A/N
Gusto ko lang pasalamatan ang mga katrabaho kong pumayag na gamitin ko ang mga pangalan nila para sa mga characters ko.. Hehe! Yes, mga ka-work ko 'yang mga 'yan. Salamat sa support guys!
----> si Dee po sa media.
----------
TOM POV
Narito ako ngayon sa isang hotel sa Makati para um-attend sa isang seminar na kakailanganin namin bilang waiter o server ng aming restaurant. Mula sa iba't-ibang restaurant ang mga taong naririto para sa training na ito.
Kasama sina Cha, Dee, Ben at ilang mga katrabaho ay sabay-sabay kaming nagtraining. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama namin ang isa dito sa tabi ko.
"Master, inaantok na ako." bulong nito sa tabi ko habang nakatungo sa mesang nasa harap namin.
"Eh bakit kasi sumama ka pa dito?" tanong ko rin na pabulong sa kanya.
Hindi kasi kami pwedeng mag-ingay habang nagle-lecture ang speaker sa unahan. Mahirap nang mapagalitan. Mabuti na nga lang at narito kami sa bandang likuran kaya hindi naman siguro kami mapapansin.
"Tinatamad kasi ako doon sa office ko. Tsaka andon naman si Shai, kaya n'ya na 'yon." sagot naman nito sa akin.
"Tinatamad? Eh ano ngayon ang nangyayari sa'yo? Tingnan mo nga, kanina ka pa nakatungo d'yan. Mamaya mapagalitan ka ng speaker dahil hindi ka nakikinig sa kanya." wika ko nanaman sa kanya ng pabulong pa rin.
"Eh wala din naman akong gana magtrabaho kung wala ka doon sa restaurant. Kaya sumama na lang ako dito." sagot nanaman nito.
"Jusko naman Xander! Parang hindi ako umuuwi sa bahay mo kung makamaktol ka d'yan!" naiinis kong wika sa kanya.
"Eh basta! Gusto ko kasama lang kita!" sagot nanaman nito.
Sasagot pa sana ako pero may bigla na lamang sumingit sa aming pag-uusap.
"Mga hijo, baka pwedeng sa labas n'yo na lang ituloy 'yang pagliligawan n'yo? Kasi nagle-lecture pa ako. Baka mamaya 'pag nagpa-exam ako ay wala kayong maisagot?" wika ng aming speaker sa training na ito.
"S-sorry po.." hingi ko ng paumanhin at napatungo na lamang ako.
Naramdaman kong tumayo si Xander sa aking tabi. Ang akala ko ay hihingi ito ng pasensya dahil sa hindi pakikinig.
"Niyayaya ko po kasing magdate itong boyfriend ko Sir pagkatapos ng lecture n'yo. Kaso ayaw pong pumayag eh. Pasensya na po kayo Sir kung naistorbo din namin kayo." dire-diretsong wika ni Xander.
Napaangat ako ng ulo sa narinig ko mula sa kanya.
"Ayyyiiieeee!!" kantyaw naman ng mga kasabayan namin sa training na mula naman sa ibang kumpanya.
"Pumayag ka na kasi Kuya!!" sigaw naman ng isang babaeng hindi ko kilala.
Hinila ko si Xander paupo dahil sa eksena nito. Hindi talaga nahihiya ang isang 'to! Nagagawa pang mag-imbento ng kwento!
Hinarap kong muli ang speaker at humingi ulit ng dispensa.
"P-pasensya na po Sir. Sige po, ituloy n'yo na po ang lecture. 'Wag n'yo na lang po s'yang pansinin." wika ko sa speaker.
"Okay. Pero sana makinig na kayo this time." wika nito sa akin. "Ikaw naman Mister, mamaya mo na ituloy ang panliligaw mo. Tanghaling tapat pa lang oh!" baling n'ya naman kay Xander.
Humarap naman muli ang speaker sa akin at nagsalitang muli.
"At ikaw naman Mister, pumayag ka na agad para hindi n'ya naiistorbo ang training na ito." baling naman nito sa akin.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...