A/N
Yow! sinipag lang ng konte at naisipang mag-update agad-agad.. Hehe.. Eto na,makikilala n'yo na si Xander.. anyway, here's chapter 3 guys.. Enjoy!
dedicated 'tong chapter na 'to kay xPANICx dahil sa story n'ya na The Restroom Love Affair.. 'Yun ang unang bromance na nabasa ko dito sa watty at 'til now nasa top 1 ng favorite bromance story ko s'ya.. Thank you idol sa magandang story na 'yan.. More power po!
-si Xander nga pala sa media.. gwapo ng loko eh..
XANDER POV
Matapos ang pakikipag-usap ko kay Tom sa restroom ay nagpasya na din akong umuwi. Hindi pa rin nakakalabas sa restroom si Tom dahil nasabi ni Charm nung mapadaan ako sa mga empleyado kong naghahanda na'ng umuwi na si Tom na lang ang hinihintay nila para sila ay makauwi na. Marahil ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ko sa CR kanina.
In my 26 years of existence, ngayon lang ako naka-encounter ng gaya ni Tom. Hindi ako sanay ng nasisigawan at hindi ako sanay ng ini-ignore.
Sabi nga nila, I'm almost perfect. Matangkad, moreno, gwapo at may well built na pangangatawan dahil sa regular na pagpunta sa gym. 'Yan ang physical features ko. Matalino din ako at higit sa lahat, mayaman ako. Single ako ngayon dahil simula ng iniwan ako ng nag-iisang babaeng pinag-alayan ko ng panahon, pera at pagmamahal ay wala na akong sineryosong babae na makaka-relasyon.
Bitter ba? Nah! Hindi ko lang talaga nahahanap pa ang taong tatanggap sa akin ng buo kasama ang pinakamamahal kong anak ng walang kapalit. Masyado akong nasaktan ng iwan kami ng babaeng mas priority ang social life kesa ang masayang pamilya.
Single father of a very adorable and beautiful daughter named Carla. She's my life and I can't afford to lose her. She's now 7 years old, and I'm telling you, she's not just a typical kid because she's bright and very smart. Nagmana daw ito sa akin according to Mom. She stays with my Mom and stepdad in Manila since dun talaga kami nakatira. But I have to buy my own condo unit here in Alabang dahil malapit ito sa restaurant ko.
I have a stepdad na British at pareho ko silang mahal ng Mommy ko. My biological father passed away when I was 2 years old kaya wala s'yang remembrance o memory sa akin aside from the surname. I studied in London when I was in gradeschool 'til highschool. But I decided to study college dito sa Pilipinas at dun nagsimula ang pagbabago ng buhay ko.
I met a girl at sobrang head over heels ako sa kanya. Mahal na mahal ko s'ya that time to the point na nagplano akong buntisin s'ya dahil ayokong iwan n'ya ako at 'yun ang naging paraan ko para hindi s'ya mawala sa akin. Naging successful ako sa plan kong 'yon at nabuntis nga s'ya. Galit na galit s'ya noon sa akin pero hindi ko 'yon pinansin dahil mahal na mahal ko nga s'ya. But, when the day came for her to give birth to our child ay kasabay din nun ang pagkawala n'ya.
"Sh*t! That memory again!" wika ko na mahina.
Umuusbong muli ang galit sa aking puso sa tuwing maaalala ko 'yon. Nakarating ako sa sasakyan ko at agad akong pumasok dito. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi pa man ako kumakalma ay nakita ko nang naglalakad ang mga empleyado ko na kalalabas lang ng restaurant namin. Nakita ko si Tom na walang imik ngunit ngumingiti sa tuwing kinukulit ni Charm. Hindi nila ako napansin sa loob ng sasakyan dahil tinted ito at bago pa lamang kaya hindi nila ako mapapansin.
Lumapit sa kotse ko si Charm with an amazement look on her face. Kinabahan ako dahil baka nakita nila ako kahit tinted ito. Ngunit nawala ang kaba ko ng makita kong nag-pose ito katabi ng sasakyan ko at nagpapakuha ng picture kay Tom gamit ang cellphone nito. Well, hindi ko naman masisi si Charm dahil maganda naman talaga ang nabili kong kotse at latest model pa ito ng kilalang sports car. Nakailang pose din si Charm at nakita kong tawa at ngiti lang ang ginagawa ni Tom habang kumukuha ng shots. Hindi ko maiwasan ang titigan ang mukha ni Tom habang ngumingiti. Mayro'ng kakaiba dito na nakakagaan ng pakiramdam. Doon ko lang napansin na ang kaninang galit ko sa pag-alala sa past ko ay tuluyan nang nawala. Hinawakan ko ang aking dibdib. Kumalma na nga at naging normal na ang tibok ng puso ko. Napailing na lamang ako sa biglang pumasok sa isip ko. Tsk! Dala lang siguro ito ng pagod kaya nagkakaganito ako.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...