!

----> picture po ng stand up comedians sa media.

----------

TOM POV

"See? Walang maisagot ang boss n'yo 'di ba? So pwede n'ya na akong ihatid at matulog na rin sa condo ko, right guys?" tanong ni Eunice sa mga katrabaho ko.

"Oo nga Sir! Hatid mo na! Ayiieee!!!" kantyaw naman nila.

Sa pagkakataong ito ay naubos na ang pasensya ko.

"Hindi nga pwede Eunice! Bakit ba ang kulit mo?!" inis kong wika rito.

"At bakit hinde?" nakataas ang kilay nitong pagtatanong sa akin.

"Dahil hindi nga s'ya single! Ako! Ako ang boyfriend n'ya at s'ya ang boyfriend ko! Kung gusto mo, dalawa kaming maghahatid sa'yo. Pero hinding-hindi s'ya matutulog sa condo mo!" gigil na gigil kong sagot dito.

Katahimikan ang bumalot sa aming lahat na naririto. Walang nangahas na magsalita. Nanatili naman akong nakatitig kay Eunice.

Maya-maya pa ay gumuhit ang ngiti sa labi ni Eunice saka nagpakawala ng malakas na tawa.

"Hahahaha! Gosh! 'Yun lang pala ang kailangan kong gawin para mapaamin kayo eh! Grabe! Wala pa rin kupas ang acting skills ko!" wika ni Eunice.

Tiningnan ko si Sir Xander at nakita kong ngumiti ito ng malapad. Nilapitan rin ako nito at agad akong ikinulong sa kanyang mga braso.

Yakap ako ngayon ni Sir Xander nang magsalita ito.

"Kayo talaga. Bakit n'yo ginagalit ang mahal ko?" tanong nito sa lahat.

"Wooooohhh!!!" sigaw ng mga katrabaho ko at dinig kong ang iba ay nagpalakpakan pa.

Nagtataka naman ako sa nangyari kaya hindi ko magawang magsalita.

"Sorry Pareng Tom! Gusto lang namin ma-confirm sa'yo. Nung sinabi kasi sa amin ni Sir Xander na ikaw 'yung mahal n'ya, akala namin nagti-trip lang eh. Kaya ginalit ka na lang ni Ms. Eunice para ikaw na mismo mag-confirm!" dinig kong wika ni Ben.

Napabitaw naman ako kay Sir Xander at nagtataka kong tiningnan ito.

"Oh! 'Wag ka magalit sa 'kin. Kahit ako hindi ko alam 'yan." depensa ni Sir Xander.

Binalingan ko ang mga katrabaho ko at tiningnan sila ng masama.

"Mga baliw! Pwede n'yo naman ako deretsahing tanungin 'di ba? Hindi 'yung may ganito pang drama!" inis kong wika sa kanila.

"Asus! Nagka-lovelife ka lang Tom highblood ka na! Masakit ba sa ulo si Chef Xander?" kantyaw ni Jurnie.

"Hoy teka! Bakit ako nadamay d'yan?!" reklamo naman ni Sir Xander.

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa nangyari.

Dumating ang oras ng aming pag-uwi ngunit hindi doon natapos ang araw namin. Nagyaya naman this time si Sir Xander na lumabas kasama ang mga katrabaho ko. Kasama rin si Eunice sa amin. Talagang napaka-masayahin nga nitong babaeng 'to at kahit may pagka-maarte kumilos ay game na game naman sa lahat ng bagay kaya siguro madali n'yang nakasundo ang mga katrabaho namin.

Dala rin pala ni Eunice ang sarili n'yang sasakyan at wala naman talaga s'yang balak magpahatid kay Sir Xander. Lakas din mag-trip eh.

Narito kami sa loob ng sasakyan ni Sir Xander. Nasa passenger seat ako sa tabi n'ya at nasa likod naman ng sasakyan sina Jurnie, Ben, at Lizzy. Isinabay na ni Sir Xander ang mga ito patungo sa aming pupuntahan. Ang iba naman ay sumabay sa sasakyan ni Eunice at ang iba naman ay may sariling mga motor kaya convoy ang nangyari sa amin.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon