A/N
Hello guys! Musta naman ng lahat? I hope all is well.. Review tayo sa last chapter..
Ano nga kaya ang magiging papel ni Daniel sa story na 'to? Marami pang mangyayari and sana hindi kayo magsawang magbasa lalo na sa mga kawork ko kahit na minsan pinipilit ko na kayo magbasa.. Hahahaha! Sa mga susunod sigurong chapters magdedicate na ulit ako.
Anyway, here's chapter 5. Enjoy! Tsup!
------>si Daniel nga po pala 'yung nasa media. Cute ba?
TOM POV
Alas dose ng tanghali nang ako ay pumasok sa trabaho. Lunch time kaya expected na maraming tao. Pagkapasok ko ay binati ko ang mga kasamahan ko dito sa kitchen.
"Good afternoon po!" bati ko sa mga kasamahan ko. Binigyan naman nila ako ng ngiti at ang ilan naman ay tumango as a sign ng kanilang pagbati pabalik. Hindi ko alam na nasa bahaging sulok ng kitchen sina Sir Xander at kausap nito si Chef Randy.
"Ahm, Good Afternoon din po Sir Xander and Chef Randy." bati ko din sa kanila. Tumango naman si Chef Randy sa akin ngunit tahimik lang na nakatingin sa akin si Sir Xander. Problema nito? Sungit talaga. -_-'
"Tom!!" biglang tawag sa akin ni Daniel suot ang magandang ngiti.
"Uy Daniel! And'yan ka na din pala. Kamusta?" bati ko dito. Humarap na din ako sa lababo upang simulan ang aking trabaho.
"Ayos lang. Wait lang, 'wag mo muna basain kamay mo." utos nito na s'yang pinagtaka ko.
"Ha?" taka kong tanong. Napapansin ko lang, gamit na gamit ko na ata ang maikling tanong na ito these past few days.
Tumungo si Daniel sa lugar kung saan nakalagay ang mga kagamitan para sa mga take out containers at iba pang kagamitan sa kitchen. May kinuha s'ya mula doon at hindi ko napansin kung ano 'yun. Lumapit ito sa akin na hindi naaalis ang pagkakangiti.
"Kamay mo." maikli nitong sabi.
"Ha?" eto nanaman ang monologue ko.
"Sabi ko akin na ang kamay mo." utos sa akin ni Daniel. Nagtataka man ay sinunod ko na lamang ito. Inangat ko ang mga kamay ko habang kami ay magkaharap.
"Suot mo 'to. Hindi pa magaling sugat mo 'di ba? Hindi ka makakapaghugas ng maayos n'yan kung wala kang gloves na suot. Isa pa baka lumala pa 'yan." wika n'ya habang sinusuot ang pares ng gloves sa mga kamay ko.
"Naks! Dumadamoves ka na parekoy ah!" tukso ni Jurnie kay Daniel na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
"Ulol! Asikasuhin mo 'yang trabaho mo at 'wag mong pinapakelaman ang iba!" balik dito ni Daniel.
Naigala ko ang mata ko at nakita kong nakatingin din sa amin sina Sir Xander at Chef Randy. Nakaramdam naman ako ng hiya.
"S-salamat." utal kong sabi kay Daniel. "Sige, balik ka na dun. Maghuhugas na ako." dugtong ko pa. Muli itong ngumiti at bumalik na nga sa kanyang pwesto.
Sinimulan ko na ngang maghugas at nagpapasalamat naman ako dahil hindi nababasa ang sugat ko sa tulong na din ng gloves na ibinigay ni Daniel.
"Huling araw mo na dito. Siguraduhin mong magagawa mo ng maayos ang trabaho mo." boses ng lalaki sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Sir Xander ito. Hindi ko alam na nakalapit na pala ito sa pwesto ko.
"O-opo Sir." tangi ko na lang nasabi. Hindi na muli itong nagsalita at tumalikod na lamang sa akin.
"Randz, let's go to my office. Dun na lang natin ituloy ang pag-uusap sa proposal ng bagong supplier." pagkausap nito kay Chef Randy. "Jurnie, take charge please." utos naman nito kay Jurnie.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...