chapter 23 - soufflé

18.4K 584 206
                                    

A/N

Ok, here's the continuation of chapter 22 na nabitin guys!

Enjoy reading!

---->si Xander po sa media.

----------

XANDER POV

"Let's go! Everyone is waiting for us." wika ko sa kanya.

"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong naman n'ya sa akin.

"Basta! Malalaman mo rin maya-maya." tangi ko namang sagot.

Hinawakan ko s'ya sa kanyang kamay at hinila papunta sa lugar kung saan nakahanda ang aking sorpresa para sa kanya.

Narating namin ang pavilion ng resort at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Eh wala naman tao dito ah? Ang dilim-dilim." sambit ni Tom.

"Maghintay ka lang." tangi kong sagot.

Mula sa aming kinatatayuan ay may isang bagay sa isang sulok na unti-unting nagliwanag. Kasunod ng liwanag na iyon ay unti-unti rin itong lumapit sa amin hanggang sa huminto ito dalawang metro mula sa aming kinatatayuan. Hindi pa rin namin maaninag ang mukha ng taong may hawak ng ilaw na iyon. Umalingawngaw ang isang masayang tugtog sa pavilion na iyon hudyat ng aking sorpresa para kay Tom.

"Happy birthday to you..

Happy birthday to you..

Happy birthday, happy birthday...

Happy birthday to you!!"

Nagliwanag na ang paligid at nakita ko kung paano nanlaki ang singkiting mata ni Tom. Naibuka rin n'ya ang kanyang bibig sa labis na pagkasorpresa.

Nasa gitnang bahagi ng pavilion na iyon ang lahat ng aming mga kasama sa trabaho at masayang ipinagpatuloy ang pagkanta habang pumapalakpak pa.

Sa aming harapan naman ay ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ni Tom. Hawak ang cake na may nakasinding kandila.

"Mama?! Julius?!" gulat na sambit ni Tom.

Natapos ang kantang para kay Tom bago nakapagsalita ang dalawang tao sa kanyang harapan.

"Happy birthday anak!" bati ni Mama Lita sa kanya.

"Happy birthday Kuya!" bati rin naman ni Julius.

Nakita ko kung paano naiiyak si Tom sa sorpresa namin itong sa kanya.

"Salamat Ma, salamat Julius." ang naiiyak nitong sambit.

"H'wag ka sa amin magpasalamat Kuya. Kay Kuya Xander dapat. S'ya ang may pakana nitong lahat." nakangiti namang pagsagot ni Julius.

Tiningnan ako ni Tom at hindi nakaligtas ang luha ng kaligayan sa kanyang mga mata. Agad itong bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay at naging mabilis ang pangyayari nang yakapin ako nito. Mahigpit at damang-dama ko ang kaligayahan n'ya ng mga oras na iyon. Ginantihan ko rin ito at nagsalita.

"Happy Birthday Master!" buong pagmamahal kong bati sa kanya at hinalikan s'ya sa ulo.

Halos hindi nito mabigkas ang mga gusto n'yang isagot sa akin.

"S-salamat.... Salamat... Maraming salamat M-master.." paulit-ulit n'yang wika.

"Wala 'yon, basta para sa'yo." nakangiti kong sagot dito.

"Oy! Mamaya na ang lambingan! Blow the candle and make a wish na!" ang biglang pagsigaw ni Charm habang naka-microphone.

Nagtawanan naman ang lahat at agad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Tom. Pinunasan n'ya rin ang kanyang mga luha bago hinarap ang cake na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Mama Lita at Julius.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon