A/N
Eto na po ang teaser para sa book 2!
Nasa media na rin po ang cover ko para dito.. May idea ba kayo kung anong mangyayari sa book 2 base sa cover na ginawa ko? hehe! comment kung meron man! hahaha!
Sinadya ko rin po pala na hindi muna lagyan ng POV ang TEASER ng Book 2 para iwan kayo ng palaisipan kung sino-sino ang mga character na 'yan.
Magkakaibang eksena din po ang nand'yan na mababasa n'yo sa random chapters. Hehe!
----------
"Bae, tikman mo 'tong niluto ko." wika ko sa kanya habang nakaabang na ang spoon na may pagkain na ipapatikim ko sa kanya.
"Ayoko Bae! Baka kagaya nanaman 'yan ng ginawa mo last time! Baka may sili nanaman 'yan sa loob!" nagtatampo n'yang sambit.
Natawa ako sa naging reaksyon n'ya.
"Hindi na! Promise!" wika kong natatawa.
"Kapag bored ka talaga, ako ang nakikita mo noh?!" inis n'ya pang sambit.
"Hahahaha! Ang cute mo kasi Bae!" natatawa kong balik sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo... Pero sana nabigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.." wika ko sa kanya.
"Para saan pa? Tapos na tayo 'di ba? At isa pa, may kanya-kanya na tayong buhay. Hindi ka man masaya sa buhay mo ngayon, hindi ko na kasalanan 'yon! Pinili mo 'yan kaya panindigan mo na lang!" nakangisi n'yang pagkakasabi sa akin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Patawarin mo kami anak kung kailangan mong isakripisyo ang kaligayahan mo... Patawarin mo kami kung kailangan namin gawin ito..." sinsero n'yang paghingi ng tawad sa akin.
"Nangyari na po ang lahat... Isa pa, para rin naman po sa inyo ang lahat ng ito... Lalo na po sa kanya... Mahal na mahal ko s'ya kaya gusto ko s'yang protektahan..." sagot ko sa kanya.
"Matatapos na rin ang lahat ng ito... Maibabalik mo rin s'ya sa'yo.." muli n'yang wika sa akin.
"Mukhang malabo na po 'yang sinasabi n'yo... Kung doon po s'ya magiging masaya, handa po akong magsakripisyong muli..." sagot ko sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Kamusta ka naman? I guess loser pa rin?" tanong n'yang nakangisi.
"At ikaw? Mmmm... Let me guess! Still a bitch?" tanong kong pabalik sa kanya.
"Well, mas maganda na ang maging bitch! Tingnan mo naman kung ano ang napala ng pagiging bitch ko? Nakukuha ko ang gusto ko!" balik n'ya sa akin.
"Oh c'mon! H'wag kang pakasiguro." pauna kong wika. "Let me give you an advice, 'wag mo s'yang iwan mag-isa ha? Baka magulat ka na lang, magmamakaawa nanaman s'ya sa harapan ko." nakangisi kong balik rin sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Hanggang kelan mo balak magpakatanga? Alam mong hindi ka n'ya magagawang mahalin kahit ganyan na ang estado n'yo." wika n'ya sa akin ng may pag-aalala.
"Hindi ko alam. Hindi naman siguro masama na kahit minsan maramdaman kong may nagmamahal sa akin 'di ba? Alam kong darating ang araw na iiwan n'ya rin ako. Pero kahit ngayon lang, maranasan kong mahalin n'ya kahit huwad lang ang lahat. Alam kong panaginip lang ito, at alam kong bukas magigising din kaming pareho." mahabang sagot ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo! Talagang hindi ka makakahanap ng tunay na magmamahal sa'yo kung patuloy mo lang s'yang susundan! Sa kanya lang kasi ang focus mo kaya hindi mo na napapansin ang paligid mo!" wika n'yang pabalik sa akin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Kelan mo balak sabihin sa kanya ang totoo? Bakit hindi mo pa gawin 'yon ngayon? Pagkakataon mo na 'to!" pangungumbinsi n'ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago s'ya sinagot.
"Ngayon ko pa ba gagawin 'yon? Ngayon pa na nakikita ko na s'yang masaya?" tanong ko sa kanya pabalik.
"At papano ka naman? Ikaw naman ang nahihirapan. Paano na ang kaligayahan mo?" pag-aalala n'ya pa.
"Hanggat nakikita ko s'yang nakangiti, wala na akong mahihiling pa. Kaligayan ko na rin ang nakikita s'yang masaya." sagot ko sa kanya.
----------
A/N
Ayun na nga! Mga patikim pa lang po 'yan sa mga mangyayari sa book 2! Hehe!
Thanks guys! Sana po basahin n'yo pa rin po ang TASTE OF A TRUE LOVE II. Pakihanap na lang po sa profile ko.
Usap na lang tayo doon! Salamuch!
----cold_deee
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...