chapter 41:Graduation

29.8K 437 7
                                    


Chelsea POV..

Nakahinga naman ako ng maluwag at natapos rin ang napahirap na exam at mahabang pagpractice para sa graduation ..

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin .. Hindi ko sinasadyang mapahawak sa tiyan ko .. Medyo masikip na'rin ang uniform ko ..

Hinihimas-himas ko ang tiyan ko upang maramdaman ko ang baby sa loob .. Alam ko'ng hindi pa siya lubos na buo pero masaya ako dahil magiging nanay na ako ..

Nakakalungkot lang dahil pagkatapos nangyari ng isang buwan hindi na pumapasok si Novem kaya hindi ako makakuha ng pagkakataon kausapin siya ...

"Baby kamusta na kaya siya .. Pupunta kaya siya sa graduation?"

Umiling lamang ako tsaka inayos ang aking sarili para makababa na ... Hindi ko alam kung sasama si Mommy and Daddy ... Ano ba pakialam nila ? Nang bata pa ako hindi sila dumadalo sa kahit na ano'ng meeting school .. Graduation pa kaya?

Tahimik lang ako nakaupo sa backseat habang papuntang school .. Siguro ngayon na din tamang oras para sabihin ko kay kenizke na hindi ko magpapakasal sa kanya ...

Pagkarating palang namin sa venue ng graduation namin ang dami ng tao .. Hindi ko naman masisi ang school na ito dahil kasama ang mga kamag-anak ng bawat students ...

"Hey chelsea ang ganda mo naman ngayon .."

Sinamaan ko ng tingin si kenizke dahil madalas siya'ng nasulpot bigla ... Pero kailangan ko sabihin sa kanya na hindi ako magpapakasal sa kanya ...

Huminga muna ako ng malalim bago ako magbitaw ng salita sa kanya ..

Pero nahagip ng paningin ko ang taong matagal ko na hinahanap ng mata ko .. Nandito na siya ...

"Teka lang kenizke "

Mabilis ako naglakad patungo sa kanya at hindi ko na inantay kung ano pa sasabihin ni kenizke ..

Nang malapit na ako sa pinaroroonan niya .. Sumilay sa aking mukha ang isang magandang ngiti ... Pero nawala din agad sa aking mukha ang magandang ngiti na iyon ..

Sa pangatlong pagkakataon nasaktan nanaman ako sa nakita ko .. Palagi nalang ba ganito ang set-up ko sa tuwing nakikita ko siya ...

Napakagat ako ng labi upang mapigilan ang mga luha ko .. Ayoko umiyak sa public place na ito .. Magmumukha lang ako'ng mahina sa harap ng maraming tao ...

Ang bigat lang sa dibdib at ang sakit-sakit na makita ang taong mahal mo na masaya at ang ganda ng ngiti na binibigay niya sa babaeng kayakap niya ...

Umiwas ako ng tingin at tumalikod na sa kanina dahil ayoko makita nila ako ..

Nagulat ako ng may yumakap sa'kin ...

"Shhh ... Hayaan mo na .. Hindi siya bagay sa isang katulad mo "

Nang marinig ko ang boses niya nanghina ako at hindi ko napigilan umiyak at yakapin siya pabalik ..

"K-kenizke "

"Shh .. Ako nalang ang piliin mo .. Hindi kita sasaktan .."

Sorry, Kenizke kung .. Kung gagamitin kita .. Hindi ko intensyon na saktan pero wala ako magagawa ...


Nakatulala lang ako sa harapan at naguguluhan .. Nagsimula na din ang program pero tila ang pagiisip ko hindi na gumagana ..

Siguro mali lahat ng sinabi ni Shiela .. Imposibleng mahal niya ako .. Sobra na ginagawa niyang pananakit sa'kin.

Hindi ko na kaya ...

Siguro kailangan ko na talagang sumuko .. Ako lang naman ang umaasa na babawian niya lahat ang mga sinabi niya sa'kin ..


Hindi ko alam kung tama ba talaga pinaggagawa ko na kailangan ko gamitin ang isang tao para lang makalimot sa isang taong mahal mo ...

Ang hirap palang magmahal ..?

Sabi naman nila hindi mo matatawag ang isang pagmamahal kung hindi ka nasasaktan ...

Hindi ko pinansin ang pag-akyat ng bawat student sa stage kasama ng parents nila .. Nabibingi na ako sa katotohanan na hindi dapat ako umasa sa taong hindi naman ako minahal sa simula palang ..

Nang tinawag na ang pangalan ko .. Pilit ako ngumiti kahit alam ko sa sarili ko nasasaktan ako ..

Nagulat ako ng makita ko sila Dad and Mom sa taas ng stage ...

Kahit papaano nabawasan ang sakit nararamdaman ko ..

"Congratulations hiya" sabi nila Mom and Dad .

Nakipagbeso ako sa kanila at nakipagkamayan sa guest ...

Pumunta ako sa harapan dala-dala ang diploma ko .. Nilibot ko ang paningin at sa huling pagkakataon nakita ko siya nakatitig sa'kin ...

Ngitian ko lang siya dahil alam ko sa sarili ko ito ang huling pagkataon na nangingitian ko siya ....

Pagkababa ko sa stage nakahinga ako ng maluwag dahil na bawas-bawasan ang sakit ng loob ko ..

Pagkatapos ng program sinalubong ako ni Kenizke kasama sila Mom and Dad..

"Congrats ulit hiya and excited na ako para bukas!"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mom. Nakaramdam ako ng kaba sa pwedengisagot sa'kin ni Mom.

Hindi pa ako nakakasagod ng mas lalo ako kinabahan ng dumaan sa harapab namin si Novem.

"Oh, Mr gatchalian long time no see .. Congrats pala at hiniwalayan mo ang anak ko. "

Nagtaka ako sa sinabi ni Mom pero nabigla ako sa narinig ko ..


"By the way. Eto nga pala ang invitation card para sa kasal ng anak ko bukas kaya pumunta ka .."

"What? Bakit hindi ko alam Mom ang bilis naman yata ? "

Hindi ko napigilan mapatingin sa direksyon ni Novem pero umiwas lamang siya ng tingin sa'kin.


"Of course. Ilang araw ko rin pinaghandaan ang lahat ng kailangan nyo para sa kasal. Kaya magpahinga ka agad pagkarating mo sa bahay .."

"Congrats nalang sa'yo dude!" Sabi niya sabay tapik sa balikat ni Kenizke.

Hindi ko alam kung ano gusto iparating ni Novem pero bakas sa boses niya na nasasaktan sa nangyayari.

Nagsimula na siya maglakad palayo sa'kin ... Gusto siya habulin pero hindi ko magawa sana maging masaya na siya ...

******

Pagkagising ko palang feeling ko ay ayoko na magising dahil ito na ang pinapangit na araw ko sa buong buhay ko.

Magpapakasal ko sa taong hindi ko naman mahal pero kailangan ..siguro wala ng dahilan pa para umatras ako sa kasalan na ito ..

Dahan-dahan ako bumangon at napatingin sa bintana ... Rinig na rinig ko ang ingay ng mga tao sa baba ...

"'Ma'am kumain na daw po kayo .. Dahil nandyan na po yung mag make-up sa inyo .."

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang isa sa mga katulong namin.. Nginitian ko lang siya at sinabing susunod nalamang ako.

For the last time ...

Good bye Novem and

I love you so much ..

SEDUCING THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon