chapter 4 - white chocolate mousse

24.6K 859 72
                                    

A/N

Hi guys! Here's chapter 4 mga mahal kong readers! enjoy!

-please paki-play ng nasa media para mas feel na feel ang pagbabasa ha? tenkyu!

XANDER POV

Narito ako ngayon sa isang hotel at kasalukuyang nasa malaking function hall nito. Kumikislap ang paligid dahil sa mga palamuti at nagkalat na dekorasyon ng mga puting bulaklak.

Narito rin ang mga mahal ko sa buhay na masaya sa mangyayari ngayong gabi. Nakikita ko ang saya sa kanilang mga mukha lalo na ang anak kong si Carla. She's wearing an elegant gown at katabi n'ya ang mga magulang ko na hindi mapapantayan ang saya sa kanilang mga mukha.

Narito rin ang mga empleyado ko sa restaurant at masayang pinapanood ako na nag-aabang dito sa dulo ng isang aisle. Sila rin ay magiging saksi sa magandang pagbabago sa buhay ko. Nasa likod ko naman ang isang tao na magdedeklara maya-maya lamang na makakamit ko na ang matagal ko nang inaasam. Ang makasama ang taong pag-aalayan ko ng pang-habang buhay na pagmamahal.

I'm wearing a white suit na may blue necktie at masasabi kong pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Ngayon magaganap ang pinakahihintay kong masayang kaganapan ng buhay ko.

Nagsimula nang tumugtog ang song na nababagay sa okasyong ito. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto ng function hall na may ilang metro ang pagitan mula sa kinatatayuan ko. Naroon ang taong hinihintay ko dito sa kinatatayuan ko.

Halos masilaw ako sa nakikita kong liwanag na nagmumula sa likod ng taong makakasama ko habang buhay. Nasundan din ito ng usok na nagmumula fog machine sa magkabilang side ng kinatatayuan nito. I must say, perfect ang entrance ng mahal ko.

Nagsimula na rin itong maglakad dahan-dahan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag ang mukha nitong taong nagpapasaya sa akin. Pareho ang aming suot na white suit ngunit pula lamang ang kulay ng kanyang necktie.

"Beautiful In White"

Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My life had found its missing piece

So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word

So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

Nang makalapit na ito sa akin ay inilahad ko na ang aking kaliwang kamay upang abutin ang kanyang mga kamay. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng song na napili ko para sa okasyong ito, para sa mahal ko.

Nagsimula na nga ang seremonya at walang mapaglagyan ang saya ko. Nakangiti lang ako sa buong oras na nagsasalita ang taong magdedeklara ng pagiging isa namin ng mahal ko. May nakikita din akong saya sa mukha ng taong katabi ko bagamat hindi malinaw ang repleksyon nito. Kilalang-kilala ko ang ngiti na ito. Ito ang ngiting nagpukaw ng attention ko.

"You are now and forever partners in life." wika ng lalaki sa harapan na nagkasal sa amin. "You may now kiss each other." nakangiti pa nitong dugtong.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon