chapter 28 - banoffee pie

12.6K 503 61
                                    

A/N

Konti na lang po!!!

----------

TOM POV

"Tom! Kanina ko pa pinapalabas itong pagkain ng table 3! Hindi mo ba naririnig 'yung call ko?!" pagbasag ni Chef Randy sa aking ulirat.

"S-sorry Chef. Sige po, akin na." sagot ko na lamang sa kanya.

Nakita ko na lamang itong bumuntong-hininga matapos iabot sa akin ang pagkain para sa customer kong naghihintay sa table sa aming restaurant.

"Pagkahatid mo nito bumalik ka dito sa akin ha?" wika n'ya bago ako tumalikod sa kanya.

"S-sige po." malumanay kong sagot sa kanya.

Ganoon na nga ang nangyari. Inihatid ko na ito sa customer sa table na iyon.

Pagbalik ko sa pinto ng kitchen ay nakaabang na sa akin si Chef Randy. Hinubad n'ya ang kanyang apron at toque at agad na lumabas mula roon.

"Follow me." malumanay n'yang wika sa akin.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lamang ako sa kanyang utos.

"Charm, Ben, kayo na muna ang bahala sa naiwang pwesto ni Tom. Kailangan ko lang s'yang kausapin." utos n'ya sa dalawa nang amin itong makasalubong.

"Yes Chef." sagot naman nila.

Tiningnan ko sina Cha at Ben. Nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. Ngumiti na lamang ako ng pilit para ipakitang ayos lang ang lahat. Magiging ayos din ang lahat.

Narating namin ang office ni Sir Xander at pinaupo n'ya ako sa upuan sa tapat ng mesang para sa nagmamay-ari ng restaurant na iyon, sa mesa ni Sir Xander. Sinarado n'ya ang pinto matapos n'ya kong papasukin doon. Nanatiling nakatayo si Chef Randy sa aking likuran hindi malayo sa aking inuupuan.

"So tell me what's bothering you Tom? You've been spacing out lately." malumanay na pagkakatanong ni Chef Randy.

Hindi ako nakaimik. Aminado ako na wala nga ako sa sarili nitong mga nagdaang araw. Nagpatuloy s'ya dahil hindi s'ya nakakuha ng sagot mula sa akin.

"Nung isang linggo lang, ang saya-saya mong ibinalita sa amin na nagbalik na ang tatay mo. Ang saya-saya mo dahil nagkaayos na kayo. And now, ano itong nangyayari sa'yo? Umalis din ba agad ang tatay mo?" simula ng panenermon n'ya sa akin.

"Hindi po." maikli kong sagot.

"Then what?" tanong n'ya.

Sa halip na sagutin ko ang kanyang tanong ay binalikan ko s'ya ng isa ring tanong.

"Kelan po babalik si Xander?" tanong ko sa kanya.

Kahit na hindi ko nakikita ang mukha ni Chef Randy dahil nasa likod ko s'ya ay alam kong nagulat din ito sa aking tanong. Natigilan kasi ito at hindi agad nakasagot.

"Honestly Tom, I don't know." pagsagot n'ya ng tipid sa aking tanong.

"Akala ko po best friend ka n'ya? Bakit hindi mo po alam kung kailan s'ya babalik?" ang tanong ko ulit sa kanya.

Bago pa ito makasagot ay biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa si Ma'am Shai na tila may galit sa kanyang ekpresyon.

"At ikaw Tom, hindi ba boyfriend ka n'ya? Bakit hindi mo alam kung kailan ang balik n'ya?" ang sarkastikong tanong sa akin ni Ma'am Shai.

Tama s'ya. Boyfriend ko nga si Xander pero hindi ko alam kung kailan ang balik n'ya mula sa kanyang biglaang leave.

"Hindi ko alam na hindi na pala uso ang kumatok ngayon? Kailan pa? Sana na-inform mo kami Shai." ang sarkastikong pagsita naman ni Chef Randy sa kanya.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon