A/N
Hey guys! Alam kong may mga typo error ako sa mga ilang chapters, ganon din po sa mga ilang wrong grammar. Pasensya na po, aayusin ko na lang sa susunod. Salamat sa patuloy na nagbabasa.
----> si Ronnie/Popoy po sa media.
----------
SOMEONE POV
Naririto ako sa isang restaurant upang katagpuin ang taong makakatulong sa akin upang mabawi ang taong matagal kong hinintay para maging akin.
Halos dalawang oras na akong naghihintay sa restaurant na ito kaya nang makita ko s'yang papalapit ay hindi ko naiwasang tingnan ito ng masama.
"What took you too long? I've been here for decade. For Pete's sake!" inis kong bungad sa kanya.
"Don't be too harsh my dear. I'm here to give you a hand, remember?" nakangising wika nito at naupo sa kaharap kong mesa.
Huminga na lamang ako ng malalim dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Kakailanganin ko s'ya para maging matagumpay ang aking plano.
"So, how's your meeting with them? Is there a chance na makuha natin ang gusto natin?" tanong n'ya sa akin.
"I don't know yet. Dahil sa tingin ko sa ex-boyfriend mong 'yan ay wala s'yang balak pakawalan ang taong gusto kong mabawi." sagot ko sa kanya.
"Oohh... I pity you my dear.. But don't worry, alam ko ang kahinaan ng ex-boyfriend ko. You don't have to do anything but to watch my steps. And besides, may isa pa akong hawak para hindi n'ya magawang makaiwas sa akin." puno ng tiwala sa sarili n'yang wika sa akin.
"Siguraduhin mo lang. Dahil kapag pumalpak ka, alam mo na ang mangyayari." pagbabanta ko sa kanya.
Tumawa lamang s'ya sa aking pagbabanta at muling nagsalita.
"C'mon my dear. Just trust me." wika n'ya at ngumisi.
Nagpatuloy na lamang kami sa pag-iisip sa aming mga magiging plano habang kumakain ng aming dinner sa restaurant na iyon.
DANIEL POV
Kagagaling ko lamang mula sa aking trabaho nang maisipan kong dumalaw muna kina Aling Tasing sa Baywalk. Naisipan ko munang dumaan sa isang restaurant dito sa Pasay para bumili ng konting pasalubong para sa kanila ng mga bata.
Matapos kong mai-park ang aking motor dito sa parking lot ng restaurant ay agad ko ring pinatay ang makina nito. Akmang tatanggalin ko pa lamang ang suot kong helmet ay napukaw ng aking atensyon ang papalabas na tao mula sa restaurant na papasukin ko.
Nanginginig ang aking mga kamay at nanlaki ang aking mga mata nang masilayan ko ang kabuuan ng taong ngayon ay patungo na sa isang kotse. Hindi ko nagawang maikilos ang aking sarili sa labis na pagkabigla. Sinundan ko s'ya ng aking tingin hanggang sa makaalis na s'ya habang nagda-drive ng kanyang kotse.
Ilang minuto rin akong tulala at hindi makapaniwala sa aking nakita. Kahit na hindi ko na matanaw mula sa aking pwesto ang kanyang kotse ay hindi ko pa rin magawang gumalaw. Tila ba tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa nang muli kong masilayan ang mukha ng taong iyon. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na makikita ko s'yang muli. Nakaramdam ako ng takot ng mga oras na iyon.
"P-paano na ito kung magkita ulit sila?" tanong ko sa aking sarili.
Naputol lamang ang aking pag-iisip nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran.
"Sir? Ayos lang po ba kayo? Pasensya na po, pero bawal po kasi ang tumambay dito sa tapat ng restaurant maliban na lang po kung kakain kayo dito sa restaurant namin." wika ng guard ng restaurant nang lingunin ko ito.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...