chapter 17: Unforgettable

62.7K 752 15
                                    


Chelsea jamison pov ..


Tinitignan ko ang bawat nadadaanin namin. Balak kasi namin ngayon ay mamasyal dahil masyadong akong bored. Kapag nasa bahay lang kami ay hindi ko ma-eenjoy ang laguna dahil paniguradong magchokshakshenes kami buong maghapon baka mabaog ako nun...



" Saan ba tayo pupunta?" imik ko

"Secret."

Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya. So, may secret na siya nalalaman ngayon?

Napahalukipkip nalang ako sa upuan ko. Napatingin ako sa bintana ng kotse ng tumigil na ito. Ano gagawin namin dito?

Bumaba siya at pumunta siya sa gilid ng kotse upang pagbukasan niya ako. So, gentlemen hmmm..

" Ano gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya at napatingin ako sa kanya ng narinig kong bumingisngis siya.

Problema nito ?? Tsk crazy ..


" Walk!" Simpleng sagot niya

Nababaliw na ba siya maglalakad lang? Siraulo.


" are--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nung bigla niya ako hinigit.

Napabuntong hininga nalang ako sa ginawa niya at wala sa sarili na nagpahigit. Wala na ako magagawa sa gusto niya.

Tumigil lang kami ng nakapasok kami sa loob. Its crowded. Marami din ako nakikitang mag-couple.

Napatingin ako sa nakaupo na magkasintahan sa fountain. Nagsusubuan kasi sila ng ice cream. Pakiramdam ko nakangiti na ako sa kanila. Ang sweet lang kasi nilam

Napatingin ako sa katabi ko na kasalukuyan magka-holding hands pa kami habang naglalakad. Ang sarap sa pakiramdam. Naramdaman ko pinisil niya ang aming mga kamay.

Nakaramdam ako ng kaba ng tignan niya ako. Bakit parang bumagal ang pagkorte ng kanyang mga labi ng ngumiti siya?

Napatingin ako sa suot niya. Naksuot siyang green V-neck and jagger. Sa totoo lang ang porma niya tignan.

Simple dress lang ang sinuot ko at syempre reen din para couple din ang dating. Sabagay couple din naman kami.

Napataas ang kilay ko ng maraming tumitingin sa katabi ko pero binalewala ko iyon dahil gusto ko i-enjoy ang lahat. Gusto ko sana palagi nalang ganito.

Walang iniisip at problema. Palaging masaya

Umiwas ako ng tingin at kumuha ng pagkakataon para huminga ng malalim. Naalala ko kasing absent nga pala kaming dalawa. Wala pa naman tumatawag sa'kin. Hinahanap kaya nila ako? Sana maging maayos lang ang lahat kapag nakauwi na kami ni Novem.

Mahigit kalahating oras na kami dito sa paglilibot at nagdecide kami sa ibang lugar naman .. Medyo napagod din ako hindi man lang kami kumain .

Hay kuripot ..



Tumigil ulit ang kotse sa isang lugar at napalaki ng mga mata ko. Wow...!! Shit .... Ayieeh .. Enchanted kingdom!!!!

Agad agad ako bumaba hindi ko alam kung nakababa siya o hindi but I don't care about him! Dahil mas excited ako ngayon maglibot.

" Hoy, baby faster!! " bungad ko agad sa kanya ng nakita ko kababa niya palang sa kotse.

Nakangiti lang siya sa'kin..

" Easy baby !! Hahaha " natatawa niyang sinabi.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at hinila agad siya sa kinatatayuan niya.

Una kaming sumakay sa carousel at wala naman masyadong tao kaya okay na okay dahil walang ng pila para bumili ng ticket.

Nakakatuwa na ngayon lang ulit ako makakapunta sa lugar na ito.

" Baby?" imik niya.

"Hmm" imik ko rin habang nakasakay kami sa carousel busy kasi ako sa mga moment ngayon dahil gusto ko kasi i-enjoy ngayon.

" You're very excited, huh?"

Agad ako lumingon sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

" Ofcourse baby!"

Madami kaming sinakyan at halos lahat yata sinakyan namin, maka bump car ,caterpillar at lahat games.

Naisipan namin magpahinga muna at kumain. Bigla akong napatingin sa bilog nanapakataas ang.. Ang ... What the!! I'm very excited !! Hindi ko pa natatapos kumain ay hinila ko agad siya.Napailing siya sa kinilos ko at sumunod nalang.

Hindi ko na kaya maghintay pa at sumakay na kami sa ferris wheel.

Nakasakay na kami at tumitingin lang ako sa pintuan kung saan pwede sumilip sa baba dahil pataas ng pataas na.

" Baby ??" Imik niya ulit. Napatingin ako sa diretsyon niya at pansin ko hindi siya masyadong umiimik simula kanina.

" Yes, what is it?"

"Are you happy?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. Ofcourse, ano ba ini-expect niya? Pero bakas sa mukha niya ang mapupungay niyang mata.

" Sobra! This is my unforgettable moment!" nakangiti kong sabi sa kanya.

" Thank you!!"

" For wha?" takang tanong ko sa kanya. Masyadong seryoso ang kanyang itsura. Kanina lang masaya siya at bakit ngayon parang may problema?

" Thank you for spending my time with me " he smiled sweetly.

Hindi pa ako nakaimik sa naging sagot niya. Basta ngayon nararamdaman ko ay sobrang saya ko rin na para bang walang makakapantay at makakahihigit pa.

Siya kasi ang first time na nagdala sa'kin kung saan saan. Hindi kasi ako nakakatagal sa mga lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng pansin kong unti-unti niya nilapit ang kanyang mukha sa'kin. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.

Pinikit niya na kanyang mata at naramdaman ko nalang kanyang malalambot na labi lumapat sa'kin. His kisses was full of carefull. Na para bang walang pakialam sa oras dahil sa sobrang hinhin nito. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam.

Wala ng makakapalit dito.

SEDUCING THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon