Last chapter : UNTIL THE END

40.9K 529 79
                                    


Chelsea POV

Sobrang sarap sa pakiramdam na nandito na siya sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang gagawin ko lalo na nasa harapan ko na siya. Nawala lahat ang sakit na naramdaman ko ng halikan niya ako kanina ..

Nang malaman ko ang totoo  kay Leanne ay nabuhayan ako ng loob para ipaglaban si Novem at hindi na ituloy ang kasalan ito.

Ngayon ko lang napagtanto na ito pala ang tinutukoy ni Mom na paghandaan ko pero bakit?

Bakit hindi siya maging masaya para sa'kin dapat nakahanap ako ng katapat ko? Bakit Kung sino pa ang magulang  na dapat palaging nagsuporta para sa kaligayahan mo siya pa ang natutol sa lahat ng kaligayahan mo ...

Kaya nagiisip ako ng paraan kung paano ako tatakas sa  mga guard ni Mommy .. Pero nagulat ako ng biglang dumating si Novem at pinagsusuntok ang mga guard na iyon ..

Nang  halikan niya ako ay puno ng sabik ang naramdaman ko ...

Pagkahiwalay palang ng labi namin parang ayoko na matapos ang halik na iyon.

Napangiti ako ng hawakan niya ang pisngi ko .

"Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss.."

"Novem"


Hindi ko napigilan na yakapin siya ... Siguro ito na ang pinakamasaya sa lahat ng araw ko sa mundo. Sana wala na katapusan ito.

"Fuck, ang ganda mo ngayon .."
Rinig ko'ng sabi niya hindi ko napigilan mapatawa sa sinabi niya ..

"Yeah, I know ..''

Pagkasabi ko sa kanya agad niya ako niyakap ng mahigpit at naramdaman ko binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Namiss ko ang yakap niya ..

"Sorry baby hindi ko intensyon na saktan ka !!"

Umiling naman ako kahit hindi niya nakikita.

"Hindi .. Wala kasalanan alam ko naman ginawa mo iyon para sa'kin .."

Nang marinig niya ang sinabi ko agad siya kumalas sa pagkakayakap sa'kin at marahas ako tinitigan ...

"Alam mo? Hindi ko naman gusto na hiwalayan ka .. Kung hindi lang ako naipit sa sitwasyon iyon ... Mahal na mahal kita Chelsea hindi mo lang alam kung gaano ako nagdusa ng mawala ka dahil lang iyon sa deal namin ng Mommy mo kung hindi daw  kita hihiwalayan ipapakulong ka daw at kukunin niya lahat ang meron sa'min kaya sorry!."

Nagulat ako sa sinabi ni Novem seriously  magagawa lang iyon ni Mom.

Napakasama niya.

Tinitigan ko lang si Novem ...at hiwakan ang pisngi niya ..

"Naiintindihan ko Novem kaya huwag ka na magalala nandito ako.. Sasama ako kahit saan kahit sa langit pa basta mahal na mahal kita. "

Kaagad sumilay sa kanya ang isang magandang ngiti at hindi ko sinasadyang mapantingin sa side morror ng sasakyan ni Novem ..

Napalaki ang mata ko ng makita ko si Mommy ...


"Novem nandiyan na si Mom.. "

Nagulat naman si Novem ng sabihin ko iyon at napatingin din sa salamin ng sasakyan niya.

Maya-maya hindi ko napansin na may kumakatok sa salamin ng sasakyan  ..

"Novem yung guard ni Mom"

SEDUCING THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon