chapter 27 - chocolate midnight cookies

13K 495 53
                                    

A/N

hello readers! :))

----> si Xander po sa media

----------

XANDER POV

"Anong ginagawa n'yan dito?!!"

ang biglang sigaw ni Tom sa lalaking katabi ni Mama Lita.

May hinala na ako kung sino ang lalaking iyon dahil kahawig s'ya ng magkapatid na Tom at Julius.

"Anak, makinig ka sa akin.." pakiusap ng lalaki kay Tom.

Tama nga ako, s'ya ang ama nina Tom at Julius.

"Hindi! Wala akong papakinggan mula sa'yo!" sigaw ni Tom dito.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong galit mula kay Tom. Ang buong akala ko ay masaya ito kahit wala ang kanyang ama.

Minsan na rin n'ya sa akin naikwento ang tungkol sa pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Pero nang ilahad n'ya iyon ay tila ba walang sakit o galit itong nararamdaman para sa kanyang ama.

"Anak, makinig ka muna sa paliwanag ng Papa mo.." pakiusap ni Mama Lita kay Tom.

"Makinig?! Nakakalimutan mo na ba Mama kung paano tayo pinabayaan ng lalaking 'yan?! Nang dahil din sa kanya nagkasakit kayo!" sumbat ni Tom.

"Anak, alam kong nagkamali ako.. Kaya nga naririto ako ngayon para humingi ng tawad... Pero maniwala ka, hindi ko ginusto ang lahat.." pakiusap muli ng kanyang ama.

"Ginusto mo man o hinde, iisa pa rin ang naging epekto 'di ba?! Iniwan mo pa rin kami!! Para saan pa at bumalik ka?! Hihingi ka ng tawad?!! Kalokohan 'yan!! Umalis ka rito!! Hindi ka namin kailangan!!" ang mas lumakas na sigaw ni Tom sa kanya.

Hinawakan ko na si Tom dahil tila hindi n'ya na makontrol ang kanyang sarili dahil sa labis na galit sa kanyang ama.

"Tom!! Hindi kita pinalaki para magsalita ng ganyan!! Rumespeto ka!! Ama mo pa rin s'ya!!" ang pagsaway naman ni Mama Lita kay Tom.

"Ano ba Mama?!! 'Wag mong sabihing napatawad mo na s'ya?!! Alam n'ya ba ang mga naging hirap natin nung iniwan n'ya tayo?!! Alam n'ya ba ang mga naging sakripisyo ng bawat isa sa atin?!!" tanong ni Tom pabalik kay Mama Lita.

Kami ni Julius ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Tensyonado na kami dahil sa sagutan ni Tom at ng kanyang ama at Mama Lita.

"Makinig ka kasi muna anak sa Papa mo.." mahinahong pakiusap na ni Mama Lita.

"Hinde!! Wala akong Papa!! Matagal nang patay ang Papa ko!! Matagal ko nang binaon sa lupa ang pangalan ng ama ko!!" ang galit na galit na sagot ni Tom kay Mama Lita.

"Tom tumigil ka na! Hindi ko na talaga gusto ang mga lumalabas sa bibig mo!" ang muling pagsuway ni Mama Lita kay Tom.

"Hindi Mama! Bakit pa kasi bumalik 'yan eh! Maayos naman tayo kahit wala 'yan! Hindi natin s'ya kailangan!!" pagsagot muli ni Tom.

Wala akong magawa kundi awatin si Tom. Alam kong malalim ang pinaghuhugutan ng galit n'ya. Muling nagsalita ang kanyang ama.

"Anak naman... mag-usap tayo ng maayos.. Marami akong dapat na ipaliwanag sa'yo... At kaya ako nagbalik dito ay para makabawi sa mga panahong nawala ako.. Humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo lalo na sa'yo... Alam kong malaki ang naging sakripisyo mo para sa Mama at kapatid mo.." mahinahong pakiusap ng kanyang ama.

"Alam?! Ano bang alam mo?!! Wala kang alam dahil wala ka sa buhay namin ng mahabang panahon!! Wala kang alam!!" ang galit na galit pa ring wika ni Tom.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon