FINALE - banana split

20.2K 698 586
                                    

A/N

Eto na! Finale na ng book 1 guys! After po ng chapter na ito, kasunod po nito ang teaser ng book 2! Usap tayo doon! Enjoy! :))

Dedicated nga pala 'tong FINALE kay johngreeg! Special 'di ba? S'ya kasi ang kauna-unahang tao na hindi ko kilala ng personal na nag-comment sa isinulat ko. Super na-appreciate ko 'yon. Salamat ulit! :))

----> paki-play na rin po 'yung nasa media habang nagbabasa kayo ng buong chapter. Much better kung may downloaded na kayong song na 'yan tapos i-single repeat n'yo na lang po para tuloy-tuloy as pag-play. suggestion lang naman po 'yun para feel na feel n'yo ang chapter na 'to. d'yan po kasi nanggaling ang emosyon ko habang nagbabasa. Hehe!

song title: I love you goodbye
by: juris

----------


DANIEL POV

Matapos ang ilang araw at gabi mula nang dapat ay masayang monthsary nila Tom at Kuya Xander ay nanatili si Tom sa aking condo.

Hindi ko s'ya makausap ng maayos dahil lagi lamang itong tulala. Minsan ay pinipilit ko pa itong kumain dahil kitang-kita na ang malaking pagbabago ng kanyang timbang. Nanlalalim na rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak at hindi pagtulog ng maayos.

Ako na rin ang nakikipag-usap kina Tito at Tita para ipaalam na nasa pangangalaga ko si Tom ngayon. Pilit man nila akong pinapaamin kung ano ba ang nangyayari kay Tom ay pinili ko na lamang na sabihing maayos naman s'ya. Nagi-guilty na nga rin ako sa pagsisinungaling sa kanila ay wala akong magawa. Nakikiusap sa akin si Tom na h'wag ipaalam sa kanila ang nangyayari sa kanila ni Kuya Xander.

Apat na araw na ang lumipas ngunit tila ba walang kapaguran si Tom sa pag-iyak. Minsan ay dumalaw sina Charm at Ronnie dito sa aking bahay ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig upang sagutin ang mga katanungan nila. Inintindi na lamang nila ang kalagayan ni Tom. Nakiusap na lamang sila sa akin na bantayan si Tom.

Ilang beses na rin s'yang tinawagan ni Kuya Xander at nakikiusap na makipagkita sa kanya. Ngunit hindi n'ya magawang magsalita sa tuwing nasasagot n'ya ang tawag nito. Tanging pag-iyak lamang ang nagagawa n'ya sa tuwing naririnig n'ya ang boses ni Kuya sa kabilang linya.

Hindi namin ipinaaalam kay Kuya kung nasaan ito ngayon. Maging ang kanyang mga magulang ay sinabihan ko na h'wag sasabihin kay Kuya na nasa bahay ko ito dahil na rin sa pakiusap ni Tom. Nagtataka man sila ay sinabi ko na lamang na may inihahanda kasing sorpresa sa kanya si Tom kaya hindi nila pwedeng sabihin kung nasaan s'ya ngayon. Nagsinungaling nanaman ako ngunit sinusunod ko na lamang ang pakiusap ni Tom.

Ngayon ay tulala nanaman si Tom at nakaupo lamang sa aking terrace habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada mula sa baba ng aking condo.

"Tom..." pagtawag ko sa kanya nang ito ay lapitan ko.

Dala ko ang kanyang pananghalian dahil hindi nanaman n'ya nagawang kumain ng almusal kanina.

Hindi n'ya nanaman ako nagawang sagutin. Nanatili s'yang nakatingin sa baba ng building na iyon.

"Tom... kumain ka na. Hindi ka nanaman nag-almusal kanina." pakiusap ko sa kanya at inilapag ang pagkain sa mesang nasa harap ng kinauupuan n'ya. Umupo na rin ako sa kabilang upuan.

"Daniel..." tawag n'ya sa akin ngunit hindi ako nilingon.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Tumawag sa akin si Chef Randy kanina lang." wika n'yang mahina sa akin.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon