REID POV
"Alexis bilisan mo na diyan." sunod sunod kong kinatok ang pintuan ng kwarto ng kapatid ko. Nauna na sila Mommy at ang iba pa naming mga relatives. Ando'n na rin ang barkada. Napakatagal kasi kumilos ng kapatid ko, isama pang nakatulog ako kanina. Hanep talaga
"Eto na po!." saka siya nakabusangot na lumabas. Isang lavander semi gown ang suot niya.
"Grabe Alexis, sobrang tagal mo. Uhugin pa rin naman.. tsk tsk tsk." saka ako mabilis na bumaba.
"KUYAAAA!" malakas niyang tili saka nagmamadaling bumaba ang kaso ay nakaheels siya kaya nahirapan siyang bumaba. Napatawa nalang ako. Ang sarap niya talagang asarin.
"Whatever kuya, kung ako uhugin ikaw iyakin. Haley asan ka na ba? Miss na kita." Ginaya niya pa ang boses ko. Sumeryoso naman ang mukha ko.
"Tara na." sabay tikhim ko. Grabe ring bumanat tong kapatid ko ah. Kainis
"Kita mo na, edi hindi ka makapang-asar. Si ate Haley lang pala katapat mo eh." humagikhik siya saka ngingiti ngiting nagpatiunang lumabas ng bahay.
Kilala ni Alexis si Haley in name and in face. Nakita niya lang ang litrato nito sa cellphone ko at narinig naman nito si Haley mula sa akin. But hindi niya pa ito nakikita ng personal. Sa loob ng walong buwan naming magnobyo ay hindi ko pa siya naipapakilala sa pamilya ko at gano'n din siya sa akin.
Haist.. ano ba Reid? May asawa na siya at may anak na Reid kaya tigilan mo na ang kaiisip sa kanya.
"Woi kuya, alam kong namimiss mo na si Ate Haley pero malilate na po tayo." nang-aasar ang tono ng boses ni Alexis. Nakasakay na ito sa kotse, ibinaba lang nito ang wind shield. Agad nitong itinaas ang windshield ng kotse ng akmang lalapit ako dito.
Sumakay na ako sa kotse. Ako ang nagdrive dahil ayaw kong magpamaneho pa. Laging ako ang nagmamaneho ng kotse ko.
Medyo marami na ang mga tao pagdating namin but still it's not crowded because the place is big.
Nakaabang sa daanan ang mga reporters at sinalubong kami ni Alexis ng mga flash ng camera. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, I badly want this event to be successful.
Red carpet ang dinadaanan namin at ang kapatid kong si Alexis ay nagpatiuna ng maglakad. Although maraming mga katanungan ang mga reporters ay piling tanong lang ang isinasagot ko sa mga ito.
Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba. Parang may nakatitig sa akin, inlibot kong muli ang tingin ko sa buong lugar at nagkibit balikat na lamang ng makita kong marami ngang nakatingin sa akin, syempre maraming tao eh. Kaya muli nagdere deretso ako sa paglalakad papunta sa table na para sa mga Dela Vega and close friends.
"Bro/Dude." bati ng barkada sa akin. Lumapit ako sa kanila saka nakipag shakehands. Kasam ani Fred si Nikki, si Jun kasama si Sophie habang sina Angelo at Ethan naman ay solo.
"Son!" my dad acknowledged my presence.
We hugged each other but in a manly way. My mom just smiled at me. Hindi pa nagsisimula ang selebrasyon pero ilang minuto lang ay umakyat na ang master ng ceremony sa stage at sinimulan ang programa.
"For the opening and welcoming speech, let us all welcome and give a round of applause to the president of the Dela Vega Group of Companies, Mr. Reymen Dela Vega." masiglang sabi ng emcee. Agad naman kaming nagsipalakpakan ng tumayo si Dad at naglakad papuntang stage habang nakangiti.
"Thank you everyone for being here tonight. I really appreciate each of your presence. 27 years ago, we started as a little business but then I'm very happy that until now we are still strong bonded. I'm very thankful that through the years we stayed together and now the Dela Vega Group of Companies is already in it's 27 years. Thank you Everyone! Enjoy the night." nagpalakpakan ulit kami ng bumaba na si Dad. Ilang minuto na lang at ipapakilala na ako bilang bagong Vice president ng kompanya.
Sunod na tinawag ay ang finance manager to present the current financial situation/status of the company. And I must say it was great. After the presentation the emcee welcomes the newly arrive visitors which made my jaw dropped and my eyes big.
"Let us acknowledge and welcome the presence of Mr. Harrem Villaruiz and Mr. Harrel Villaruiz with two cute kids."
It's Haley's siblings but who are those kids? Pero pamilyar sa akin ang mukha ng dalawang bata.
"The kids look familiar." napalingon ako kay Angelo ng sinabi nito iyon. Namumukhaan din niya.
"Oo nga eh namumukhaan ko rin, parang I've already seen them somewhere." pati si Jun ay nakiayon na din.
"Ah yes! Bro diba nakita natin ang dalawang batang yan sa department store. Tanda niyo ba?" agad naman akong nag-isip. Tama sila nga 'yon. Ang batang babae ang tumawag kay Haley ng Mama at ang batang lalake naman ang lumapit sa amin.
Pero bakit magkasama ang dalawang bata? Magkakilala ba sila? Magkaano ano ba sila? Anak ni Haley ang batang babae, eh ano niya ang batang lalake? Kaninong anak ang batang lalake?
"Alexis, tingnan mong maigi, hindi ba't kamukha ni Reid yung batang lalake?" rinig kong tanong ni Jun sa kapatid ko. Naglalakad na ang mga Villaruiz papunta sa mesang nakatakda para sa kanila. Nilingon ko naman ang pwesto nila Alexis. Titig na titig siya sa batang lalake.
"Oh gosh, oo nga noh?" nanlalaki ang mga mata ni Alexis.
"Oh, diba? Magkamukha sila."
"Tss, kalokohan." Teka nga, kung imbitado ang mga Villaruiz then baka andito rin si Haley. Kaya naman inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.
At hindi nga ako nagkamali, nakita ko nga siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero bakit nakasuot siya ng damit ng mga waitress at bakit nandoon siya nakatayo sa may buffet table?
Hindi ko inaasahang lilingon din siya sa gawi ko dahilan para magtama ang paningin namin. Mukhang nagulat siya ng makita akong nakatingin din sa kanya dahil nanlaki din ang mga mata nito.
Kung nagulat siya, ako naman ay nakaramdam ng di maipaliwanag na tuwa sa puso ko. Masaya akong makita siyang muli and this time alam niyang nakita ko siya at nakita niya ako.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...