chapter 17 - choco butternut

20K 651 63
                                    

A/N

Hi guys! Kain tayo sopas! Bawal daw ang karne ngayon sabi ni madir dahil biyernes santo! -_-

This chapter is dedicated to RonnieMendenilla.. salamat inaanak sa support kay ninang!!

Enjoy chapter 17 guys!

----> si Eunice po sa media.

----------

XANDER POV

Matapos ang mga pangyayari sa pamagitan namin nina Daniel at Tom kagabi ay hindi na rin ako nakatulog ng maayos.

Gusto kong intindihin si Daniel pero sa tuwing naiisip kong si Tom ang magiging kapalit nito ay hindi ko magawang pagbigyan ito.

Aaminin kong nasasaktan ako para sa kapatid ko. Kahit na hindi ko ito kadugo ay itinuring ko na rin itong tunay na kapatid. Naging malayo lang kami sa isa't-isa nang dumating sa buhay namin ang babaeng naging sanhi rin ng pagkawasak naming magkapatid.

Nang mga panahong napalapit kami ni Josephine sa isa't-isa ay ang unti-unti rin n'yang paglayo sa aming lahat. Sinubukan ko s'ya noon kausapin ngunit sa tuwing bubuksan ko ang topic na iyon ay tanging ngiti lang ang ibibigay nito at sasabihing wala lang sa kanya ang lahat. Pero dahil na rin sa nangyari sa pagitan namin nila Tom ay naging sanhi na rin ito ng paglabas ng itinatago n'yang sama ng loob.

Mabait si Daniel kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa mga nangyari.

Simula kagabi ay hindi na ako mapakali sa pag-iisip kung anong nangyari sa kanilang pag-uusap. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil nakita ko ang awa sa mga mata ni Tom para kay Daniel. Natatakot ako na magbago ang desisyon ni Tom na sumama sa akin at ipagpatuloy ang aming relasyon.

Kahapon ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko dahil kasama ko ng buong araw si Tom. Hindi ko naisip kahit minsan na magkakasama kami nito sa pagtulog. Gumising rin ako kinabukasan nang may ngiti sa labi dahil nakita ko ang mukha ng mahal ko na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napaka-inosente nitong tingnan at hindi ko maiwasang gawaran ito ng halik. Panakaw man iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng nag-uumapaw na saya.

Maaga akong pumasok ngayong araw na ito dahil maaga rin akong nagising kanina. Ilang oras lang din ang itinulog ko dahil sa pag-aalala kina Daniel at Tom.

Pumasok din ako ng maaga dahil nagbabaka-sakali akong may makukuha akong balita tungkol kay Tom. Ngunit nang tanungin ko kanina si Charm ay nagawa pa ako nitong sigawan dahil tinatanong ako kung bakit hindi ko ito kasama. Nakalimutan n'ya ata na boss n'ya ang sinisigawan n'ya sa labis na pag-aalala sa best friend n'ya.

Sinubukan kong tanungin sa kanya kung may contact number ba si Tom pero nabigo ako dahil wala pala itong cellphone ngayon. Tanging kay Charm lang s'ya umaasa sa ngayon dahil hindi pa ito nakakaipon para makabili ng bago. Hindi ko rin naman kasi nagawang tanungin si Tom kahapon kung anong contact number n'ya noong magkasama kami. Ang tanga ko lang talaga. Nawawala kasi ako sa sarili kapag kasama ko na s'ya.

Lalo akong nag-alala dahil sa nalaman kong iyon. Paano ako makikibalita kay Tom kung wala kaming communication?

Habang naghihintay ng balita ay nagkulong muna ako dito sa aking office. Hinihintay ko ang huling shift na papasok ngayong araw na ito. Nasa panghuling shift kasi si Tom noong ma-check ko ang schedule ng aking mga staff.

Nakaupo lamang ako ngayon sa swivel chair ko at pinapanood ang video ni Tom na kinuhanan ko noong nagpunta kami ng Enchanted Kingdom. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita ko ang nakangiti nitong mukha sa video. Iba talaga ang hatid ng mga ngiti ni Tom. Kahit paulit-ulit ko itong panoorin ay hindi ko ito pagsasawaan. Pinanood ko itong muli dahil nami-miss ko na s'ya.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon