A/N
Hi guys! Kung meron man pong naputol ang first half ng story ko or 'yung chapter 8.1 pasensya na. Mahina kasi ang internet connection ko. Baka ibinenta nanaman ng kapatid ko ang password sa kapitbahay kaya naagawan na ako. -_-
Anyway, eto na po 'yung moment ni Tom at Xander. Enjoy guys!
----> si Dominic po sa media. Hehe! Crush kasi 'yan ni author kaya s'ya ang napili ko and ginamit talaga ang real name n'ya.. emegesh!
----
XANDER POV
Narito na nga kami sa Enchanted Kingdom and as expected, umandar nanaman ang kadaldalan ng kaibigan kong si Dominic. Hindi ko naman ito masisi dahil ang akala nito siguro ay sa isang lugar kami pupunta na may kinalaman sa pambababae. Ubod kasi ang hilig nito sa mga ganung bagay. Sana lang ay makakilala ito ng katapat n'ya para hindi na ito lalaking pariwara.
"Tangina brad! Ano 'to?! Bakit nandito tayo?! Enchanted Kingdom ang pucha! Ano tayo? Bata?!" paumpisang reklamo nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin dahil wala akong oras para magpaliwanag sa kanya. May mas importante akong pakay sa lugar na ito.
Nagsimula na lamang akong magpalinga-linga sa entrance ng amusement park na ito at baka sakaling makita ang pakay ko.
"Hayaan mo na 'tol. Baka naman may malaking dahilan kaya 'yan nagyaya dito." si Rigo na ang sumagot at nagtanggol sa akin. Mabuti at sinamahan s'ya ng pinsan n'yang matino para pakalmahin s'ya. Hindi pa rin ako umimik dahil abala pa rin ako sa paghahanap.
"Tara na, pasok na tayo." tangi kong nasabi at nagpunta na sa bilihan ng ticket dito.
Matapos magbayad ay dumerecho na kaming apat sa loob ng amusement park na 'yon. Hindi pa rin ako umiimik at nagpapalinga-linga lang sa paligid. Lakad dito at lakad doon ang ginawa namin.
"Ano pare?! Hinahanap mo ba Carousel para sumakay sa kabayo? Tangina brad! Hindi ko alam na ganito ang trip mo! Kung alam ko lang binigyan na kita ng ticket papuntang Disneyland nung birthday mo!" pikon na sabi ni Dominic. Hindi ko pa rin ito pinansin. Alam kong mamaya lamang kung makita na namin ang hinahanap ko ay mapapakalma din ang babaerong ito.
"Ang dami mong sinasabi! Sumunod ka na lang. Sigurado ako mamaya matutuwa ka din!" malapit na din akong mapikon.
Ang laki naman kasi ng lugar na ito. Hindi ko naman pwedeng kontakin ang isa sa mga miyembro ng grupong hinahanap ko dahil baka mahalata ako ng mga ito lalo na nitong mga kaibigan ko.
"Matutuwa? Saan banda? Sa babaeng gansa sa Swan lake na rides habang nakasakay ako sa kanya?!" pagngangawa pa rin nito. Hindi pa rin ako umimik dahil busy pa rin ang mata ko sa paghahanap sa grupong iyon.
Hanggang sa naisipan kong huminto muna at sumunod naman sila. Baka napapagod na din kasi sila eh. Nagbubunganga pa rin si Dominic pero walang pumapansin sa kanya.
"Arekup!"
"Sorry."
Dinig kong sabay na sabi ni Dominic at isang babae.
Nilingon ko ang mga ito at nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap na grupo. Napangiti ako ng palihim.
'Nakita ko din kayo sa wakas!'
wika ng isip ko.
"Ta-e." sabi pa ni Dee nang makilala kung sino ang nabangga n'ya.
"O-M-G!! Fafa Rigo!! Whacha doin' here??!!!" biglang sulpot ni Charm mula sa likod ni Dee. Nakita ko din si Ben na kasunod nito at sa wakas, nakita ko na din ang talagang pakay ko...
BINABASA MO ANG
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
Romance[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kon...