A/N
Hello mahal kong readers! baka may nagiging problema kayo sa pag-download ng ibang chapter. Ang gawin n'yo po remove n'yo muna sa library n'yo and then add n'yo na lang ulit. Kung ganun pa rin, pm n'yo ako dito sa wattpad for soft copies. Thank you! Happy reading!
---->si Carla po, daughter ni Sir Xander 'yung nasa media.
-------
TOM POV
May dalawang buwan na din pala ang lumipas mula nang magkakasama kami nila Sir Xander na nagpunta sa Enchanted Kingdom. At may dalawang buwan na din kong nagtatrabaho dito sa restaurant n'ya.
Nagkaro'n na din ng konting pagbabago sa samahan naming lahat. Pero maganda ang mga pagbabagong 'yun.
Una ay mas naging malapit kami nila Cha, Dee at Ben. Alam na din nila Dee at Ben ang sexual preference ko, pero ang nakakatawa ay wala silang naging reaksyon doon. Naguluhan pa nga ako noong una, pero ang sabi nila hindi naman daw kasi big deal ang bagay na 'yon.
Naging mas malapit na din kami kina Daniel at Jurnie. Minsan ay kasabay namin silang magbreak kung magkakasabay kami ng shift. Minsan din ay lumalabas kami after work. Dinala na din namin sila sa aming tambayan sa parking lot ng mall na halos gawin nang bahay ni Jurnie. May mga upuan kasing nakalagay sa parking lot na 'yon at ginagawa n'yang tulugan iyon.
Sina Dominic at Rigo naman ay patuloy pa rin ang pagpunta sa restaurant namin. Hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nila ni Dee sa isa't-isa. Tuwing magkikita ay nagsasagutan pa rin at si Cha pa rin ang scorer nila. Naging katuwaan na sila ng lahat ng katrabaho namin dahil nakakatuwa silang panoorin magbangayan. Pero napapansin ko lang, mukhang hindi na madalas makapuntos si Dee sa kanya. Minsan ay hindi na s'ya halos makapagsalita kapag kaharap si Dominic. Hhhhmmm....
At dahil panibagong buwan ay panibagong schedule na ako ngayon. Pang-umaga na ang shift ko mula 6 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Tahimik sa umaga dahil walang masyadong customers. Si Kuya Vher na Captain Waiter lang ang kasama ko tuwing ganitong oras. Hindi ko kasama sa shift sina Cha kaya medyo hindi ako sa kanila nakakasama lately.
Alas-kwatro na ngayon ng hapon at kasalukuyan akong nasa River Park ng mga oras na ito. Dito muna ako tumatambay habang nagpapalipas ng pagbaba ng araw. Masyado pa kasing mainit kung ba-byahe ako pauwi ng alas-tres ng hapon. Isa pa, nare-relax talaga ako sa lugar na ito.
Kasalukuyan akong naglalakad-lakad dito at naalala ko nanaman kung paano kami unang nagkita ni Sir Xander sa lugar na ito. Nakakatuwang isipin na ang dating pinagbantaan ko na bubuhusan ng kape ay boss ko na ngayon.
Oo nga pala, naikwento ko ba na nagbago din ang treatment sa akin ni Sir Xander? Mas maayos na ito makitungo sa akin ngayon. At isa sa mga pinagtataka ko ay minsan ako nitong tinatawag na Sir Tom. Nahihiya ako 'pag ginagawa n'ya 'yon kaya minsan ay sinabi kong 'wag n'ya akong tawagin sa gano'n. Alam n'yo ba ang sagot?
"Eh ano naman? Endearment natin 'yon? Ako si Sir Xander at ikaw si Sir Tom."
'Yan! 'Yan ang sagot n'ya. Nagsimula lang naman 'yun nung magkasama kami sa Enchanted Kingdom. Akala ko ay dala lang 'yun ng sitwasyon na nagkakatuwaan kami.
Minsan 'pag may dala s'yang pagkain ay hindi n'ya din nakakalimutan na dumaan sa aming crew room para bigyan kami. Wala naman akong pakialam doon noong una, pero sabi ng mga katrabaho ko nakakapagtaka daw ang mga kinikilos ng boss namin ngayon. Dati-rati raw kasi ay hindi naman ito naliligaw sa crew room at hindi naman daw ito nagdadala ng pagkain para lang ipamahagi sa ibang empleyado. Naging masayahin din daw ito at maalas nang nakikipag-usap sa mga dining staff n'ya. Dati raw kasi ay sa kitchen lang ito madalas makipag-usap. Sabi ko naman, baka gusto lang makipag-lapit sa amin dahil staff pa rin naman n'ya kami. Natuwa naman sila sa bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...