A/N
Hello readers! Wala naman ibang nangyari sa 'kin kaya wala ako mai-share sa inyo. At alam kong wala din naman ang interesado. Hahahaha!
Here's chapter 13. Enjoy reading!
----> si Xander po sa media.
----------
TOM POV
Tinanghali ako ng gising ngayong araw. Restday ko ngayon kaya sinulit ko ang pagtulog ko. Narito ako sa aking kama at hindi pa rin bumabangon mula sa mahabang pagtulog.
Ilang araw din akong puyat dahil sa practice namin ni Lizzy na ginagawa namin matapos ang aming shift sa trabaho.
Kagabi naganap ang aming Thanksgiving Party. At kagabi rin naganap ang isang bagay na hindi ko makakalimutan.
Hinalikan ako ng taong hindi ko kilala sa CR ng branch namin sa The Fort. Sa tuwing maaalala ko ang bagay na 'yon ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang malalambot na labi ng taong humalik sa akin.
"Sino ba kasi 'yun?" mahina kong sambit.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa may nakahalik sa akin ng walang permiso o magagalit dahil hindi man lang nagawang magpakilala ng taong gumawa sa akin noon. Pero sa tuwing maaalala ko ang malambot n'yang labi ay hindi ko din maiwasang mapangiti. Tila ba napanatag ako nang ginawa n'ya ang bagay na 'yon. Hawak n'ya ang aking mga pisngi nang may pag-iingat. Tila ba secured na secured ako sa kanya.
"Malay ko! Ano ba kasing ginawa n'ya sa'yo?" narinig kong tanong sa akin.
"Hinalikan n'ya ako." sagot ko at hinawakan ko ang labi ko.
"Kelan?" tanong muli nito.
"Kagabi." sagot ko naman.
"Saan?" tanong n'yang muli.
"Sa party." sagot kong muli.
Katahimikan....
"Kyaaaaahhhhh!!!!!!" sigaw ng nagtanong.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyang nagising nang makita kong nasa kwarto ko si Cha at tumili ng pagkalakas-lakas. Putek! Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?! Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa ginawa nito.
"Kyaaaahhh!!!" tili muli nito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Cha pala ang nagtanong sa akin at hindi ko sinasadyang masagot ang mga tanong nito. Akala ko ay nakikipag-usap lang ako sa sarili ko! Nalintikan na!
"Anong nangyari?!!" biglang sulpot ng kapatid kong si Julius sa pinto.
"Anak?! Cha?! Ayos lang ba kayo?!" alalang tanong ni Mama. Kasunod ito ni Julius.
"Tita!!! Julius!!! You gotta hear this!! Si bessy po!!! Na-experience na ang first ki-----" wika ni Cha na hindi naituloy dahil tinakpan ko agad ang bibig nito.
"Ha?" takang tanong naman ni Mama at Julius.
"W-wala 'to Ma. N-nababaliw nanaman 'tong si Cha." sagot ko sa kanila. Hawak ko pa rin ang bunganga ng best friend ko.
"Eh ano 'yung sinasabi n'yang first mo? First ki ba 'yun?" tanong muli ni Mama.
"A-ano... Ahm... First ki... F-first.. First King of the Night 'Ma! Tama! A-ahm, nanalo kasi ako ng King of the Night kagabi sa party." nauutal kong sagot dito.
"Aahhhh..." sagot naman nina Mama at Julius ng sabay at tumatango-tango pa.
Haayyy... Buti na lang nakalusot.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...