A/N
Hello readers! Nandito na po tayo sa part na mag-uumpisa na ang inaabangan ng lahat. Confusion and realization ang mga susunod na chapters. So enjoy reading po! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito kahit silent readers kayo.. Hehe!
Dedicated po itong chapter na ito kay YorTzekai dahil sobra akong kinikilig sa mga ginagawa n'yang stories. Continue inspiring people and writing good stories idol!
----> si Xander po sa media, pa-kiss nga!
--------
TOM POV
Tatlong linggo na ang lumipas nang malaman kong ako ang representative ng aming branch para sa presentation na gagawin sa darating na Thanksgiving Party ng aming company.
Tuwing matatapos ang shift ay nagpa-practice kami ni Lizzy sa aming sayaw na gagawin. Noong una ay naiilang at nahihiya ito sa akin dahil lalaki ang kapareha n'ya at medyo intimate ang aming choreography. Kaya wala akong choice kundi aminin na isa akong bisexual para mapakalma ito kahit papaano. Nagtagumpay naman ako sa bagay na 'yon dahil nawala ang pagkailang nito at naging maayos ang aming pag-eensayo.
Pero hindi ko akalain na maike-kwento n'ya ito sa aming mga katrabaho. Kung sabagay, hindi ko naman nasabi sa kanya na ilihim na lamang iyon. Hindi naman sa nahihiya ako sa sarili ko, ayaw ko lang na napag-uusapan at kinukulit ng mga nakakaalam. Maganda na rin iyon dahil wala naman akong narinig na negative feedbacks tungkol dito.
Sa tatlong linggo na iyon ay si Daniel ang nakakasama ko, pang-umaga din kasi ito. Ewan ko ba, ang sabi n'ya ay may mga sisimulan s'ya ngayong pang-umaga na ang shift n'ya pero lagi naman itong nakabuntot sa akin. Ano naman ang masisimulan n'ya kung lagi s'yang nakadikit sa akin? Kahit sa practice namin ni Lizzy ay nakabantay din ito. Inihahatid din ako nito sa bahay at nakilala n'ya na din sina Mama at Julius na kapatid ko.
Sa mga nagdaang linggo din ay hindi na din ako pinapansin ni Sir Xander. Hindi ko maikakailang nalulungkot ako sa nagyayari dahil ang alam ko ay wala kaming naging problema nito. Hindi naman ito nagbago ng treatment sa mga katrabaho ko, sa akin lang talaga s'ya umiiwas. Hindi din ako nito tinatapunan ng tingin lalo na kung kasama ko si Daniel.
Kung may naging pagbabago man dito ay ang madalas nitong pagsama kay Ms. Eunice na aming customer sa restaurant. Kung minsan ay sa lunch sila magkasama, at kung minsan naman ay dinner. Lumalabas sila at marahil ay doon na din kumakain. Masaya silang nagkekwentuhan at lagi kong nakikitang nakaalalay sa bewang nito si Sir Xander. Hindi ko alam kung anong relasyon nila pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Sumasakit ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Tila nagbalik kami sa aming simula at wala kaming naging masasayang pinagsamahan.
"Bessy ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Cha.
Naririto kami ngayon sa park kung saan una kong nakilala si Sir Xander. Restday n'ya ngayon at nagyaya gumala matapos ang aking shift. Naimbitahan din kami ni Daniel na pumunta sa bahay nila para sa dinner. At dahil maaga pa at alas-kwatro pa lamang hapon ay dito muna kami tumambay.
"O-okay lang naman bessy. Bakit mo natanong?" sagot ko sa kanya.
"Eh kasi bessy kanina pa ako dito nagsasalita pero tulala ka lang d'yan at walang reaksyon." nagtatampo pa nitong sabi.
"May iniisip lang ako bessy. Pasensya na." wika ko dito.
"Si Sir Xander ba?" bigla n'yang tanong.
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...