A/N
Ayan, dito na tayo sa medyo madramang eksena. Kung hindi n'yo man ma-feel ang chapter na 'to, sorry na.. Weakness ko kasi ang malungkot na event, masyado nga kasi masayahin si author eh.. hehe!
Dedicated 'tong chapter na 'to kay jhEyMar27.. kaway-kaway naman d'yan!! salamat sa continues votes mo.. God Bless!
Enjoy reading fellas!
----> si Daniel po sa media. paki-play din po ng nasa media, para po kay Daniel 'yan.
----------
TOM POV
"Tom...." tawag nito sa akin.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat nang makilala kung sino ang taong iyon.
"D-daniel....." tangi kong sambit.
Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.
Nakita ko si Daniel na nakatayo mula aming likuran. Suot nito ang ngiting hindi normal sa kanya. Ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata.
"Uuwi ka na ba? Tara na, ihahatid na kita. Sinundo lang talaga kita rito." yaya nito sa aking nakangiti.
Alam kong peke ang mga ngiting iyon. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig kahit na pinipilit n'yang ngumiti.
Oo nga pala, may Daniel nga pala sa buhay ko na walang ginawa kundi ang samahan at pasayahin ako. Sa sobrang sayang nararamdaman ko sa muling pagkakaayos namin ni Sir Xander ay nakalimutan kong may Daniel pala na naghihintay sa akin. Nakaramdam ako ng pagka-konsensya sa mga nangyayari.
"Daniel, pumasok muna tayo sa loob. Mag-usap muna tayo. May mga gusto akong ipaliwanag sa'yo." biglang singit ni Sir Xander.
Nanatili naman si Daniel na nakatingin sa akin at hindi pinansin ang alok ni Sir Xander na tumuloy muna sa loob ng kanyang unit.
"Galing nga rin pala ako kila Aling Tasing kanina Tom. Kinakamusta ka n'ya pati ng mga bata. Kelan ka daw ba pupunta doon?" tanong sa akin ni Daniel.
Ramdam kong iniiwasan n'yang makausap si Sir Xander dahil hindi n'ya man lang ito magawang tingnan. Nanatili lang s'yang nakatingin at nakangiti sa akin.
"Ahh.. S-sige dadalaw ako isa sa mga darating na araw." sagot ko sa kanya.
"Ganon ba? Maganda 'yon! Sabay na tayong pumunta doon, kagaya ng dati." sagot n'yang muli sa akin.
"Daniel, p-paano mo nga pala nalamang nandito ako?" utal kong tanong at pag-iiba ng usapan.
Si Sir Xander naman ay pinili na lamang manahimik. Marahil ay ramdam n'ya rin ang pag-iwas ni Daniel sa kanya.
"Eh 'di ba? Responsibilidad ko bilang manliligaw mo na ihatid at sunduin ka? Kaya dapat alam ko kahit saan ka magpunta. Hindi ka kasi pumasok kanina eh, kaya sobrang nag-alala ako. Kaya heto ako ngayon, sinusundo ka." masigla nitong paliwanag pero kahit ganoon ay ramdam mo ang kalungkutan nito.
"Daniel, ako na ang maghahatid sa kanya." pagsingit ni Sir Xander.
"Hindi kita kinakausap. Si Tom ang kausap ko kaya tumahimik ka d'yan. Ihahatid ko na s'ya." malamig na sagot dito ni Daniel.
Nagbago rin ang ekspresyon ng kanyang mukha at masamang tingin ang ibinabato nito kay Sir Xander.
"D-daniel..." tangi kong nasabi.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...