chapter 29 - glazed lemon filled

11.9K 497 119
                                    

A/N

Konting chapter na lang po guys para matapos ang book 1. Yes, book 1 po dahil nakaabang na rin ang book 2.

Mas mature at mas maganda ang mga pangyayari. 'Yun lang po!

Enjoy reading!

----------


TOM POV



Sumunod na nangyari ay lumabas ang taong hindi ko inaasahang madadatnan ko sa bahay ni Xander.

"Oh?! Hi Tom! Kamusta?" nakangiti n'yang bati sa akin.

Nakapang-tulog rin ito. Manipis na sleeveless at short na pang-tulog.

"J-josephine..." tangi kong nasambit.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa taong nakita ko.

"Jho? Carla? Sino daw 'yan?" narinig kong tanong ni Xander mula sa loob.

"Daddy, it's Kuya Tom po!" sigaw ni Carla pabalik.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Xander nang sumagot si Carla sa kanya.

"P-pasok ka Tom.." ang sinabi sa akin ni Josephine at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"S-salamat..." utal ko ring sagot dahil sa pagkabigla.

Hinawakan ako ni Carla sa aking kamay kaya nagawa ko na ring ihakbang ang aking mga paa.

"He's in the kitchen Kuya Tom." wika sa akin ni Carla at hinila na ako papunta sa kinaroroonan ni Xander.

Nang makarating kami ni Carla sa kitchen ay nakita ko si Xander na nakatayo roon at mukhang inaabangan na lang ang aking pagpasok. May hawak itong sandok at mukhang nagluluto ng kanilang agahan. Base sa kanyang ekspresyon ay nabigla ito sa aking pagdating.

Nagkatinginan kami nang walang salitang namamagitan.

"Daddy? Are you just gonna stand there? Didn't you miss Kuya Tom?" tanong ni Carla sa kanya.

Tila ba doon lamang natauhan si Xander. Doon lamang s'ya nakapagsalita.

"Carla, puntahan mo muna si Mommy mo sa sala. Mag-uusap lang kami ni Kuya Tom mo." utos ni Xander kay Carla.

"Okay po!" sagot naman ni Carla sa kanya.

Binitawan na ni Carla ang aking kamay at naiwan na nga kami ni Xander sa kusina. Pinatay n'ya muna ang stove kung saan s'ya nagluluto. Humarap s'ya sa akin ngunit hindi n'ya ako magawang tingnan.

Dahil doon ay ako na ang unang nagsalita.

"Pwede bang umupo?" tanong ko sa kanya.

Tila ba doon n'ya lang naalalang patuluyin ako sa kanyang kitchen.

"S-sorry.. Halika, maupo ka dito. Gusto mo ba ng maiinom? Coffee?" alok n'ya sa akin.

"Hindi na. Nag-almusal na ako sa bahay. Salamat." maikli kong sagot.

Bakit ganito? Bakit parang naiilang kami sa isa't-isa? Bakit sa loob lang ng isang linggo ay ganito na ang pagbabago? Muli nanaman akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.

Dahan-dahan akong lumapit sa upuan na nasa mesang naroon. Umupo rin naman s'ya sa silyang nasa aking harapan.

"K-kamusta ka na Tom?" tanong n'ya sa akin.

Tom...

'Yan na lang ang tawag n'ya sa akin ngayon. Hindi na Master.

"Ako nga ang mangangamusta sa'yo kaya maaga akong nagpunta dito. Ilang araw na rin kasi tayong hindi nakakapag-usap." kaswal kong sagot sa kanya.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon