A/N
hi guys! its been a week and while writing this chapter eh medyo masakit pa ang ulo ko at katawan dahil sa event ng company namin for 3 days.. Almost 3hours lang tulog lahat ng employees namin.. Take note, halos lahat kami kaya wala din ako karapatan magreklamo.. hahahaha! Anyway, here's chapter 2 guys.. Sana mag-enjoy kayo..
-si Tom nga po pala 'yung nasa media. Cute ng dimple noh?!
TOM POV
"Good morning sunshine!" wika ko pagkagising ko. Agad akong pumasok sa banyo namin ng kapatid ko dito sa kwarto para gawin ang morning rituals ko. Hilamos, toothbrush at humarap sa salamin.
"Ang gwapo ko talaga!" wika ko at kumindat sabay ngiting litaw ang dimple! Galing noh?! Ginagawa ko talaga yan araw-araw para good vibes. Positive ako dapat sa simula ng araw, yan ako eh! Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Mama na naghahanda ng almusal.
"Good morning Ma! Anong almusal ang hinanda ng maganda kong ina?" bati ko kay Mama habang naghahanda ng almusal namin.
"Good morning anak! Halika at kumain na. Ayaw kong wala kang kain bago pumasok ng trabaho. Nakakalimutan mo na din kasi yata kumain sa gabi tuwing uuwi ka. Baka magkasakit ka n'yan. Ayaw kong mabawasan ang kagandahan mo." biro n'ya matapos akong bigyan ng plato pagkaupo ko sa hapag.
"Ma naman! tigilan mo na po ako sa kakabiro ng ganyan. Parehas lang kayo ni Cha. Oo nga pala, nasa'n po si Julius?" hanap ko sa aking kapatid.
"Maagang umalis anak, may event daw sa school nila eh. Tinatanong ko nga kung dapat bang kasama ang parents pero ang sabi n'ya ayos lang naman kahit wala. Minsan nagtatampo na ako sa batang 'yun, kasi parang ayaw n'ya akong magpunta sa school n'ya. 'Yung totoo anak, nakakahiya na ba itsura ko ngayon? Pumayat lang naman ako ng konti ah..." nagtatampo n'yang tugon.
"Ma... 'Wag ka na po magtampo. Hindi ka namin ikinakahiya. Ayaw lang namin ng napapagod ka. Kahit naman ako sa kalagayan ni Julius, ganun din ang gagawin ko. Saka ikaw ma?! Hindi kinakahiya ang pinaka-da best na nanay ah! Ang ganda ng Mama namin ni Julius and proud na proud kami sa kanya! Kaya kung anuman ang iniisip mong hindi maganda, alisin mo na 'yan. Ginagawa namin 'yun dahil mahal na mahal ka lang talaga namin." mahaba kong paliwanag sa kanya. Ngumiti ito at sinaluhan na din ako sa pagkain.
"Sige na nga, alam n'yo talaga magkapatid kung paano ako mapapangiti noh?! Araw-araw din ako sinasabihan ng kapatid mo na ang ganda-ganda ko! Minsan parang natutuwa kayo 'pag inuuto n'yo ako." salaysay nito. "Oo nga pala, kamusta ang training mo anak? Maayos naman ba?" dugtong nito.
3weeks na ang lumipas simula ng mag-start ako ng training sa restaurant na pinapasukan namin ni Cha. At isang linggo na lang para makapirma na ako ng contract para maging official na employee na ako dun.
"Ayos naman Ma. Maganda naman ang feedback sa akin ni Manager. Mababait din ang mga ka-work ko doon. Mahirap din ang trabaho pero nag-eenjoy din ako at the same time. Marami din kasi akong natututunan." sagot ko.
"Mabuti naman kung gano'n. Basta 'wag mo pa rin pababayaan ang sarili mo anak ha? Basta 'pag nagkaro'n ng problema, andito lang si Mama para makausap mo." payo n'ya.
"I know Ma, salamat. Pa-kiss nga sa maganda kong Mama!" paglalambing ko. Ganyan kami ni Julius sa kanya. S'ya kasi ang ginagawa naming prinsesa dito sa bahay dahil alam naman namin na bilang isang babae, espesyal din dapat s'yang ituring lalo na at minsan ay sumasagi sa kanyang isipan ang aming mga naging karanasan simula nang iniwan kami ni Papa. Isa pa, deserve nilang mga nanay 'yun dahil sa walang kapantay nitong pagmamahal sa atin.
Matapos kumain ay nagsimula na akong mag-ayos para pumasok sa trabaho. Excited na ako dahil isang linggo na lang matatapos na din ang training period ko. Isa pa, darating din daw ang boss namin mamaya kaya dapat ay maaga kaming lahat lalo na ako dahil bago lang ako. Galing daw ito sa isang branch ng restaurant n'ya sa The Fort dahil may kailangang ayusin sa medyo mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...