chapter 19 - tiramisu

18.8K 662 143
                                    

A/N

Happy Easter everyone!

Sorry, ngayon lang ulit ang update. Masyado akong naging busy sa pagbasa ng 'A Gay Cinderella Twisted Story' ni Absurd018!! Salamat sa magandang story author!! Sana magkaro'n din ako ng Teejay sa buhay ko! Para humaba din ang hair ko na aabot hanggang New York kagaya ni Anjo!! Hahaha!!

----> si Master Tom po sa media.

----------

TOM POV

Gumising ako isang umaga nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng ng aking silid. Nakahiga ako ngayon sa aking kama at medyo nakukulangan pa ako sa tulog dahil nasa pang-gabing shift ako kahapon.

Gusto kong matulog pa ng mga oras na iyon kaya pumwesto akong muli patagilid para ibalik muli ang aking sarili sa pagtulog.

Pilit ko mang ibalik ang aking pagkakatulog ay hindi ko na magawa dahil pakiramdam ko ay tila may nagmamasid sa akin ng mga oras na iyon. Ang weird lang sa pakiramdam kaya wala akong nagawa kundi ang imulat unti-unti ang aking mga mata.

Nabungaran ko ang mukha nang nag-iisang taong labis na nagpapabilis ng pagtibok ng aking puso. Magkalapit ang aming mukha at tanging magandang ngiti nito ang makikita mo sa kanya ng mga oras na iyon.

"Good Morning Master!" nakangiti at malambing na bati ni Sir Xander.

Napangiti ako sa ganda ng ngiti n'yang iyon.

"Good Morning din Master." nakangiti kong pagbati pabalik.

Saglit kaming nagkatitigan nang may ngiti sa aming mga labi. Ngunit nang tuluyan nang magising ang aking diwa ay napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at bahagya pang napaatras.

"Anong ginagawa mo rito???!!" sigaw ko ng pagkabigla habang tinuturo s'ya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa akin. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at niyakap ako. Nanatili naman ako sa aking pagkakaupo.

Ang bango talaga ni Sir Xander. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano nagkagusto sa akin ang isang gaya n'ya. Ang swerte-swerte ko sa totoo lang.

"Master namiss kita! Hhhmmm!!!" wika nito habang yakap ako at lalong hinigpitan. Ramdam ko ang panggi-gigil n'ya dahil para ako nitong isinasayaw habang nasa mga bisig n'ya.

Bahagya akong natawa sa ginawa n'ya at ginantihan din ang kanyang pagyakap.

"Na-miss din kita Master." tugon ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

Sinulit namin ang aming yakap dahil halos dalawang linggo rin kami nitong hindi nagkita. Tanging texts at tawag lang ang namagitan sa amin. Mga ilang minuto rin kaming magkayakap ngunit bigla naman akong may naalala.

"Teka Master! Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa mo rito? Saka paano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya.

"Pinapasok ako ni Mama! Sabi n'ya tulog ka pa. Hinintay naman kita magising kaso nainip na ako eh. Kaya sabi ko kay Mama ako na lang gigising sa'yo." sagot naman niya.

Nagulat naman ako sa naging sagot nito.

"I-ibig sabihin, n-nakapag-usap na kayo?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi ko pa kasi naipakikilala ito ng pormal kay Mama simula nang maging kami nito. Naging busy kasi si Sir Xander nitong mga nagdaang linggo kaya hindi s'ya makapunta rito sa bahay. Kinailangan kasi nitong mag-full time sa branch n'ya sa The Fort para sa mga mahahalagang bagay.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon