chapter 26 - lemon sorbet

15.3K 540 123
                                    

A/N

Yow! Penge po votes! :((

----> si Josephine po sa media.

----------

TOM POV

Pagkabalik namin ng Maynila ay dumiretso na kami sa condo ni Xander. Naglalakad kami patungo sa kanyang unit nang nagtatawanan. Masaya kaming nagke-kwentuhan kahit pagod kami sa byahe.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng kanyang condo at ilalagay na sana n'ya ang susi para buksan iyon nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa aming likuran.

"Xander....." tinig ng isang babae.

Nagulat ako nang mabitawan ni Xander ang hawak n'yang susi kaya dali-dali kong pinulot iyon. Pagtingin ko kay Xander ay tulala itong nakaharap sa pinto.

Tiningnan ko ang babaeng tumawag sa kanya sa aming likuran. Hindi s'ya pamilyar sa akin kaya nagtanong ako.

"Sino po sila?" tanong ko sa kanya.

Hindi ako nito sinagot. Tumingin ito kay Xander at tinawag muli ang kanyang pangalan.

"Xander.... c-can we talk?" tanong ng babae.

Tiningnan ko si Xander kung anong reaksyon nito ngunit nanatili itong tulala sa tapat ng pinto. Sinubukan kong tawagin ang atensyon n'ya.

"Master? Kilala mo ba s'ya?" inosente kong tanong sa kanya.

Hindi s'ya umimik kaya muling nagsalita ang babae sa aming likuran.

"You must be Tom?" tanong ng babae sa akin.

"Ahm.. Opo, ako po si Tom. Kayo po?" tanong ko pabalik sa babae.

"I'm Josephine. It's nice to finally meet you Tom." nakangiti n'yang pagpapakilala sa akin.

Pamilyar ang kanyang pangalan ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nga ba narinig ito. Nagkaroon din ako ng pagkakataong tingnan ito ng mabuti. Hindi maitatanggi ang angking kagandahan ng babaeng ito. Balingkinitan ang katawan at halatang mayaman base sa kanyang kutis at pananamit.

"Ahh... Nice to meet you din po Ms. Josephine." nakangiti kong sagot din sa kanya.

"Call me Jho. Masyadong formal at masyadong mahaba ang Josephine." nakangiti n'yang wika sa akin.

Nabasag ang aming pag-uusap ni Josephine nang biglang kinuha ni Xander mula sa akin ang susi ng kanyang condo.

"Pumasok na tayo Tom. Hindi ko s'ya kilala." malamig na wika ni Xander.

Ang sumunod na pangyayari ang labis kong ikinagulat. Tumakbo si Josephine papunta sa gawi namin at agad na niyakap si Xander sa likod. Napaatras ako dahil sa tagpong iyon. Bahagya kasi akong nahawi ni Josephine.

"Xander please.... hayaan mong magpaliwanag ako..." pagmamakaawa ni Josephine at nagsimula na itong umiyak.

Kahit na nagulat ako ay pinili kong magpakahinahon. Mukhang may kailangan nga siguro silang pag-usapan.

"Ahm... Xander... K-kung kinakailangan n'yong mag-usap na dalawa, uuwi muna ako sa amin. Para na rin makamusta ko sila Ma----" ang hindi ko naituloy na pagsasalita dahil pinutol ako ni Xander.

"Hindi ka aalis Tom! Dito ka lang!" madiin n'yang wika.

Pilit n'yang tinanggal ang pagkakayakap ni Josephine sa kanya dahilan para mapaupo ito sa sahig. Agad kong nilapitan si Josephine dahil naawa ako dito. Inalalayan ko itong makatayo at agad na kinausap ng mahinahon si Xander.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon