Hello!!! Love ko po talagang magsulat ng stories kaya sana magustuhan niyo!!😍😍😍.
Warning: i'm an amateur writer.
HALEY
PAAAAKKKKK!!
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa daddy ko. Awtomatikong tumulo ang luha ko ng sunod sunod, tumingin ako sa gawi ng mommy ko na mababakas ang galit, si lolo na panay ang iling at disappointed dahil sa katangahang nagawa ko. Si Lola na nakataas ang kilay at seryosong nakatingin sa akin habang may panghihinayang sa kanyang mga mata.
Lahat sila alam kong disappointed dahil sa nangyari sa akin. As one of the multi-billionaire family in the whole world, it is a disgrace in the family to have a family member who got pregnant by an irresponsible man.
Tama irresponsible, dahil hindi siya karapat dapat na maging ama ng anak ko. Isa siyang malaking manloloko. Duwag at walang paninindigan. Isa siyang duwag na tinubuan ng katawan.
"Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito. Ipalaglag mo ang batang 'yan bago pa may ibang makaalam!" halata ang disappointment at galit sa tono ng boses ni Dad. Malakas iyon at dumadagundong sa buong kabahayan. Hindi na bago sa akin ang masaksihan ang galit niya. Palaging ganito ang reaksyon niya, nilang lahat, kapag nadudungisan ang pangalan ng pamilya. Kapag nadudungisan ang pinapangalagaan nilang apelyido, at reputasyon.
Mabilis akong umiling iling, "No Dad, I won't." matatag kong saad. Kahit anong mangyari hindi ko ipapalaglag ang batang nasa sinapupunan ko. "Ako ang may kasalanan kaya ako dapat ang magdusa isa pa, walang kasalanan ang baby ko. Please po Dad, not my baby." ang batang ito na lang ang natitirang kakampi ko sa ngayon. Hindi ko kayang pati siya ay mawala. Ayoko.
"At anong gusto mo, malaman ng mga tao ang tungkol sa disgrasyang kinasangkutan mo?" galit na utas ni Lolo. Hinampas niya ng kanyang mga kamay ang mesa dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay.
"Ang tagal naming iningatan ang pangalan natin tapos ikaw lang pala ang sisira!" inis na saad ni Lola. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon mama!" sabi ni Daddy.
"Ano ba ang mga pagkukulang namin sa'yo, wala naman diba.?" sabi ni mommy. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha gayunpaman alam kong maging siya ay galit at disappointed sa akin. Napangiti ako ng mapakla.
Wala nga ba kayong pagkukulang? nais ko sana iyong itanong ngunit natatakot akong baka mas lalo silang magalit.
Wala silang panahon para sa amin, magkahiwa-hiwalay kaming tatlong magkakapatid dahil sa kanila. Kuya Harrem is in US, kahit ayaw niya ng kursong may kinalaman sa business ay napilitan siyang kumuha dahil sa pamilya namin. While Harrel is in Canada, he's with our Grandparents sa Mother side. Tapos ngayon sasabihin nila na wala silang pagkukulang? New Year, Pasko, Birthdays at kahit mga school matters na involve ang parents o kahit sinong relatives laging wala sila at maid ang representative. Oo nga't mayaman kami, pero walang nag-aaruga sa amin. Wala ang atensyon nila sa amin kung hindi ay nasa kompanya, negosyo at kung ano ano pa. Walang atensyon kaming nakukuha mula sa kanila. Masiyado silang nakapokus sa kung paano mapapalago ang negosyo, at kung paano sila magta-top sa Business world. Kapangyarihan at kayamanan, iyon ang pinakamahalaga para sa kanila.
"You're going to Canada tommorow at do'n ka mag aaral. Ipapalaglag natin ang batang 'yan" saka umalis si Dad.
"N-no, no p-please, n-not my baby." Napatakip ako sa bibig habang impit na umiiyak. Napaluhod ako sa sahig. Hindi ko kakayanin.
"M-mom, mommy"
Ngunit katulad ni Dad ay umiling iling lang siya saka umalis gayundin si Lolo at Lola.
Tumakbo ako sa kwarto ko at saka umiyak ng umiyak.
Ano na ngayon ang gagawin ko?
Marahan kong hinawakan ang impis kong tiyan. Kahit na hindi pa siya malaki, kahit na alam kong dugo pa lamang siya ay nararamdaman ko na siya. Mahal ko na ang anak ko ayokong mawala siya sa akin.
Dugo at laman ko ang nasa sinapupunan ko. Di ko kayang mawala ang anak ko, hindi ako papayag. Marahan kong inilibot ang tingin ko sa buong kwarto.
And that time I made up my mind, inempake ko ang mga gamit ko at umalis sa bahay.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin at sa magiging anak ko pagkatapos ng gagawin kong ito. Ngunit mas mainam na ang ganito dahil hindi ko kakayaning mawala sa akin ang taong alam kong magiging kakampi ko sa mga darating na panahon.
Tiningnan ko ng huling beses ang bahay namin. Sana tama ang desisyon kong ito.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...