chapter 24 - macadamia brittle

20K 566 179
                                    

A/N

Eto po 'yung eksena matapos ang love making o BS nila Tom at Xander na sinadya kong hindi ilagay dito. May mga readers din po kasi na mas prefer na hindi mabasa ang maseselan na eksena.

Para po sa mga gustong mabasa iyon, kailangan n'yo po muna akong i-follow at makikita n'yo na po sa works ko ang 'RESTRICTED CHAPTER' doon. Salamat. :))

This chapter is dedicated to RonnieMendenilla.. Eto na 'yon inaanak! Hahaha!

----> si Tom po sa media.

----------

XANDER POV

Habang pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Tom ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko lubos akalaing naganap kagabi ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ipinagkatiwala sa akin ni Tom ang kanyang sarili at buong puso n'yang ipinaramdam sa akin ang kanyang pagmamahal.

Narito kami sa aming kama sa kwartong nakalaan sa amin dito pa rin sa isang resort sa Batangas. Kitang-kita ko ang pagod kay Tom sa kanyang pagtulog. Sino ba namang hindi mapapagod kung ilang beses namin 'yon ginawa?

Tanging mahihinang paghilik ang naririnig ko sa kanya ngayong umaga. Nauna akong gumising sa kanya kaya sinasamantala ko ngayon na titigan ang maamong mukha ng mahal ko. Ang sarap kagatin sa pisngi ni Tom habang patuloy ko s'yang pinagmamasdan.

At dahil nga sa hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko ay hinalikan ko ang nahihimbing kong mahal sa kanyang labi. Marahil ay naramdaman n'ya iyon kaya unti-unti n'yang naidilat ang kanyang mga mata.

"Good morning.." malambing kong wika sa kanya.

Muli kong nasilayan ang ngiting nagpabihag sa aking puso. Ang ngiting gusto kong masilayan bawat araw at ang ngiting hinding-hindi ko pagsasawaan.

"Good morning...." nakangiting sagot ni Tom.

Muli n'yang ipinikit ang kanyang mga mata ngunit nanatili pa rin s'yang nakangiti. Gahd! Para s'yang anghel sa ayos n'yang iyon.

"Gising na Master.. Umaga na oh.." masuyo kong paggising dito at hinawakan s'ya sa mukha.

Sa halip na sumagot ay yumakap ito sa akin at pilit na isiniksik ang kanyang mukha sa aking kili-kili. Mabuti na lamang at wala akong kiliti doon. S'yempre, ginantihan ko rin iyon ng yakap.

"Mamaya na... Inaantok pa ako Master..." malambing n'yang wika.

Hindi ko mapigilang matawa sa kanyang sinabi. Pagod nga talaga ang mahal ko at kulang pa naman talaga kami sa tulog kung tutuusin.

"Kung pwede nga lang na dito na lang tayo maghapon sa kwarto Master, walang problema sa akin. Mas gusto ko nga 'yon eh. Kaso nagtext na sina Mama Lita na nag-aalmusal na sila." pagkumbinsi ko naman sa kanya.

Sa totoo lang ay ang text ni Mama Lita ang nagpagising sa akin kanina. Sinabihan ko na lamang s'ya na natutulog pa ang anak n'ya kaya maya-maya na lang kami susunod sa kanila. Wala naman sa kanyang problema at sinabihan pa akong hayaan na lamang magpahinga si Tom. Pero ayaw ko rin naman na maghintay sila Mama ng matagal sa amin.

"Oo nga pala... Sige, 5 minutes na lang... Inaantok pa kasi talaga ako..." malambing n'ya pang pakiusap.

Muli nanaman akong natawa dahil ang cute n'ya talaga ngayon sa ginagawa at sinasabi n'ya.

"Ikaw naman kasi, ang wild mo kagabi." bulong ko sa kanya.

Hindi s'ya sumagot sa sinabi ko ngunit naramdaman ko na lamang ang hapdi ng kanyang kurot sa aking bewang.

TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon