chapter 15 - sweet cream puffs

26.4K 728 110
                                    

A/N

Yey!! Proceed na tayo sa first date nina Xander at Tom.. Here's chapter 15 guys! Enjoy!! Dedicated 'tong chapter na 'to kay ehdz_kantadya na super ang support sa akin.. salamat kapatid!!

----si Xander at Tom sa media.

----------

TOM POV

Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Xander at abalang nag-aayos ng aking sarili dahil nagyaya itong lumabas at pumunta sa mall. Wala akong ideya kung anong gagawin namin doon.

Medyo nag-aalala rin ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na um-absent ako sa aking trabaho. Alam kong isang araw ang mawawala sa sweldo ko pero hindi ko na naiisip 'yon. Gusto kong makasama si Sir Xander sa unang pagkakataon ngayong opisyal na kaming magkarelasyon.

Date bang matatawag ito?

Sa tuwing iniisip kong date ang aming gagawin ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal, para akong kinikiliti sa saya. Parang ayaw mong matapos ang araw na hindi kayo nagkakasama.

Suot kong muli ang damit ko kahapon nang dumating ako rito. Naipa-laundry na daw ito ni Sir Xander kaninang umaga. Hindi rin naman kasi kasya ang mga pantalon n'ya sa akin kaya wala akong mahihiram sa kanya ngayon.

Nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kwarto ni Sir Xander. Tapos na rin siguro ito magbihis kaya dali-dali kong binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang gwapong nilalang pagkabukas ko ng pinto. Naka-polo shirt lamang ito na itim na may manipis na white lining ang sleeve at collar na fit sa kanya. Lalong nakita ang magandang hubog ng katawan nito. Naka-pants lang din ito na itim at white snickers. Ang gwapo ni Sir Xander at hindi ko maiwasang titigan ito sa mga sandaling ito. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ito sa ganitong kasuotan. Ang cool lang n'ya. Lagi kasi itong naka-corporate attire o kung minsan ay makikita kong naka-chef uniform na bagay na bagay din sa kanya.

"Tapos mo na ba akong suriin mula ulo hanggang paa Master?" nakangisi nitong tanong sa akin.

"Ah-eh... Ang porma mo naman Master. Nakakahiya naman kung kasama mo ako na ganito lang ang suot ko." wika ko dito habang nagkakamot ng batok.

Simple lang kasi ang suot ko ngayong araw. Medyo fit na white t-shirt at dark maong pants at white snickers.

"Bakit naman? Kahit naman ano isuot mo bagay sa'yo. 'Wag lang talaga 'yung wala kang suot na damit kagaya nung nagsayaw ka. Baka 'pag ginawa mo 'yun makikita mo nanaman kung paano ako magalit." pagbabanta naman nito sa akin.

"Hindi ka pa rin maka-move on? Tapos na 'yon saka nangako ako sa'yo na hindi na mauulit 'yun 'di ba?" natatawa kong wika dito.

"Haay... Hayaan mo na nga.. Anyway, let's go? Para mas mahaba ang oras natin magdate." wika nito sa akin na ngayon ay nakangiti na.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi n'ya. Date nga ang pupuntahan namin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng excitement.

"Tara na." tangi kong sagot.

Maglalakad na sana ako palabas ng kwartong iyon ay pinigilan naman n'ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa mga braso ko. Nagtataka naman akong tiningnan ito. Hindi ito nagsalita ngunit ang ikinabigla ko ay nang bigla ako nitong yakapin.

"Payakap muna Master. Mamaya hindi natin 'to magagawa sa pupuntahan natin eh. Mami-miss ko 'to panigurado. Hindi naman sa nahihiya ako sa relasyon natin, ayaw ko lang na hindi ka komportable sa mga tingin ng mga taong makakakita sa atin mamaya." paliwanang nito sa akin.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon