A/N
Pre-finale na mga mahal kong readers!! Enjoy reading! Ihanda ag mga tissue kung may maiiyak man!
:'(----------
TOM POVNgayon ang araw na aking hinihintay. Narito kami sa isang resto bar na nasa Riverpark. Ang park na ito ay ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Xander.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing maiisip ko kung paano ang aming naging unang pagkikita. Noong matapunan ko s'ya ng iniinom n'yang kape. Sino ang mag-aakala na s'ya ang aking magiging boss at magiging malaki ang parte sa buhay ko?
"Tom, tinext mo ba si Kuya kung saan ang venue nitong hinanda mo?" pagbasag ni Daniel sa mahabang pag-iisip ko.
"Oo Daniel. Tinext ko s'ya noong isang araw pa." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Eh ano naman ang naging sagot ng magaling mong boyfriend?!" sarkastikong tanong naman ni Cha.
"Oo daw, pupunta daw s'ya." sagot ko rin sa kanya ng nakangiti.
"Aba! Akalain mo, marunong din palang magreply 'yang boyfriend mo?!" sarkastikong wika pa ni Cha.
"Siguraduhin lang n'yang darating s'ya! Dahil kung hindi, hinding-hindi ka na n'ya makikita pa." seryosong sambit ni Popoy.
"Ano nanaman ang pinaglalaban mo Popoy? Alam kong may pagnanasa ka noon kay bessy ha?! Pero alam mong magkakapatid na lang ang turingan natin. Kaya sana, kinalimutan mo na rin 'yang nararamdaman mo!" sermon ni Cha sa kanya.
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Cha kaya agad kong sinaway ito.
"Ano bang pinagsasabi mo Cha? Mahiya ka nga kay Popoy. Pati ba naman s'ya pag-iisipan mo ng ganyan? Hindi n'ya 'yon gagawin kaya itigil mo na 'yang sinasabi mo." pagsita ko sa kanya.
"Ay ewan ko sa'yo bessy!" tangi n'yang sambit at tinalikuran ako ngunit may mga sinasabi pa ito na hindi ko maintindihan.
Tiningnan ko na lamang si Popoy at nakita kong ibinaling n'ya na lamang ang kanyang tingin sa iba. Nang lingunin ko naman si Daniel ay blangko lamang ang tinging ipinupukol n'ya kay Popoy.
Inabala na lamang namin ang pag-aayos ng lugar. Inupahan ko ang buong bar para sa espesyal na araw na ito. Nagbawas man ako sa savings ko ay hindi naman ako nanghihinayang doon. Espesyal naman ang araw na ito para sa amin ni Xander.
Ginamit ko ang binigay sa akin na savings account ni Papa. Sa totoo lang ay nasorpresa ako sa halagang laman n'yon. Akala ko ay sapat na ang halagang iyon para makatapos ako sa pag-aaral. Pero laking gulat ko nang makita ko ang laman ng bank account ko. Maaari na akong bumili ng sarili kong bahay at sariling sasakyan kung gugustuhin ko. Nagpasalamat na lamang ako kay Papa dahil doon.
Ilang araw rin matapos ang pagpunta namin ni Daniel sa bahay ni Xander ay sinubukan kong magpakatatag. Lagi ko s'yang tinetext at kinakamusta. Hindi ko alintana kung hindi man n'ya magawang sumagot sa mga text ko. Ang mahalaga sa akin ay nasabi ko at pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya kahit sa text lang.
Madalas na rin hanapin sa akin si Xander nina Mama, Papa at Julius. Ngunit wala akong masabi kundi busy ito sa trabaho. Wala silang nalalaman sa nangyayari sa amin ni Xander. Iyon ay dahil....
....umaasa akong magkakaayos pa kaming dalawa. Umaasa akong babalik ang aming magandang samahan.
Si Daniel ang laging nariyan para sa akin. Labis rin akong nagpapasalamat sa kanya dahil wala s'yang sawa sa pag-alalay sa akin. Nahihiya man ako sa kanya ngunit wala na akong makakapitan sa mga panahon na ito. Si Cha naman kasi ay may trabaho. Si Popoy naman ay matagal naming hindi nakasama kaya hindi n'ya alam kung paano nagsimula sa amin ni Xander ang lahat. Tanging si Daniel lang ang may oras ngayon para masamahan ako.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...