chapter 22 - rain drop cake

18K 579 60
                                    

A/N

Hi guys! Gusto ko lang sabihin na malapit na ang ending nito. Ilang chapters na lang po ang natitira. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. :)

----> si Tom po sa media.

----------

TOM POV

Mabilis na lumipas ang araw at linggo. Masasabi ko ring naging napakasaya nito.

Una ay nang i-celebrate namin ni Xander ang aming 2nd monthsary. Kung noong unang monthsary namin ay naging masaya ito kahit nasa bahay lang n'ya kami, mas naging masaya naman ang ikalawang buwan namin.

Dinala ako ni Xander isang umaga sa Antipolo kung saan nagsimula sa amin ang lahat. Nagkataon na restday ko ang araw ng aming 2nd monthsary kaya naging magandang pagkakataon iyon para kami ay lumabas. Ito ang lugar kung saan namin dapat ipagdiriwang ang aming unang buwan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay naospital naman ako at kailangan kong magpahinga na lamang ng araw na iyon.

Inihinto n'ya ang kanyang sasakyan sa lugar kung saan una n'yang ipinagtapat ang kanyang nararamdaman para sa akin. Nagatataka man ay sumunod na lamang ako sa kanya nang bumaba s'ya sa kanyang sasakyan. Naririto kami sa mataas na lugar na ito kung saan makikita mo ang buong siyudad ng Antipolo.

Napakagandang tanawin at presko ang hangin. Tahimik lamang akong nakatanaw sa mga kabahayan sa ibabang bahagi ng aming pwesto.

Ilang saglit pa ay nagulat ako nang may kumalabit sa aking likod.

"Kuya..." wika ng isang batang lalaki sa aking likuran.

Nilingon ko ito at binigyan ng isang ngiti.

"Yes?" tanong kong nakangiti.

"Para po sa'yo." wika naman n'ya sabay abot ng isang piraso ng sunflower.

"Ha?" ang nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"Para po sa'yo." muli nitong wika at mas lalong inilapit sa akin ang bulaklak.

Tinanggap ko na lamang iyon sa halip na makipagtalo kahit na nagtataka pa rin.

Nilingon ko si Xander sa kanyang pwesto kanina para sabihin ang bagay na iyon. Ngunit laking pagtataka ko nang wala na ito roon. Inilibot ko ang aking mata sa paligid upang hanapin s'ya ngunit bigo ako. Tanging mga taong namamasyal nang umagang iyon ang aking nakikita.

Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa upang hanapin s'ya nang may bigla nanamang kumalabit sa akin.

"Kuya.." wika nanaman ng isa pang bata.

Paglingon ko ay nakita ko ang isa nanamang bata na may hawak ulit na sunflower.

"Para po sa'yo." wika rin nito at iniaabot ang pangalawang sunflower.

Hindi na ako nagtanong at agad na tinanggap ang bulaklak na iyon.

"Salamat." wika kong nakangiti sa kanya.

Ngunit ang akala ko ay doon na iyon matatapos. Magkakasunod na mga batang may hawak na sunflower ang isa-isang lumapit sa akin at iniabot ang mga iyon. Tanging pagngiti at pasasalamat na lamang ang namutawi sa aking bibig ng mga oras na iyon.

Matapos kong matanggap ang huling bulaklak ay umalis na ang mga bata. Nag-iisa na lamang ako sa lugar na iyon na puno ng katanungan sa aking isip.

Ilang sandali pa ay naalala kong hinahanap ko nga pala ang taong nagdala sa akin sa lugar na ito. Inilibot kong muli ang aking mata ngunit hindi ko pa rin s'ya makita. Hawak ko pa rin ang hindi ko mabilang na sunflower sa aking kamay at akmang hahakbang na sana akong muli ay bigla naman akong natigilan dahil sa isang tinig mula sa aking likuran.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon