chapter 30 - pralines and cream

12.7K 545 219
                                    

A/N

Hey guys! Dalawang chapters na lang po ang natitira! Abang na po tayo sa book 2! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa!

-----------

TOM POV

Narito pa rin kami sa bahay nila Cha at naghahanda para sa aming lakad mamaya. Hinihintay na lamang namin si Cha na matapos sa kanyang pag-aayos. Kasama ko si Daniel dito sa sala nila Cha.

Hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag dahil maya't-maya ay nagigising ako. Paulit-ulit kong napapanaginipan ang mga naging kaganapan kahapon. Ang naging pagtatalo namin ni Xander hanggang sa umalis ako sa condo n'yang iyon. At sa bawat gigising ako ay hindi ko maiwasang matulala at mapaluha.

"Tom, sigurado ka na ba talaga sa mga plano mo?" tanong ni Daniel sa akin.

Kami lang dalawa ang narito dahil si Popoy ay saglit na umuwi sa kanilang bahay para makapagbihis. Dadaanan na lamang n'ya kami dito maya-maya lamang.

"Oo Daniel. Ito ang araw para magsimula ako." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tom, ikaw lang ang inaalala ko. Ayaw kong makita ka ulit sa sitwasyon na gaya ng nangyari kahapon." nag-aalala n'yang wika.

Ngumiti muna ako bago ko s'ya sinagot.

"Hindi na Daniel. Hanggat kaya ko, magpapakatatag ako. Mahal ko ang kapatid mo, at gagawin ko ang lahat para maibalik ang dating samahan namin. Ipaglalaban ko si Xander." sagot ko sa kanya.

"Pero Tom----" pagtutol sana ni Daniel ngunit hindi ko na s'ya pinatapos.

"Isa lang naman ang hiling ko Daniel. Na sana, ipaglaban n'ya rin ako." pagputol ko sa kanya.

Bumuntong hininga si Daniel at tiningnan ako sa mga mata.

"Basta ano man ang mangyari Tom, sasamahan kita. Nandito lang ako." wika n'yang seryoso.

"Salamat Daniel.. Alam kong nagiging abusado na ako sa paningin mo, pero lulubusin ko na rin ang pagtulong mo. Pwede bang samahan mo lang ako hanggat hindi pa natatapos ang laban kong ito?" pakiusap ko sa kanya.

S'ya naman ngayon ang ngumiti bago ako sinagot.

"H'wag mong isipin na pagiging abusado 'yan Tom. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Kagustuhan ko ito. Kaya nga nag-file ako ng leave sa trabaho para masamahan ka 'di ba? Hindi mo na kailangan hilingin sa akin ang bagay na 'yan. Gaya nga ng sinabi ko, nandito lang ako." wika n'yang nakangiti.

Naputol ang aming pag-uusap nang sumulpot mula sa kung saan si Popoy.

"Oy! Anong sinasabi mo kay Tommy?! Baka pati ikaw pinapaiyak mo na rin 'yan ah?! Kayong magkapatid ang sarap n'yo talagang gulpihin eh 'no?!" pagsita n'ya kay Daniel.

"Tumigil ka d'yan! Baka ikaw ang paiyakin ko kapag hindi mo tinigil 'yang bunganga mo kaka-epal!" sagot naman ni Daniel sa kanya.

Aawatin ko na sana sila sa kanilang pagbabangayan ngunit inunahan na ako ng taong nanggaling sa hagdan.

"Manang!!!! Pakawalan n'yo sina Blacky at Brownie!!! Ngayon na!!!" sigaw ni Cha.

"Sige Cha!!!" sigaw naman ni Manang na hindi ko alam kung nasaan.

"Hindi na! Eto na titigil na!" sigaw nina Daniel at Popoy na nag-aalala.

Bumaba na nga si Cha at mukhang tapos na s'yang magbihis.

"Tara na? Ako na lang pala ang kulang." nakangiti nang pag-aya ni Cha.

"Sa akin ka na sumabay Tom." pag-aya ni Daniel.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon