chapter 8.1 - strawberry cheesecake

23.6K 777 135
                                    

A/N

Hello guys! Magiging 2 parts 'tong chapter na 'to kasi between Dee and Dominic ang half, then kina Tom at Xander naman ang other half. Medyo marami kasi ang mangyayari.

Oo nga pala, salamat sa mga nagbabasa nitong kwento ko. Pero sana vote din kayo every chapter para mas masaya. Hahahaha! Don't forget to comment po, para next chapter sa inyo ko naman ide-dedicate. Thank you!

----> si Dee nga po pala 'yung nasa media.

-------

DEE POV

Magpapakilala pa ba ako? 'Wag na, tinatamad ako. -_-

Nagda-drive ako ngayon papuntang Enchanted Kingdom at sakay ko sina Charm, Ben at Tom gamit ang kotse ko. Ito ang kauna-unahang beses na lalabas kaming magkakasama. Pumayag na din akong sumama dahil bored na din ako sa papanahimik ko.

Nasa tabi ko si Tom habang nasa backseat naman sina Charm at Ben na kanina pa maingay. Hindi ko malaman kung naglalambingan ba ito o nag-aaway. -_-

"Kamote ka! Bakit kasi sumama ka pa?! Narinig mo lang na inimbita ko si Dee kagabi, inimbita mo na din sarili mo! Hindi ba talaga uso sa'yo ang hiya?!" galit na sabi ni Charm.

"Sugar naman.. Sabi ko naman sa'yo babantayan kita 'di ba? Kaya kahit saan ka magpunta, nasa likod mo lang ako. Hehe!" sagot ni Ben.

"Ano ka aso?! Buntot nang buntot?! Pwede ba minsan tantanan mo ang beauty ko?! Hindi na ako magkaka-jowa n'yan 'pag lagi kang nanjan! Isipin pa nila boyfriend kita!" inis na turan ni Charm.

"Eh bakit? Bagay naman tayo ah? Saka Sugar kahit ipagtabuyan mo ako, hindi pa rin ako aalis dito. Mamaya n'yan may manakit pa sa'yo, kelangan andun ako para protektahan ka." nakangiting wika ni Ben.

"Protektahan?! Tingnan mo nga 'yang itsura mo?! Mukhang ikaw pa ang kelangan ng proteksyon eh! Ilagay na lang kaya kita sa sako para talagang protektado ka?!" sigaw ulit ni Charm.

"Hehe! Alam mo Sugar, mas cute ka talaga 'pag nagagalit. Kinikilig ako sa'yo 'pag ganyan ka!" si Ben.

"Ah talaga? Gusto mo makita kung pa'no talaga ako totoong magalit?!" si Charm na bumaba na ng bahagya ang tono. Nakita ko naman si Ben sa rear view mirror ng sasakyan ko na tumango-tango.

"Dee, may lubid ka ba d'yan? Itatali ko 'tong kamoteng 'to sa labas ng compartment mo tapos patakbuhin na natin 'tong sasakyan mo! Kaladkarin natin hanggang makarating tayo ng Enchanted!" at tumaas nanaman ang boses nitong sabi sa akin. Dito na hindi nakatiis ang katabi ko.

"Cha sobra na 'yan ah?! Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig mo. Nananahimik lang ako dito, pero 'pag hindi mo pa tinigilan 'yang pagmamaldita mo uuwi na lang tayo!" banta ni Tom kay Charm. Natahimik naman ito at inambahan na lamang ng suntok si Ben.

Mabuti na lamang at nandito si Tom para awatin si Charm. S'ya lang kasi ang may kakayahan na patahimikin ito. 'Pag si Tom na kasi ang nagalit, parang nagiging maamong cute na tuta na 'tong si Charm.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa aming destinasyon. At tulad ng napag-usapan, kumain muna kami dito sa sasakyan ko para makatipid din sa pera dahil may kamahalan ang mga pagkain sa loob.

Actually, I don't mind kung sa loob kami kakain dahil may pera naman ako. Pero ayaw ko namang pangunahan ang mga ito dahil alam kong hindi rin magiging komportable ang lahat lalo na si Tom. Gusto ko magkakasama kami sa lahat ng bagay at ine-enjoy ito ng magkakasama. Alam ko din na kahit mag-alok pa kami kay Tom ng libre ay tatanggihan din nito. Hindi kasi s'ya mapagsamantalang tao.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon