chapter 12 - strawberry shortcake

21.3K 793 137
                                    

A/N

Masakit nanaman ang ulo ni author kasi nagyaya uminom si Sharyl sa akin kagabi. Anyway, I had a great time Sha, dami kong nalaman na hindi mo pa nakekwento. Hahaha!

Here's chapter 12 guys! Enjoy reading!

Dedicated 'tong chapter ko kay Zildjian11 dahil sa mga gawa n'ya ako na-inspire magsulat din ng story. Nabasa ko na lahat ng story mo idol, at inaabangan ko na lang update mo ng 9 mornings book 2.. Pa-update na po pls..

----> si Tom po 'yung photo sa media, pa-hug!

----------

XANDER POV

Isang linggo ang nakalipas matapos ang hindi ko maitagong galit sa aking sarili. Hinayaan kong mawala ang pagkakataong makasama ko pa si Tom. Hindi man s'ya pagmamay-ari ng kapatid kong si Daniel ay alam kong malilimitahan na ang pagkikita namin at pag-uusap.

Halos gusto kong magwala nang i-announce ni Daniel ang plano nitong panliligaw kay Tom. Noong una ay nagawa ko pang mapigilan ang galit ko. Pero nang marinig ko ang pag-uusap nila sa garden at nagawa nitong pumayag sa gusto ni Daniel ay hindi ko na nagawang kumalma. Nagpuyos ako sa galit nang mga oras na 'yon. Humanap ako ng pagkakataon para komprontahin ito at nagtagumpay ako. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi naging maganda ang komprontasyon namin dahil sa galit na nararamdaman ko.

Sa loob ng isang linggo ay pinili kong hindi muna makipagkita sa kanya. Alam kong dapat ay magpaliwanag ako sa huli naming naging pag-uusap, pero hindi ko alam kung paano ko ito pakikiharapan.

Hindi ako pumapasok sa branch ko sa Alabang sa loob ng isang linggo. Dito ko pinili sa branch ko sa The Fort pumasok para makapag-isip-isip at para na rin asikasuhin ang aming Thanksgiving Party na dito gaganapin nagyong gabi.

Nahinto ang aking pagmumuni-muni nang may tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko sa aking pinto dito sa office ko sa The Fort.

"Come in!" sigaw ko dito.

"Sir Xander?" wika ni Karen ng makapasok na ito. Hindi naman ako gumalaw sa aking pagkakaupo sa swivel chair ko.

S'ya ang manager ko dito sa branch kong ito. Maganda ito at may maipagmamalaki na katawan. Matalino rin ito at sopistikada. Kung tutuusin ay pareho sila ni Shai kaya sa tuwing magkikita itong dalawa ay hindi nila mapigilan ang ikumpara ang sarili sa isa't-isa. I-consider mo pang pareho silang single at parehong magaling na manager sa magkaibang branch. Pareho rin ang fashion sense nitong dalawang 'to. Nagtataka lang ako minsan kung bakit hindi sila magkasundo kahit nagkakapareho naman sila sa maraming bagay.

"Yes Karen?" tanong ko dito.

"Shai just informed me that they have already closed the restaurant there in Alabang and they'll be here anytime soon. Should I start preparing the traps for her?" wika nitong nakataas ang kilay at hindi maitago ang pagkaasar kay Shai.

Natawa naman ako sa sinabi nito.

"Hahaha! Stop it Karen. You know what will happen kung malaman n'ya 'yang sinasabi mo." wika ko dito.

"I'm just kidding Sir. Pero kung hindi ko gagawing biro, mas maganda." sagot naman nito. Ayaw talaga magpatalo.

"Anyway, 'yun lang ba? Sige, closed na din naman tayo kaya pwede mo nang kausapin ang host ng party pati na rin ang inupahan nating catering service para makapaghanda." utos ko sa kanya.

"Well then, maiwan ko na kayo. Kailangan ko pang magpalit ng new dress ko dahil I'm sure hindi magpapatalo 'yang best friend mo sa beauty ko. Buti na lang I had the chance and went to the parlor na kanina." wika nito at nag-flip pa ng buhok n'ya.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon