chapter 10 - lemon macaroons

23.7K 760 177
                                    

A/N

Musta guys?! Masakit ulo ni author kaya hindi muna ako magda-daldal.. Enjoy reading chapter 10 guys! -_-

---->si Chef Randy po sa media.

----

TOM POV

Isang araw ang lumipas nang makilala ko si Carla na anak pala ni Sir Xander. Parang bigla ko ding na-miss ang batang 'yon. Hindi rin pumasok kahapon si Sir Xander, baka inihatid na n'ya si Carla sa Manila.

Normal na umaga, nandito na ako ngayon sa restaurant at magsisimula nanamang magtrabaho. Patungo ako ngayon sa crew room para magpalit ng uniform ko.

"Good morning Tom! Namiss kita ah!" biglang bati sa akin ng lalaki mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Daniel.

"Uy! Ikaw pala Daniel! Good morning din. Pang-morning shift ka din pala?" tanong ko sa kanya.

"Oo eh, nakipagpalit ako ng shift kay Christian sa gabi. May mga bagay kasi akong sisimulan ngayong pang-umaga na ako." wika n'yang nakangiti.

"Ganun ba?" tanging reaksyon ko.

"Ganun na ganun!" masayang wika nito.

"Tara na! Baka malate pa tayo, magbibihis pa tayo." sabi ko na lang para makapagsimula na kami sa aming trabaho.

Umakbay ito sa akin patungong crew room. Habang papalapit sa crew room ay biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Xander at niluwa nito ang gwapo kong boss na nakangiti sa akin. Pang-umaga din pala s'ya.

"Good morning Sir Xander, ang ganda ng gising ah?" bati ko sa kanya. Parang blooming ngayon ang boss ko ah?

Hindi ito tumugon sa bati ko at naglaho ang kaninang ngiti n'ya sa labi. Tumingin ito sa aking katabi kasunod ng tingin n'ya sa aking balikat na hanggang ngayon ay akbay pa rin ni Daniel. Naglakad ito at nilampasan lamang kami ni Daniel nang wala man lang kahit isang salitang binanggit.

"Anong nangyari dun?" takang tanong ko kay Daniel.

"Malay ko. Baka nakakaramdam na ng pananakit ng dibdib?" sagot ni Daniel.

"Ha?! May sakit ba si Sir Xander?!" natataranta kong tanong kay Daniel.

"Wala! Nakita mo namang malakas pa kay Hercules 'yung taong 'yun eh!" balik nitong sagot sa akin.

"Eh bakit sasakit dibdib nun kung wala s'yang sakit?!" nag-aalala ko pa ring tanong.

"Hayaan mo na nga 'yun! Basta malakas 'yon!" wika n'ya. "Tara na nga! Baka lalo pa tayong ma-late n'yan sa kakatanong mo eh." dugtong n'ya pa.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na ako ni Daniel patungo ng crew room. Ngunit narinig ko pa itong bumulong habang hila n'ya ako.

"Ang manhid naman kasi!" sambit n'yang pabulong. Hindi ko na lamang iyon inusisa at baka nga lalo pang humaba ang aming usapan at lalo nga kaming ma-late.

"Good morning Kuya Vher!" masigla kong bati sa Captain waiter namin. Kararating ko lang dito sa dining area para simulan ang trabaho.

"Good morning din Tom!" magandang bati din nito.

"Kamusta pala buhay-buhay Kuya? Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?" tanong ko habang nagsisimula nang mapunas ng table.

"Ayun! Mailap pa rin, pa-hard to get eh!" sagot n'ya. Abala din s'ya sa paglilinis sa loob ng bar.

"Baka naman kasi kulang sa effort Kuya? Bilhan mo kaya ng chocolates?" suhestyon ko sa kanya.

"Naku! Nagawa ko na nga ang lahat eh, lumuhod na lang sa asin ang kulang para mapa-oo ko lang." reklamo nito.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon